Chapter 15

42 2 0
                                    

••Hera POV••

Tama nga ako. Bumuhos ang ulan.. na kulay asul ang mga patak.

Binilisan ko ang lakad nang mapansin na biglang namatay ang mga ilaw sa hallway.

Shit!

Naramdaman ko na medyo gumagalaw yun lupa. Shit again! Sila Vien.

Kahit kinakabahan,tumakbo ako pabalik sa Gym. Trinay ko na din mag teleport pero di gumagana.

Patuloy parin ang paggalaw nang lupa. Tapos yun mga gamit nagkakalaglagan na. May narinig na din ako nagalarm na bumaba daw sa great hall.

May umaawat na dun sakin nun paakyat nako pero tinatabig ko lang sila.

Tumigil muna ako saglit at huminga.Natanaw ko na yon pintuan. Malapit na.

Tumakbo nako uli at padahas na binuksan. Napatunganga ako sa nakita ko.

Wala na sila dito. Baka nagtatago."VIEN!"

"WEST,NASAAN KAYO?"

"RADE!"

Nag echo lamang ang sigaw ko. Biglang humangin nang malakas. Napasara tuloy yun pinto.

Tumakbo ako sa pinto at pilit na binubuksan. Ayaw. Trinay ko mag cast uli nang spell pero ayaw talaga gumana.

Nakita ko naman na unting unti dumidilim.

Fvck.

Nagtago ako sa likod nang mga upuan. Unti unti nang kinain nang dilim ang nakikita ko.

Maingay akong huminga dahil sa lahat nang mangyayari saakin bakit ito pa?

Naramdaman ko na basa na pala ang pisngi ko. Napabuga tuloy ako anng marahas. Napapikit nalang ako habang patuloy parin sa pag agos yun mainit na likido galing sa mata ko.

Please someone help me. I extremely dislike darkness.

••Rade POV••

Where is she? Kanina ay may naramdaman kaming paggalaw nang lupa kaya tineleport kami ni prof sa great hall.

Kanina pa kami nila Alex paikot ikot para hanapin si Hera. Kahit sila Vien ay nag aalala na.

Kasi naman lumabas pa kanina..saan ba kase yun nag susuot suot?

Nagkasalubong kami ni Seid at umiling lang sakin. Napabuga nalang ako. Bumalik na kami kila Vien. Nakita ko na medyo nagpapanic na sila nun papalapit kami nang di kasama si Hera.

Nasaan ka ba,Hera?

••Hera POV••

Napadilat ako nang mata nang may umilaw sa harap ko. Bilog sya na kulay berde.

Hinawakan ko iyon. Biglang pumutok ito,buti nalang nasalo ko agad yun laman.

Isang lobo?

Naramdaman ko na tila nagbalik na yun ability ko.

"Láschit."

May bilog bilog na maliwanag na labas.

Buti nalang gumana na. Napatingin naman ako sa lobo na nasa binti ko. May mga lugar na may highlight syang berde pero ang kabuuan nya ay puti.

Nagmulat sya nang mga mata. Maski ang kanyang mata ay berde ang kulay. Katulad nang mata ko.

Tumayo naman sya at dinilaan ako. Napangiti ako nang maliit. Sya pala ang guardian ko.

Binuhat ko sya nang walang kahirap hirap dahil ang liit nya lang. Nakasunod naman saamin yun maliliit na ilaw.

Nang mabatid ko na nasa gitna kami nagcast ako nang spell. "Gíb Láschit."

Lumiwanag na yun buong gym. Tinignan ko kung saan galing yun hangin kanina.

Wala naman akong nakita. Binuksan ko na din yun pinto at sa wakas bumukas din ito.

Napatingin ako sa hawak kong aso or wolf? Nakatingin lang din sya saakin. Nagteleport nako papuntang great hall.

Mabuti nalang di ako napansin dahil may nagsisigawan na mga estudyante. Napatingin naman ako sa harap. Dun sa stage.

"Calm down,Students!"Sigaw nang principal. Napatahimik naman ang mga ito.

Nagsalita uli ang principal."Tinipon ko kayo dahil sa biglang pagkawala nang mga ability ninyo at sa biglang pagkadilim."

"Nakaranas tayo nang malaking pagsabog sa ilalim nang lupa kaya gumalaw ito. Aksidente kasing natabig nang naglilinis doon ang tubig sa elektrisidad kaya nagkaganon. Pasensya sa abala,mga guro at wizards. Tutal nandito na din naman kayong lahat... Sa mga susunod na araw ay kailangan nyo nang mag aral mabuti at mag ensayo. Dadating na ang evaluation kaya paghandaan nyo na."

"Principal!" Nakataas na kamay na tawag nang isang estudyante.

"Yes?"

"Bakit po di namin magamit yun ability namin kanina except sa mga guro?"

"Naapektuhan iyong nang pagsabog. Kusang nawala pansamantala ang ability nyo dahil namatay ang safety stone at uli pasensya na."

"May tanong pa? Kung wala na ay magsibalik muna kayo sa mga silid nyo at magpahinga."

Pagtapos nang mga sinabi nang principal ay bumukas na ang mga pinto at pinalabas na kami. Dumeretso na ako sa silid dahil nakita ko nanaman na sila Vien na palabas kanina. Buti nalang ligtas sila.

Binaba ko ang lobo na hawak ko. Nakita ko naman na nahiga lang sya sa kama ko. Napahiga din ako.

Yun kaba ko kanina di ko makontrol. Napabuga ako nang malakas. Bakit ba sa lahat nang pwede maging phobia..sa dilim pa?

Dinilaan ako nang katabi kong lobo.Anong ipapangalan ko dito?

Napatingin naman ako sa nagbukas nang pinto. Napatakbo naman si Vien sakin at hinampas ako.

"Aray!"

"Potrages ka Hera! Pinag alala mo kami nandito kalang pala sa kwarto?" Sigaw ni Vien sakin. Napanguso naman ako sakanya. Binato naman ako ni West nang unan.

"Bwisit ka."

Napailing nalang ako. Umalis muna ako sa kama at uminom nang tubig sa kusina. May narinig akong tili sa likod ko.

"Hoy Herause!!!! Guardian mo ba toh ham ANG CUTEEEEEE!!!"

Tumango lang ako sakanya. Nakita ko naman na parang kinukurot kurot nila ito at pinanggigilan. Kawawa naman.

Lumapit ako sa kanila at nilayo ang lobo.

Parang nakahinga naman nang maluwag sya at dinilaan ako. Binaba ko uli sya sa kama.

"Anong pangalan nya?"Tanong ni West.

"Di ko pa alam eh.."

"Ayyyyy! Alam ko na ipapangalan mo dyan,Heraaaaaa!!!"sabat ni Vien.

Naupo naman ako sa kama."Ano?"

"Emerald!" Napa tango tango pa sya.Napataas naman ang kilay ko.

"Bakit Emerald?"

She tsked."Duh Hera! Parehas kaya kayo nang mata! I mean kulay nang mata."

Napatingin naman ako sa katabi ko na parang sang ayon din. Nagkibit-balikat ako."Okay. Emerald then. Emerald the Green Wolf."

-------------TO BE CONTINUED-----------

A/N:

■Salamat sa pagbabasa! Magleave lamang nang like/react at comment!

■KEEP SAFE ALWAYS PIPS!💓🌻

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon