"That's okay, I'll just inform them para aasikasuhin ka nila doon. Hindi kasi nakikipag-usap si Dale Rafael kung walang appointment kaya mabuti na lang dito ka tumawag."





"Salamat po ma'am." Unti-unti nang napapanatag ang kalooban ni Ellie.





"Just call me tita, ayoko ng ma'am dahil ang pakiramdam ko parang ang tanda ko na." Sinabayan pa ng mahinang tawa ni Althea.





"Okay po t-tita." Nahihiyang sabi ni Ellie.

Nang maibaba niya ang telepono ay napagtanto ni Ellie na mabait ang ina ni Dale Rafael ang hindi niya lang alam kung bakit ang sama ng ugali ng binata.




"Ellie! Kanina pa ako kumakatok." Nakasimangot na bungad ni Trisha.




"Sorry hindi ko narinig."




"Kasi naman paano mo ako maririnig ang lalim ng iniisip mo." Sabay tabi nito sa kaibigan.




"Kausap ko si Mrs. Monteverde kanina."




Nanlaki ang mga mata ni Trisha. "Really? Si Athea Monteverde?" Halos hindi makapaniwalang bulalas nito.




Marahang tango ang tugon ni Ellie.




Bago muling nagsalita si Trisha ay inilibot muna niya ang paningin sa kabuuan ng beach house. "Si tito Edgardo?"




"Wala pa siya, pero parating na yun."




"Maglakad lakad muna tayo sa labas, natatakot ako na maabutan tayo ni tito." Nauna ng tumayo si Trisha.




Sumanga-ayon naman si Ellie sa kaibigan dahil hindi pa siya handa para sabihin sa ama ang kalagaya ngayon. Bago tuluyang lumabas ay dala niya ang kanyang cellphone mas mainam kung susubukan na rin niyang tawagan si Dale Rafael ngayon.

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now