Chapter 5 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    


Lingid sa kaalaman ng magkakaibigan ay may isang taong nakikinig sa kanila. Kanina pa niya gustong sampalin si Dale Rafael dahil kalapastanganan nito sa mga babae at pati ang kanyang kapatid ay hindi pinaligtas nito.



"Sweetheart are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Ricardo sa asawa.



Para ayaw ibuka ni Luisa ang bibig, talagang nanginginig siya sa galit ng mga sandaling yun. "I-Im fine may bigla lang akong naalala." Ayaw niya na mag-alala ang asawa.




"Are you sure? Parang namumula ka, baka may nakain ka na nagkaroon ng reaction sa katawan mo." Hinawakan pa nito ang pisngi ng asawa.




Kung alam lamang ni Ricardo na galit ang dahilan ng pamumula niya ay baka ito mismo ang sumugod sa tatlong lalaki na nasa kabilang mesa.  "Pupunta muna ako sa powder room." Nagmamadaling tumayo si Luisa.  Mabuti na lamang ay dumating na ang hinihintay na kliyente ng asawa kaya may pagkakataon siyang tumalilis.




 Kailangan niyang komprontahin ang mga ito, hindi niya mapapalampas ang pambabastos ni Dale Rafael sa kapatid niya. At nang makatapat siya sa kinauupuan ng mga ito ay taas noo siyang nagsalita. "Mr. Monteverde can I talk to you?"




Sabay sabay na napalingon kay Luisa ang tatlong magkakaibigan. Nagtataka ang mga ito sa galit na nakarehistro sa mukha ng babae.  Makahulugang nagkatinginan sina Oliver at Jonathan, iisa lang ang agad na pumasok sa sa isipan nila. Ang buong akala nila ay nakaroon din ng relasyon si Dale sa babaeng nasa harapan nila ngayon.




"I'm sorry ma'am; I don't discuss any business outside my office. If you want to talk to me call my secretary and set an appointment." May kapreskuhan na tugon ni Dale. Parang nahuhulaan na rin niya kung ano ang iniisip ng mga kaibigan ngayon.  Aminado siyang maganda ang babaeng kaharap ngayon pero hindi siya pumapatol sa mas matanda sa kanya. Parang may kamukha ang babae pero hindi niya matandaan kung sino.




"Huwag mong isali ang kapatid ko sa mga babae mo dahil ako ang una mong makakaaway. One of these days mag-uusap tayo ulit." May galit ang bawat katagang  bnitawan ni Luisa bago ito tuluyang tumalikod. Pinili na lamang niyang lumayo muna sa mga ito dahil unti-unti na silang nakakaagaw ng atensiyon, hindi rin naman niya gustong mapahiya ang asawa sa mga kliyente nito.




"Whoaah! Who's that woman?" tanong ni Jonathan kay Dale.  Habang sinusundan ng tingin ang papalayong babae.




"Hindi ko kilala ang kapatid na sinasabi niya. Don't mind her baka gusto lang magpapansin." Kibit balikat na tugon ni Dale.

 




"Dude, ang bilis naman ng karma mo." Pang-aasar ni Oliver.




"Tigilan nyo nga ako. I don't know that woman and I did nothing to her."




"Didn't you hear her? Ang sabi niya huwag mong isali ang kapatid niya sa mga collection mong babae. It means it's about her sister." Patuloy ni Oliver.




"I know that woman!" Biglang sabi ni Jonathan ng makita niyang bumalik ang babae sa mesa nito. "She's the wife of Mr. Ricardo Villegas. I'm sure you know him kasi isang mundo lang naman ang ginagalawan natin."




"I know him pero hindi ko kilala ang kapatid ni Mrs. Villegas." Nakakunot noong sabi ni Dale.




"I think she's just giving you a warning. Kaya dapat alamin mo muna ang family background ng babae mo baka totohanin ni Mrs. Villegas ang banta niya sayo." May himig pananakot na sabi ni Jonathan.




"Don't mind her; I'm with the senator daughter right now and I'm sure na hindi siya related kay Francine. Wala rin naman akong magagawa kung ang kapatid niya ang mismong lalapit sa akin lalo na kung kasing ganda niya ito hindi ko matatanggihan." Sabay tawa ni Dale.

"Dude, mukhang totong galit si Mrs. Villegas ang mas mabuti mong gawin ay mag-ingat na lang." Kahit naman maloko sa babae si Dale ay concern ang mga kaibigan sa kanya.




"Don't worry, I can handle her." May kumpiyansang tugon ni Dale. Hindi siya pwedeng diktahan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi rin siya natatakot sa pagbabanta ni Mrs, Villegas dahil ang alam niya ay wala naman siyang pinilit na babae  sa katunayan ang mga babae ang kusang sumasama sa kanya. Pero ng mga sandaling yun ay pilit niyang iniisip kung sino ang kamukha ng ginang. 

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon