42 - What is happening?!

Start from the beginning
                                    

"What the hell?! Diba sabi ko bawal kayo dito?!" Sinamaan lang ng tingin ni Letth si Jm na humihikab pa. So cute.

"Sabi mo bawal kami sumama? Di naman kami sumama ah. Sumunod lang kaya kami." Sabay ngiting pang-asar ni kuya Dendo kay Letth.

Nagsi-upuan narin sila sa mga upuan at sumabay samin sa pagkain. Hindi pa ma-process ng utak ko na andito sila. Na andito siya.

Umupo sa tabi ko si Kuya Kenny habang katapat ko si Ralph na katabi si Kate. Makakakain pa ba ko neto?

"Kyna namiss kita. Haha, kumusta?" Bigla naman akong namula sa sinabi ni Kuya Kenny. Waaah! Crush ko kaya siya dati hihi.

Napatingin ako kay Ralph na kumakain lang ng tahimik.

"Okay lang po." Kukunin ko sana yung nag-iisang chicken ng biglang may tumusok din dito. Napansin kong si Ralph pala yun kaya agad kong tinanggal yung tinidor ko.

"Tss." Kinuha niya yung manok at kumain ulit. Nag-smirk ba siya? Oh nabibingi lang ako?

Napalingon ako kina Letth at Jm na kanina pa nagsisigawan. Hindi ba sila nabibingi? Ako kasi binging bingi na eh.

"Excuse me." Biglang tumayo si Kryshna at lumabas ng bahay.

Napalingon ako kay Ralph at nahuli ko siyang nakatingin kay Kryshna. Parang dinudurog yung puso ko. Kaya ba sinukuan niya ko? Dahil ba talaga kay Kyshna?

Bigla ding tumayo si Kuya Kenny at sinundan si Kryshna. Pati din ba si Kuya Kenny kay Kryshna narin?

"Sabi ko kasi wag kayong sumunod eh! Nakakainis!" Pinalo ni Letth si Jm sa braso at umakyat. Ano to? Isa-isang mag-aalisan? Bakit kasi naisipan pa nilang sumunod? Nagkagulo tuloy kami dito.

"Letth! Wait lang!" Umakyat din si Kuya Dendo at sinundan si Letth. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang bulaklak. Bakit kaya hindi mapansin-pansin ni Letth si Kuya? Gwapo naman si Kuya, mabait, matalino kahit papano.

Tahimik lang kaming kumakain dun ng biglang nagsalita si Tinay.

"Sa labas lang ako." Ako lang ba talaga nakakaramdam na may gusto si Tinay kay Kuya? Ilang beses ko na kasing napapansin na parang apektadong apektado siya sa tuwing lalapit si Kuya kay Letth. Oh baka naman kasi dahil kababata namin siya nila kuya kaya ganun?

"Bakit kasi sinama niyo pa to?" Sabay turo ni Kate dun sa lalaking hindi ko naman kilala.

"Pake mo? Nabili mo na ba yung tagaytay?" Woaah! Akala ko mabait siya, hehe mukhang bully tong isang to.

Kahit isa nga samin walang nagtangkang sagutin si Kate eh, tapos siya? Wow.

"Anong sabi mo?!" Sinamaan lang ni Kate ng tingin yung lalaki. Ako si Jam si Penyx si Jm at Ralph ay nanunuod lang sa kanila.

"Uulitin ko pa? Ayokong sayangin laway ko sayo." Pfft! Grabe hahahaha! Umuusok na sa inis si Kate. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

Tumayo siya at lumabas ng bahay. Napa-smirk naman si Kuyang bully at kumain ulit. Waaaa! Ang gulo gulo na dito.

Tinapos ko nalang yung pagkain ko para maka-akyat narin. Gusto kong matulog! Mukhang di naman kami makakapag-pamasyal kasi nga andito na yung mga boys.


