Chapter 2

25 2 0
                                    

Solaria Pov

Kinabukasan ay mabilis na bumangon ako upang makapaghanda na ako sa aming almusal. Kasalukuyang inihahanda na nila Klare which is isa sa mga kasambahay rito sa mansiyon na naging malapit sa akin ang hapagkainan.

"Goodmorning ma'am Solaria," mahinang bulong niya ng tumabi ako sa kaniya upang maka-upo na.

Tipid akong tumango sa kaniya ngunit ramdam ko ang pagtagal ng titig niya sa aking pisngi. Binalewala ko na lamang siya dahil alam kong sanay na siya na nakikita akong gan'to na may pasa. Pero sa kaniya lang hindi nakakatakas ang mga pasa ko dahil lagi ko itong nilalagyan ng make-up upang hindi mahalata.

"Pababa na si sir Tristan," seryosong sabi ni manang fe na siyang mayordoma sa mansiyon.

Umayos ako ng upo at bahagyang inilagay ang mga kamay sa hita at doon ikinuyom. Ramdam ko ang bawat yabag niya hanggang sa naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago siya naupo sa harapan ko.

"Let's eat," seryosong sabi niya kaya kahit may kung anong nakaharang sa aking lalamunan ay pinilit ko na lamang kumain.

Tanging kubyertos lamang ang aking naririnig sa buong hapag bagay na nakasanayan ko na sa nakalipas na isang taon. Minsan may mga pagkakataon na tatanungin mo ang sarili mo na kailan kaya babalik ang dati?

Pero minsan iniisip ko kung kaya ko pa bang tanggapin kung sakaling bumalik ang dati naming samahan. Sapat ba na mahal ko siya para patawarin siya sa lahat ng pananakit niya sa akin? Nakakatawa lang isipin na ilang beses niyang sinabi sa akin na hindi siya gagaya sa ama niya pero it turns out na mas malala pa siya kaysa sa ama niya.

"Are you fuckin' listening, Solaria Soercia!?" Napaigtad ako habang gulat na gulat na nakatitig kay Tristan na may matatalim na titig sa akin.

"Uhm...." nangangapang sagot ko dahil hindi ko nasundan kung ano ang sinasabi niya dahil masyadong naging okyupado ang isip ko. Kaya sa huli ay yumuko na lamang ako, "I'm sorry."

"Ano na naman ba ang iniisip mo at hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko!?'' Napapikit pa ako dahil pabalya niyang itinapon ang hawak na kutsara sa lamesa. "O baka naman nagplaplano ka na namang tumakas!?"

Mabilis na nag-angat ako ng tingin sa kaniya bago sunod-sunod na umiling. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko dahil isa sa mga bagay na kinakatakot ko sa kaniya ay ang maubos ang pasensya niya sa akin.

"H-indi naman Tris---"

"Siguraduhin mo lang Soercia! Dahil alam mong ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang pagsisinungaling!" ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya.

Mapait akong tumango at ngumiti sa kaniya, "Huwag kang mag-alala.....hinding-hindi ko na uulitin 'yong pagkakamaling nagawa ko sa'yo dati,"

Nangilid ang luha ko at kahit na bahagyang nanghihina dahil sa nararamdaman ay kumain na lamang ako ng tahimik. Hindi na rin naman na siya nagsalita at nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Alam kong pareho kami ng iniisip pero hindi ko alam kung pati sa nararamdaman ba ay pareho kami.

Its been a year since that tragedy happened that ruined everything even our almost perfect relationship and even once we didn't even talk about it. I know it was my fault but can't he blame me? Maybe he think that I did'nt tooke care of myself the reason why we lost our baby. But turhtfully  I was scared that time, so damn scared that I chose to ki--------

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now