Chapter 44

14 1 0
                                    

••Hera POV••
Naramdaman ko ang pagdagan sakin ni Winter at kinutkot ang damit ko nang mahina. Inalis ko sya at saka dumapa. Pero si Emerald naman ang dumagan!

"Tsk. Alis dyan Emerald."antok kong sabi sakanya pero hindi ito nakinig.

Antok na antok akong bumangon at uminom nang tubig. Pero parang napansin ko na wala na sila Vien. Huh? Hindi nila ako hinintay? Anong oras naba?

Lumakad ako papalapit sa bintana at tinanaw ang orasan. Nanlalaki ang mata mabilis akong tumakbo sa banyo.

'Fuck,I'm late!' Mabilis kong tinapos ang pagligo ko. Pinakain ko na din sila Emerald nakatingin sakin na para bang nagtataka bakit ako nagmamadali.

Tangmama. Bat di nila ako ginising tsk. Late nako sa klase! Dali dali kong kinuha ang bag ko at nilock ang pinto.

Tumakbo ako papuntang court. Sana nandoon pa sila. Napansin ko ang mga unting estudyante sa gilid. Napaisip ako kung bakit sila nakatambay kung gayon class hour pa?

Binuksan ko ang pinto ng dahan dahan. Huh? What the heal? Asan ang mga tao dito?

May naglilinis lang pero bukod dun wala na. Lumingon sakin si manong na may nagtatanong ang mata. Napapahiya akong nagbaba ng tingin at lumakad na pauwi.

Nag isip isip ako kung anong araw na at bat wala ang mga kaklase ko.

(-.-)

Wala palang pasok ngayon.

Pero nasaan sila Vien? Ang aga aga nawawala silang dalawa.

"Hera!"

Hindi nako lumingon sa likod dahil kilala ko na agad ang boses na yon.

"Hera!"sabay akbay sakin nila Vien. Kumaway naman si West.

"Saan kayo pumunta?"

"Sa gym..nagensayo lang kami saglit,papawis lang ganun,"

Kaya pala. Hindi nako nagsalita at tumuloy nalang sa paglalakad. Ngunit humiwalay sila dahil may bibilhin daw si West para sa gabihan.

Tumaas nako sa silid at nilabas sila Emerald. Nakakalimutan ko sila palagi na ilakad dahil sa mga oras ng klase.

Lumakad kami sa maliit na parke pero dahil medyo makulit si Winter ilan beses kaming tumigil para pagbigyan sya sa pagtitingin.

Nang makaramdam kami nang pagod sabay sabay kaming humiga sa damuhan. Ahh ang sarap matulog.

Ngayon ay iaanunsyo sa lahat ang pagiging alpha ko. Napahinga nalang ako nang malalim.

'Hindi ko pa kaya ang malaking responsibidad na pinapatong sakin pero pumayag ako? Tsk.'

"Winter,Emerald, magiging alpha nako. At syempre kayo den kaya ayusin natin ang pamamahala ha." Tumingin naman sila saakin na nagtataka pero humiga na uli.

Hay napakahaba nang araw na ito dahil sa mga magaganap mamaya.

●●LEARN TO RESPECT REPLY BOX POLICY. WAG PAKALAT KALAT PLEASE.●●

Chapter 44(2)

••Hera POV••

Napahinga ako nang mahina nang makitang tumayo na ang mga alpha para sabihin ang tungkol saakin.

"We have found a new replacement for our dear Alpha of wizards." Sigaw nun babae na isang din alpha.

Napahawak ako nang mahigpit kay Emerald. Tumingin ito na parang sinasabi na wag ako mag aalala dahil kayo namin yun. Tumingin din ako kay Winter na natutulog sa likod ni Emerald.

'Wooh,hingang malalim...'

"Herause Saren!"

Lumakad na kami ni Emerald papunta sa gitna. Ang daming nilalang na nakatingin sa bawat galaw ko pero pinanitili ko ang pagiging walang emosyon. Umugong agad ang bulong bulungan.

"Bat sya?"
"Siya yun bago diba?"
"Ano bang ability nya para mapili sya?"
"Parang ang daya di natin pinagbotohan!"
"Oo nga!"

Huminto ako sa tabi ni Nexan na nakatingin lang sa harap nang mga nilalang.

"Pro alpha bat wala pong naganap na botohan?"
"Oo nga po!"
"Sang ayon ako!"Sigaw ng mga wizards.

"Wala naman akong iba na nakikita na mas karapatdapat pa sakanya." Matigas na bigkas ni Nexan. Seryosong seryoso ang kanyang aura at halos ang tingin ay natatalas. Pero bat ga

Napatango ang lahat nang sabihin nya ito. "Wala na bang mga tanong? Umalis na kayo at bumalik sa inyong mga silid," sabi ng babaeng alpha.

Nang nagsimula na ang pag alisan ay sumakay nako kay Emerald at binuhat si Winter.

"Saglit."

Napatingin ako sa babae..hay ano nga uli pangalan nya?

"Lilipat kana ng bagong silid..."

Napamaang ako at tumingin kila Vien na hinihintay ako. Sinenyasan ko sila na mauna na.

"Kasama ba talaga yan?"

"Oo. Kunin mo ang susi sakin mamaya mag empake kana,"sabay ngiti sakin. "Pupuntahan nalang kita mamayang hapon.."

Tumango nalang ako at umalis na kami nila Emerald. Hinimas ko ang kanyang balahibo habang nakasakay kami.

"Lilipat tayo Emerald,Winter..."

Dumaan kami sa mini mart at kumuha ng pagkain para sa kanilang dalawa.

Nakita ko ang paglapit ni Winter sa harap nang nagtitinda.

"Ang cute cute--"Akmang hahawakan na nya si Winter nang magsalita ako.

"Wag mo nang tangkayin baka kagatin ka nyan." Ngiting babala ko sakanya.

"Hindi yan hehe...hehe cute mo--Ahh!"

Muntik na syang makagat ni Winter. Tsk tsk. Binalaan ko na eh. Pigil tawa ang ginawa ko habang inilalagay nya sa maliit na kahon.

Nakasimangot ang nagtitinda nang binigay nya sakin yun. Tumango na lamang ako sakanya at sumakay na muli kay Emerald.

---------------TO BE CONTINUED--------------

▪SALAMAT sa pagbabasa at MAG IWAN ng komento at reaksyon sa nabasa! Sensya walang ganap masyado,next chap for sure madamiHAHAHA!

▪Stay hydrated and keep safe! Labyu all!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now