Chapter 1

64 2 0
                                    

Solaria Soercia Pov
(Pronounce as SO-LA-RAYA-  SER-CIA)

"You may now kiss the bride," mabilis na hinarap namin ang isa't isa at kasabay ng masigabong palakpakan ng mga taong malapit sa amin ay ang paglapat ng aming mga labi.

Bawat galaw ng aming labi ay ramdam ko ang tindi ng emosyong nanggagaling roon. Pagmamahal na kahit kailan ay hindi matutumbasan ng kahit na anong bagay. Pagmamahal na kahit temptasyon ay hindi kayang tibagin.

"Mahal kita," nakangiting sabi ko habang magkadikit ang aming hubad na katawan. Kakatapos lamang ng aming pag-iisa at halos wala kaming kapaguran dahil magmamadaling araw na kaming natapos at tuluyang napagod.

"And I love you more," seryosong sabi niya bago marahang hinaplos ang aking mukha.

Tinitigan niya ng mabuti ang bawat parte ng aking mukha na parang kinakabisado niya ito. "Hinding hindi kita sasaktan. Aalagaan ko kayo ng magiging mga anak natin,"

"Mga?" nakangusong tanong ko na bahagya niyang ikinatawa.

"Yes, hon. Aalagaan ko kayo ng magiging mga anak natin-----"

Isang luha ang tumulo sa mga mata ko kasabay ng pagtama ng kaniyang kamay sa pisngi ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang paghikbi. Ramdam ko ang hapdi pero ang tanging nagawa ko na lang ay mapasinghap.

Hindi ko maintindihan kung bakit kami humantong sa ganitong sitwasyon. Nasan na 'yong pangakong binitawan mo sa mga unang taon ng pagsasama natin? Gusto ko mang isumbat sa kaniya ay hindi ko na magawa pa dahil alam kong ako lang ang mahihirapan.

"P-patawad, T-ristan," utal na sabi ko habang nakayuko. Ramdam ko ang pangangatal ng pisngi ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sa akin.

Mahigpit niyang hinawakan ang baba ko at itinaas upang magtama ang paningin namin. Hindi ko mapigilang hindi mangiti ng mapait dahil wala na 'yong taong minsan ko ng minahal. Wala na 'yong mga mata niyang puno ng pagmamahal habang nakatitig sa akin. Pero ang tanging tanong ko, san ba ko nagkamali?

Sa limang taong pagsasama namin ay naging mabuting asawa ako sa kaniya. Lahat binigay ko dahil mahal na mahal ko siya. Ahh....'yong isang bagay pala na gustong gusto niyang makuha ay kahit kailan ay hindi ko na mabibigay.

Sino nga bang lalaki ang gugustuhing makasama pa ang isang wala ng kakayahang magdala ng sanggol sa kaniyang sinapupunan? Pero akala ko kapag mahal mo ang isang tao ay tanggap mo lahat sa kaniya pero hindi pala sapat na mahal mo lang siya.

"Go to our room and do not go out, Solaria," mariing sabi niya bago pabagsak na iwinaksi ang pagkakahawak niya sa baba ko, "you don't want me to get mad, right?"

Tumango na lang ako at dahan-dahan na umakyat sa taas at pumasok sa aming kuwarto. Umupo ako sa kama at napatulala na lamang. Iniisip kung bakit ang pangarap kong buhay kasama ang lalaking mahal ko ay naging isang impyernong buhay.

"T-ristan...." tuluyan ng kumawala ang mga luha sa aking mga mata habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ng taong mahal ko. Kumikirot ang aking puso dahil parang hindi na siya ang lalaking minsan ko ng minahal.

"Wow! Ang ganda naman rito, hon!" Excited kong sabi habang pinapalibot ang tingin sa buong bahay.

Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko hanggang sa ipinalibot niya ang kaniyang mga braso sa aking baywang bago ipinatong ang baba sa aking balikat.

