Chapter 74

6 0 0
                                    

Chapter 74

••Hera POV••

Humihikab akong sumilip sa labas. Magpapasukan nanaman. Napapikit ako ng humampas sa muka ko ang hangin at tamad na pumasok.

---

Hinintay ko sila West sa hagdan. Nakita naman nila ako agad kaya kumaway lang ako. Sumalubong sakin nang yakap ang dalawa. Muntik pako mahulog kundi pa nila ako inalalayan.

"uy teh namiss ka namin..."

"halata nga."

Nakipag apir lang ako kay Seid at Alex. "Asan si Rade?"

"huh? Oo nga noh? Kanina nasa likod lang yun eh. Baka may kinuha" sagot ni Vien habnag sumilip silip sa paligid. Pati kami napasilip. Naalala ko ang panaginip ko pero alam ko naman hindi ni Rade yun magagawa.

Nagkwentuhan lang kami hangga't makapunta sila sa room nila. Pumunta ako kung saan kita ang lahat nang eatudyante na nasa field.

May biglang umakbay sakin kaya siniko ko ito agad. "Aww."

Tumingin ako sa likod at si Rade lang pala.

"Pasensya, ginulat mo ko."

"Parang hindi ka naman nagulat?"

"tsk. Nagpakulay ka ng buhok ah?"

Napahawak sya sa buhok nya. "Ahh oo, bagay ba?"

"Muka kang kidlat,"

Napatawa naman sya. "Sa lahat ng pwedeng sabihin bat kidlat?"

"Ewan, yun ang unang impresyon ko ng makita ko yan," sabay turo sa buhok nya.

"Kulang ka lang sa gatas, oh..." inabot nya ang strawberry milk sakin. Nagningning naman ang mata ko dahil matagal nakong di nakakabili.

"Salamat!" Akmang bubuksan ko na nang bigla nya itong binawi. Nawala namana ng ngiti ko.

"Wala naman akong sinabi na sayo ito ah?"

"Tangina mo."

Natatawa nya naman binalik sakin. Sinipsipan ko na nang madami para kapag kinuha nya uli onti nalang lamang hehehe.

Nakita ko naman ang tsokolateng gatas at binuksan nya din bago ininom. Tinitigan ko lang sya dahil parang may nagbago sakanya. Oo, nagbago ang kulay ng buhok nya pero may iba.

"Ganto nalang ba ko kagwapo para tignan mo nang ganyan?"

"Ulol, may naalala lang ako. Bagay sayo,"

"Ang alin?"

"yun kulay nang buhok mo..."

"Kamusta naman kayo?"

"kami nila emerald? Ok lang kami dito habang wala kayo, angs aya nga ang tahimik." sagot ko bago sumipsip.

"hindi iyon, kayo ni Peter."

"Ahh, ok lang din ako pero hindi ko alam kung ok sya."

"Nobyo mo naba sya?"

Medyo nasamid ako sa sinabi nya. Natawa naman sya ng mahina. Napansin ko na sya naman ang nakatitig sakin. "Ano hulog kana ba?"

"Sayo? Matagal na."

Wala ako nasagot. Parang nag iba kasi ang ihip nang hangin. Parang mas lalong lumamig?

"Ako lang ba o mas malamig na?"

"mas lumamig."

"Anong pinag uusapan nyo?" pumagitna samin si Nexan na kung saan galing. Umusog ako para di sya nakasiksik.

"Sekreto."sabi ni Rade bago siya nagpaalam na umalis. Tumango lang ako at kumaway pabalik.

Humarap naman si Nexan sakin. "Ano pinag usapan nyo?"

"..." di ako sumagot at umalis na. Tinatamad ako mag salita dahil parang sumama nag pakiramdam ko sa lamig.

"Herause, anong meron? Anong pinag uspan nyo?"

"Di mo na kailangan malaman,"

"May tinatago kaba sakin?"

"Wala."

"Baka naman kinakaliwa moko?"

Napakunot ang noo ko. "Anong kinakaliwa? Kanan ang ginagamit ko sa pagsusulat."

"Baka namamangka ka nang dalawang ilog?"

"saan mo naman napulot yan?"

"eh kasi may sikreto kayo eh," nakanguso nyang sinabi. Tumigil ako sa paglalakad kaya naatigil dyan sya sa paglalakad. Humarap ako sa kanya at tinignan sya sa mata.

Medyo malayo sya kaya hinatak ko ang necktie nya at inilapit ang muka ko sakanya. Ilang hibla nalang ang pagitan namin bago ko sya hinatak sa gilid. Hinagkan ko sya sa labi nang mabilis bago magbitaw ng salita.

"Ang pagmamahal ko sayo ay napakalalim, Nexan..." hinawakan ko ang muka nya na namumula. Napatawa naman ako nang mahina at binitawan ang necktie.

"Tara na."

Nagsimula nako muling maglakad pero hindi pa din sya gumagalaw.

"Nexan?"

Lumapit sya sakin pero para syang ewan kung maglakad at mukang nalipad ang utak nya. Pulang pula pa rin ang muka nya habang hawak ang labi.

Tinawanan ko sya uli. "Bat ka ganyan?"

Yumuko sya at yumakap sakin. "Don't look."

Mas lalong lumakas ang tawa ko at mas lalo syang yumuko. "You caught me off-guard!"

"Hala sila naba?"
"Omg!"
"Naol"

Bulungan ng mga estudyante na napadaan. Yumuko den ako at umalis sa yakap.

"Pasok na tayo," sabi ko at inabot ang kamay ko sakanya.

Ngumiti sya sakin at nakita ko agad ang panggil nya. Pinagmasdan ko ang mata nyang itim na nagiging kulay pula bigla. Napakagandang pagmasdan kahit napakalayo.

Kinuha nya ng kamay ko at nanguna sa paglalakad. "Tara."

---
Small spoiler for next chapters para maexcite kayo hehehe, random yan haaa. Di po yan sunod sunod///

"Alphas, gusto ko lang sabihin na malapit na uli ang inyong pagsasanay at baka makatanggap uli kami nang misyon pero kayong apat na."

"Hindi ko alam kung gigising pa sya, ipagdasal nalang natin na sana hindi sumuko ang kanyang katawan..."

"Anak... Bangon na."

"Happy birthday!"

"Herause!"

"Nasaan si Nexan?"

------------------TO BE CONTINUED-------------------

A/N:

🍫SALAMAT SA PAGBABASA! MAG IWAN NANG REAKSYON, LIKE AT KOMENTO SA BABA!

🍫STAY HYDRATED AND KEEP SAFE! ILYA! 🍃

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now