Kryshna's POV

Naupo ako sa isa sa mga kubo dito. Naiinis ako! Ayokong makita si Ralph pero kanina? Gustong gusto ko siyang yakapin. Diba dapat galit ako? Dapat galit ako matapos niya kong iwan sa ere! Matapos niya kong ipagpalit kay Kyna! Diba pinagpalit niya ko? Diba?!

"Hey!" Nakita ko si Kenny na hingal na hingal na nasa harapan ko. Nakalagay pa sa tuhod yung isa niyang kamay habang yung isa nasa dibdib niya.

"Sinundan mo ko?" Tumango lang siya at ngumiti. Buti pa siya naisipang sundan ako. Si Ralph kaya?

Umupo siya sa tabi ko. Hingal na hingal nga siya. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at binigay sa kanya. Kahit malamig dito, pinagpawisan parin siya.

"Salamat. Okay ka lang ba?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Okay? Ako? Sana nga.

Hindi ko lang matanggap na kaya akong iwan ni Ralph ng ganun ganun. Umasa ako eh, umasa akong mamahalin niya din ako. Wala akong balak sumuko, pero anong gagawin ko kung yung mismong kinakapitan ko ang kusang nagpuputol sa pagkapit ko?

"Pwede kang mag-open sakin." Sumandal ako sa balikat ni Kenny. Ang aga aga ang drama ko. Pero hindi ko mapigilan.

Mahal ko si Ralph eh, ayokong sumuko. Gusto ko siyang ipaglaban, gusto kong umasang mamahalin niya ko. Pero lahat ng natitirang pag-asa ko tinaboy niya. Lahat ng lakas ng loob ko tinapon niya. Lahat yun hindi niya pinahalagahan. Lahat yun binalewala niya.

"Ganun ba talaga kayong mga lalaki? Bibigyan niyo kami ng pag-asa tapos iiwan lang din naman pala? Para san pa yung pag-asang pinaparamdam niyo?" Hindi ko na napigilang hindi umiyak.

Sobrang sakit na isipin na ganun lang kadali sa kanya lahat. Ang tanga ko eh, akala ko kasi mamahalin niya ko.

"Hindi lahat. Kung ganun ang ginagawa sayo then iwan mo. Hindi mo siya deserve at mas lalong hindi ka niya deserve. Marami pang lalaki jan Kryshna. Yung papahalagahan ka, yung hindi ka sasaktan at yung hindi ka papaasahin. Imulat mo lang yung mata mo." Hinarap niya ko sa kanya at pinunasan ang luha ko.

Napatitig ako kay Kenny. Bakit hindi to na-appreciate ni Jam? Bakit hindi to nakita ni Jam?

"Yan din ba sinabi mo sa sarili mo ng bustedin ka ni Jam?" Inaasahan kong malulungkot siya pero nagkamali ako. Ngumiti siya sakin at umiwas ng tingin.

"Magkaiba tayo. Yung samin ni Jam? Kasalanan ko lahat yun. Umpisa palang naman alam ko ng wala akong pag-asa. Pero nag-try parin ako. Kaya ngayon wala akong galit na nararamdaman, kasi alam ko sa sarili kong kasalanan ko lahat. Yung sa inyo? Magulo. Hindi yan maayos hanggat walang nagpapaubaya." Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan ko si Kenny.

Sobrang nadala lang ata ako sa mga payo niya. Sobrang gumaan yung loob ko sa mga sinabi niya. Kung hindi ako mahal ni Ralph, bakit ko nga ba ipipilit? Mahal ko siya pero alam kong may mahal siyang iba. Siguro tama nga si Kate. Tama nga sila Gands.

"S-sorry." Napayuko ako at kinagat ang labi ko. Ano bang naisipan ko at hinalikan ko si Kenny? Waaah! Nakakahiya sobra!

Ini-angat niya ang mukha ko at nagulat ako sa sunod na ginawa niya.


Hinalikan niya ko!

BENEFITS [Completed]Where stories live. Discover now