Chapter 81

4 0 0
                                    

Chapter 81

••Hera POV••

"Nak..."

"Gising..."
.
.
.
.
.
.

Naghahabol akong bumangon sa aking kama. Teka... Kama?

Tumingin ako sa paligid at nasa loob nako ng aking silid. Napatingin ako sa kamay ko na may mga galos pa kaya hindi ko masasabing panaginip lahat nang napagdaanan namin.

Dahan dahan akong tumayo at pinakaramdaman ang katawan. Medyo nanghihina pa din ang aking pagkakahawak sa hawakan ng pinto bago ako makalabas.

Unang bumungad sakin ang mabangong aroma ng niniluto. Kaagad na sumagot ang aking tiyan ng malakas na sumagot. Napahawak ako sa batok at luminga linga para tignan kung may nakarinig.

'buti wala...'

Papunta nako sa kusina ng makita ako ni Emerald at Winter. Nagmamadaling tumakbo sila sakin. Napahiga ako sa sahig ng inatake nila ako ng dila.

Natatawa kong niyakap sila pareho. Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng kusina at iniluwa non si Fran.

Nanlaki ang kanyang mga mata at tumakbo din sakin. "Herause!"

Yinakap ko sya pabalik at marahan hinagod ang kanyang likod. Tinignan ko ang labas at meron ng sumisilip na liwanag mula sa araw. "Magandang umaga, Fran... "

"Sa wakas at nagising kana!" pasigaw na bulong nya sakin. Natawa lang ako at hinayaan syang tulungan akong tumayo.

Hinila nya aking kamay upang makatayo at tinulak papuntang kusina. Puno ang lamesa ng mga putahe. Muling kumulo ang aking tiyan habang kumukuha ng plato si Fran.

" Bakit ang dami mong niluto? Alam mo bang gigising ako ngayon?"

"Ang totoo, walang nakakaalam kung kailan ka gigising, dulot ng pagod mo sa katawan at ilang oras kang may espada sa katawan mo, sinabi ng manggagamot ay baka mga dalawang buwan kang walang malay."

Napakamot ako ng ulo. "Ilan araw nako walang malay, Fran?"

May kinuha syang papel sa bulsa nya at ipinakita sakin. " Walong araw na simula ng makaalis tayo sa kagubatan."

Tumango lang ako at nagsandok na.
"bakit pala ang daming pagkain?"

"Yun mga kaibigan mo kasi at kami nila pro alpha palagi kang dinadalaw, tapos napagdesisyunan namin na salit salitan nalang ang magluluto ng mga pagkain. Ngayon ay ako ang nakatoka kaya ako rin ang iyong nadatnan."

Tinignan nya lang ako habang kumakain. Nakakailang pero hinayaan ko na kasi alam kong di biro ang aking tulog nitong mga nakaraan araw.

" Ayaw mo bang sumabay ng kain? "

"Makita lang kitang kumakain, busog nako." Natatawa nyang sabi. Ngumiti lang ako at umiling. Pereng tenge.

(a/n: baka fran x hera pala end game.)

May narinig akong ingay sa labas kaya alam kong papasok na ang mga iyon. Medyo binilisan ko ang kain para masalubong ko sila. Saktong pagkalagay ko ng pinggan sa lababo, narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Nandito na kami, Fran!" Rinig kong sigaw ni Copper.

"Nagising naba ang ating prinsesa?" Para akong makuryente ng may biglang bumulong sakin nito. Napalingon ako sa gild ko pero ang sumalubong saakin ay mga bisig.

'Nexan...'

Gumanti ako ng yakap sakanya.

"Fran, bakit di ka sumasagot--" may narinig akong nahulog kaya umalis ako sa pagkakayakap. Nakita ko silang lahat na nakatingin saakin. Mabilis na tumakbo sakin si Vien at West at yinakap ako.

"Tang'na mo sagad! Pinag aalala mo kaming lahat ay jusko ka!" Sigaw sakin ni Vien at hinampas hampas ang likod ko. Tumawa ako at hinampas sya pabalik.

Narinig ko ang mahinang hikbi ni West. "West?"

Tumingin na din sya sa mata ko at nag uunahan ang mga luha nyang tumulo. "H-Hera, sa wakas gumising ka na din..."

Ngumiti ako sakanya at kumindat. "Napagod lang ako ng husto, pasensya na kung nag aalala ka."

"Gumising na din ang aming prinsesa!" Sigaw ni Alex kaya tumingin ako sa gawi nila. Kasama nya sa hapag kainan sila Seid at Fran.

----------------TO BE CONTINUED------------------

A/N:

🦊THANK YOU FOR READING! KUNG IYON NAGUSTUHAN ANG CHAPTER NA ITO, KINDLY LIKE, REACT AND COMMENT DOWN BELOW!

🦊IF YOU WOULE BE SO KIND, YOU CAN ALSO SHARE MY STORY IN ABOUT PLATFORMS!

🦊KEEP SAFE AND ILYA!
---

🦊You can disregard this fourth bullet if you're not interested in me😔kidding aside, super off topic I went to acx day 2 which happened in 07/17/22. One of the most remarkable moment in my life, I went as Yosano from bsd just sharing hehe.

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now