Chapter 5

77 4 2
                                    

(unedited*)

Hera POV 

Lahat sila ay umiwas nang tingin kay Vien nang bigla itong lumiwanag. Finally nabuksan nya na din. 

Si Vien at lumutang at nag iba ang kulay nang buhok. Naging mapula ito at naging maputi. Yun mga sugat nya ay tila nawala lahat.

Natigil ang liwanag at bumukas na ang mga mata nya. Pulang mata. Illusionist. 

Bigla lumapit si Vien sa gulat na Lethra at hinawakan ito. Nagulat ang lahat nang nawala sa sarili ito at lumakad palayo sa puno.Inakyat na ni Vien ang puno at kinuha ang laso. Medyo nawalan ito nang balanse kaya tumakbo si Alex at sinalo sya. 

Nagtatalon nang sa saya si West at napahinga naman nang maluwag si Seid.

Lumapit sakin si Vien."Salamat Hera."Tumango lamang ako. 

Pumunta ako sa grupo nang Z ata yun."Hoy nanalo kami. Ibigay nyo na sakin ang mga laso."Kaagad naman nilang ibigay,hinatak si Lethra at umalis na. 

Binigay ko ang mga laso kay West."Yessss!!!Lahat tayo makakapasok naaaaa!! Salamat Vien at Hera!!!"at niyakap kaming dalawa nang mahigpit. 

-.- 

Kumalas nako sa yakap."Tayo na. Alam ko kung saan ito ibibigay." 

Lumakad na ulit kami. Nag uusap usap na uli sila."Uy Vien,anong ginawa mo dun sa kaaway mo?" 

"Ahh ginamitan ko nang ability ko hehe. Illusion ata ability ko eh."  

Napatango tango naman sila. Hay muka ngang di nila alam yun papasukan nila. Masyadong delikado sila dun. 

Nakita ko biglang nagkaroon nang oras sa bandang pulsohan ko.  

'00:10:51'

Napamura ako nang wala sa oras."TUMAKBO NA TAYO! WALA NANG ORAS!" 

Agad naman silang sumunod at tumakbo kami papuntang bundok. Shit!  

"Bakit tayo nagmamadali,Hera?"Tanong ni Seid. 

Pinakita ko yun pulsohan ko na may oras."May labing isa na minuto nalang tayo bago toh sumabog." 

Nagulat naman silang lahat at tinignan ang mga pulsohan nila."Hah?! Bakit sasabog?"

"Satingin nyo bubuhayin pa tayo nila? Tignan nyo iyon"sabay turo sa parang bulang nakaharang"lumiliit na ito. Ibig sabihin nasa gitna"turo ko sa baba na may malaking puno."ang bomba."  

Kaagad ko silang nabakasan nang takot at sinabihan ko sila na mas bilisan pa. 

'00:7:21' 

"Pota bakit may bomba?"natatarantang sabi ni West. 

Kinakabahan naman nagtanong si Vien."Paano yun mga di nakakuha nang laso? Maiiwan sila?" 

Tumango ako. Medyo nakikita ko na yun tutok nang bundok."Bilisan nyo pa! Malapit na."

Kahit ako kinakabahan dahil malapit nang sumabog yun bomba. 

Nagulat kaming lahat nang may pagsabog kaming narinig. Napatigil at napalingon ako sa baba. Nakita ko na pinipilit nilang basagin yun bula na nakaharang. Yun iba umiyak na. 

Napatingin ako sa oras. 

'00:6:40'

fuck! Potrages talaga kung sinong pabibo ang nakaisip sa nakaharang.  "Pumunta na kayo! Bilisan nyo!"Sigaw ko.

Nun lumapit ako kay West walang ingay kong kinuha yun isang laso. 

"Hoy mamaya pag nasa taas na suotin nyo lang yun laso. Higpitan nyo okay?" Tanging tango tango nalang ang nasagot nila. 

Tumigil ako. Tinignan ko uli yun mga pilit na binabasag yun bula.

Napabuga ako nang hangin at nag chant nang spell."Comós Portás". 

'00:6:10'

Nakapagteleport ako papunta sa baba. Nakita kung gaano at paano nila pinagsasama ang mga kapangyarihan nila para basagin iyon. Tanging cracks lang ang nagagawa nila. 

'00:5:40'

Narinig ko ang iyakan nang mga babae at mga lalaki na tila nawawalan na nang pag-asa.  

"Tabi." Tanging sabi ko at nag chant nang 3 magic circles. 

Kaagad na kunot ang noo nila at napanganga sa ginagawa ko. 

'00:5:10'

"Còstés des awán luctus présr!" 

▪▪Lethra POV▪▪

Nagulat kami na may wizard pala kaming kasama dito. Sila ay malubhang delikado. Kaya pala grabe ang aura ni Hera.  Napatakip kami nang mata nang lumiwanag nang sobra yun mga magic circles. Maiinit sa balat ito kaya napalayo kami sakanya. 

Tumigil ang liwanag at napamaang ako nang makitang butas na ang harang. 

"BILISAN NYO! PAUBOS NA ANG ORAS!"  Di ako makapaniwala na si Hera ang magliligtas samin.

▪▪Hera POV▪▪ 

Kaagad naman silang tumakbo palabas at nagpasalamat. Napatungo nalang ako dahil nanghihina nako. Patuloy lang sila sa pasasalamat at pagtakbo palabas.  Napatingin ako sa oras. 

'00:3:10'

Madami dami pa ang natira kaya sinigawan ko sila."HOYY BILISAN NYO NANG LUMABAS ISASARADO KO PA ANG BUTAS!!DALIAN NYO!" 

Nagulat ako nang may magic circle sa ilalim ko. Napalinga ako at nakita ko ang lalaki na pinapagaling ako. Healing wizard ata ito. Nahuli nya kung nakatingin sa kanya at kinindatan nya lang ako. Napairap naman ako.  Nun naubos na lahat nang gustong lumabas..Nag chant ako uli nang 3 magic circles. 

Akmang sasabihin ko na sana ang chant nang may nanguna sakin. 

"présr luctus awán des còstés!"Yun lalaking nagpagaling saakin. Tsk. 

Kaagad itong nabalik sa dati na parang walang nanyari.

Tinignan ko yun lalaki at hinawakan yun pulsohan nya. Nilagyan ko nang magic circle yun sugat nya. 

"Bakit mo pinilit? Alam mong makakasugat ka kapag pinilit mong imaster ang spell." Tanong ko. 

Tumugon naman yun lalaki."Alam kong di mo kakayanin." Napairap nalang ako. 

Hinila ko na sya at nag chant nang spell para makapag teleport."Comós Portás!" 

Nakapagteleport naman kami agad sa tutok nang bundok. Nakita ko sila West at nag aalalang tumingin sakin. 

'00:1:20' 

"SAAN KA GALING ATE HERA?! BIGLA BIGLA KA NALANG NAWALA!"Sigaw ni West saakin.

"Mamaya ako mag papaliwanag kailangan na natin makaalis." 

Nagtanong si West"Pero paano iyan kasama mo? Lima lang ang laso natin." 

Nilabas ko yun laso ko. Basta basta ko nalang ito pinunit sa gitna. Nagulat naman sila saakin. 

'00:00:40' 

Binigay ko dun sa healing wizard yun pinunit kong laso. Gumawa ako nang magic circle."Itali nyo na yun gintong laso sa pulsohan nyo!"  

Kaagad naman nila akong sinunod. Nag hawak hawak sila nang kamay at nagdasal. Tsk. 

'00:00:20' 

Nagchant nako nang spell.

"Paláscìo Kenque Portás." 

-----------------------------TO BE CONTINUED...                                      ----------------------------- 

A/N: ■THANK YOU SO MUCH FOR READING!Read,like and reply for your thoughts!
■Hinabaan ko uli para pambawi hehe!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now