"Dito tayo bubuo ng pamilya, mahal ko. Ipinatayo ko ito dahil alam kong ikaw na 'yong babaeng makakasama ko habang buhay at magiging ina ng magiging anak ko," bagamat seryoso siya ay hindi ko mapigilang hindi kiligin dahil sa sinasabi niya.

Ilang mga kababaihan ba ang hiniling na sana mahalin rin sila ng taong mahal nila, hindi ba? Kaya ang swerte ko dahil hindi lang ako minahal kundi pinakasalan pa ako. At heto kami bubuo ng sarili naming pamilya. Pamilya na siyang hihilom sa sugat na naranasan namin sa aming mga pamilya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nag iba ka, mahal ko." Humiga ako sa kama at bahagyang hinaplos ang unan na siyang ginagamit niya sa pagtulog sa tabi ko, "miss na kita. Miss na miss na kita. Sana panaginip na lang lahat ng 'to. Sana panaginip na lang ang araw na 'yon," umiiyak na sambit ko hanggang sa tuluyan na akong hinila ng antok.

Malakas na ulan ang siyang nagpagising sa akin. Kinapa ko ang tabi ng kama kaya bahagya na akong nagising nang maramdamang wala sa tabi ko si Tristan.

Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa nakita ko siyang nakatayo sa barindilya ng kwarto namin habang pinagmamasdan ang bawat pagpatak ng ulan.

Kahit antok pa ay unti-unti akong bumangon at lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya sa likuran dahilan ng kaniyang pagkagulat.

"Bakit gising ka pa, hmm?" Marahang tanong ko habang nakasandal ang mukha sa likod niya.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa braso ko. Akala ko ay hindi na siya magsasalita ngunit kasabay ng pagkulog at pagkidlat ay siyang pagbitaw ng mga salita ng taong mahal ko na siyang nagpakabog ng malakas sa aking dibdib.

"Hinding hindi ko gagawin ang mga bagay na nakita ko mula pagkabata ko, Solaria," seryoso man ngunit ramdam ko ang sinseridad nito. "Nandito ako para sa inyo ng magiging anak natin. Mamahalin kita higit pa sa pagmamahal na binibigay mo sa akin."

Ngumiti ako ng matamis at bahagyang hinigpitan ang pagyakap sa kaniya.
"Kaya uumpisahan natin sa pagbuo ng buhay sa sinapupunan mo," bahagya akong napatili nang binuhat niya ako at dinala sa kama.

Kasabay ng malakas na kidlat at kulog ay ang mga pagdaing namin ng pag-iisa. Pero hindi ko akalain na lahat ng 'yon ay may hangganan. Akala ko ang pagmamahal ay walang hanggang pero iba ang nangyari sa amin.

Naramdaman ko na parang may marahang humahaplos sa pisngi ko. Hindi ko iminulat ang mga mata ko dahil pamilyar sa akin ang haplos na 'yon. Nagpanggap akong tulog habang ninanamnam ang kaniyang patuloy na haplos sa pisngi kung saan niya ako napagbuhatan ng kamay.

Gusto ko siyang yakapin at halikan pero natatakot ako. Natatakot ako na baka saktan niya ulit ako. Hindi ko akalain na darating sa punto na kakatakutan ko ang lalaking binigyan ako ng assurance na dapat wala akong katakutan ngunit heto ako't takot sa kaniya.

Ganito ba ang pagmamahal?

Dahil na rin siguro sa pagod at kirot sa pisngi ko ay tuluyan na akong hinila ng antok. Pero hindi ako maaring magkamali dahil may naramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa aking noo.

Napangiti na lang ako ng mapait nang mapagtantong after one year of that fucking tragedy, ay naramdaman ko ulit ang kaniyang labi na dumampi sa aking mukha. Hindi kamay na dulot ng sampal ngunit halik na may halong paghingi ng paumanhin.

Affair across the sky  (Completed)Where stories live. Discover now