1

126 5 1
                                    

FWYS

Note: This is the book 1 of my Aviation Series (Avacíon #1) Feel free to engage and share a comment below.



I'm tired of putting my life on hold. I know there are a lot of things to do, and the universe still has a lot of time to offer, not just for me but also for everyone who continuously dreams; however, the pressure is slowly killing me.

The waiting time is killing me.

I am in a mundane phase of my life right now. A chapter that most optimistic people calls "resting phase" a time to relax and recharge.

What type of a person are you because i am definitely torn whether i am a half-full or a half-empty type of girl right now.

Half-full person will most likely take this phase as a chance to rest. I can't.

My phone beeped.

I felt restless recently kahit na wala naman akong ginagawa. Kain tulog lang ganap araw-araw. Ngayon naiintindihan ko na yung mga post sa facebook. Akala ko nag iinarte lang sila, panay reklamo pero totoo nga pala talaga.

Ngayong graduate na ako alam ko na. Madami pala talagang iisipin ang isang tao pagkatapos niyang mag aral sa kolehiyo. Hindi magaan. Hindi madali ang buhay.

Totoong madalas nagkakaroon ng anxiety, stress at depression ang mga studyanteng nakatapos ng kolehiyo dahil sa matinding pressure. I've been thinking about my future lately.

Yung iba hirap makahanap ng trabaho o di kaya naman ayaw nila ang mga trabahong nakalatag sa harap nila. Madaming competition. May diploma ka na nga hinahanap pa nila ay yung may experience. May experience ka pero dapat maganda. Nasayo na nga ang lahat pero mas pinili nilang kunin yung may backer o koneksyon sa loob ng kompanya. Mahirap nga ang buhay pagkatapos mamuhay estudyante. Mahirap ang buhay dito sa totoong mundo.

No one pressured me to be the best as soon as possible. My family never pressured me to work immediately pero ako lang talaga ang may problema, eh. Nahihiya na akong umasa sa kanila. Nakakahiyang humingi ng pera at allowance kasi pakiramdam ko wala na akong karapatan at sapat na rason para doon.

Most children in the world started working at eighteen. Yung mga anak nga sa ibang bansa ay pinapalayas na ng magulang at pinapabukod agad agad.

Kaya dapat kaya ko rin. Dapat ako rin di na umaasa sa pamilya. Ilang opportunities na ang tinanggihan ko kasi iniisip ko pa lang na pumasok sa trabahong iyon ay di na ako masaya, pagod na agad ako. I wanna do the things that i love, be part of the industry that will make me happy. Choosy ako sa trabaho, choosy sa sweldo kasi alam kong deserve ko ng the best. I dont wanna settle to things i dont deserve.

Pero dahil mapili nga ako wala pa rin akong pera. Ilang buwan na akong hindi humihingi ng allowance sa magulang ko. Pinagkakasya ko nalang yung perang naiwan sa bank account ko. Siguro naman bago maubos yung pera ay may trabaho na ako.

My mental health is slowly deteriorating. Bigla bigla nalang akong naiiyak. Biglang naaalala yung kabataan ko yung mga pinagdaanan ko just to get here. I missed my dad. Then after a couple of hours maiiyak na naman ako dahil sa kapatid ko. Ewan ko nakakabaliw pala talaga ang ganito.
Yung damay lahat dahil sa gulo ng utak mo. Yung mga past biglang mas lalong magpapalungkot sayo.

Gusto kong ibigay lahat ng magagandang bagay at experience sa pamilya ko. I wanna help my mom. Tumatanda na siya. Habang abala pala tayo sa pag abot ng mga pangarap natin nalilimutan natin na di sa lahat ng panahon ay malakas mga magulang natin. Abala tayo sa sarili nating buhay na di natin namamalayan ay kumukulubot na mga balat ng mga magulang natin, nakakaramdam na sila ng paghihina.

On His Roster (Aviación  #1) CompletedWhere stories live. Discover now