Chapter 91

8 0 0
                                    


Chapter 91

••Hera POV••

Hinahabol ko ang aking paghinga at sumandal sa pader. Muli kong inayos nag pader na may butas.

Napaiwas ako ng may mga puting sibat ang dumiretso. Tinignan ko ang layo nito sa muka ko at napangiwi ng malaman kakaunti nalang ang pagitan nito.

Tumakbo ako papalapit sakanila at inihanda ang kalasag ko. Umatake na naman ang mga puting sibat pailibot sakin.

Binato ko ang kalasag sa direksyon ng babae at espada patungo sa lalaki. Kasabay nito ang pagdakma ko sakanilang leeg papuntang lapag.

Mukang nagulat sila na sanhi nito ang pagdausdos namin pababa pahiga. Sinamantala ko na ito at hinampas sila sa leeg.

"Matulog kayo ng mahimbing..." sabi ko bago ko sila nilagyan ng takip sa mga muka.

Nawala ang mga ginawa kong nakapalibot at tinawag na muli si Emerald. Sumakay ako sa likod niya at tinuro ang mataas na palapag.

'Magpakita kana sakin Vien, kailangan mo magpaliwanag...'

Hindi pa rin mawari sa aking isipan ang mga pangyayari. Simula noon pinatulog nya ako at sa pasilyo ng mga kaaway.

"Bakit? BAKIT VIEN?" sigaw ko sa tuktok.

Lumayo kami ni Emerald sa gilid ng lumabas ang dalawang malaki na puti anino pero ngayon ay may halo na itong kulay lila. May dalawang pigura na pamilyar saakin.

Napahinga nalang ako. "Hindi nyo talaga alam kung kailan tumigil."

"BITCH! SATINGIN MO GANON MO NALANG KAMI MATATALO? NAISAHAN MO KAMI NGUNIT HINDI NA YUN MANGYAYARE MULI! IN YOUR STUPID DREAMS!"

Biglang niwasiwas ng kamay nito sa palapag namin. Pinatalon ko si Emerald habnag ako ay tumalon sa kamay nito.

Tumakbo ako pataas sa balikat nito at nakita ko rin na bumaba ang lila na babae. Nagkaharap ang aming espada.

Umurong ako sa lakas ng pagbanggaan nito. Muli ako tumakbo sa direksyon niya ng makita na nahulog ang kanyang espada.

Muntik ko na mahblot ang kanyang buhok pero tumayo siya agad at naglabas ng itim na mahika.

Gumawa ito ng patalim na gawa doon at ako naman ang sinugod. Gumawa ako ng kalasag pero mas naging mabilis na siya at nasugatan nya ang aking pisngi at braso.

Napakagat ako ng labi dahil hindi simpleng kirot ang nararamdaman ko. Mukang napansin niya ito at biglang napangisi.

"Huwag mo ng pigilan ang paglabas ng mga reaksyon mo! Ang itim na mahika ay may lason sa mga katulad mong uri!"

Dinura ko ang dugo sa bunganga ko at sumugod. Nagtugma na ang aming bilis at lakas kaya gumamit nako ng pandaya sa isang laban ng espada.

"Wolkinstor. " Bulong ko. Tumigil ang kanyang paggalaw bigla. Nagsimula ng magyelo ang kanyang talampakan.

"Ano nanaman ginawa mo?" Sigaw nito sakin.

"Sabi ko sainyo nagmamadali ako diba?"

Ngumiti ito sakin. "Ahh... Right. Vien diba? HAHAHA what a fool you are. Pati sarili mong kaibigan, trinaydor ka!"

"Ano bang alam mo?" Nararamdaman ko na baka alam niya din kung anong nangyayari.

"Hindi mo pa ba din nakukuha? Niloloko ka lang niya! Binenta ka niya samin!"

Napatingin ako sa baba sa lakas ng boses nya. Nakita ko sila West na nakatingin sakin.

Napahawak ito sa bibig at lumuha. Napapikit ako dahil wala akong balak na sabihin pa ito sakanila habang hindi ko pa nalilinaw kay Vien.

Napataas ang kilay ko." oh tapos? Sino kaba para pakinggan ko?"

--------------------TO BE CONTINUED---------------------

A/N:

❤️SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN, MAG IWAN NG LIKE, REAKSYON AT KOMENTO SA BABA!

❤️ILY all and stay healthy!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon