Chapter 73

21 0 0
                                    

One of the longest chaps.
Link:(sayout.me/say/m_a_r_d)

Chapter 73

••Hera POV••

Pagtapos nang ilan araw na panggugulo samin ni Nexan para ang sarap nya nalang ibalibag. Palagi nakasunod, nakikikain, nakikitulog at kung ano ano pa.

Naiirita nako pero hinayaan ko nalang baka kasi damdamin nya ito. Kahit naman lalaki sya, may pakiramdam pa din yan at tumatagos din ang mga salita.

Napahinga nalang ako dahil ito na ang huling araw ngayon taon. Bukas ay magsisibalikan na uli ang mga estudyante at pagtapos nang isang bukas ay pasukan na muli.

"Hera!"

"Ano?"

"Mayang gabi punta tayo sa tuktok ha? Balita ko ayon kila manong may parada daw at maraming paputok ang inihanda mamaya..."

Tumango ako at kinuha ang spell book. "Pwede din naman tayo gumawa nalang din..."

Nakita ko ang saya sa mata nya. "Okay, teach me how to do it."

Pinukpok ko bahagya ang libro sa ulo nya. "Ayan basahin mo, pahina 70."

Tinitigan ko muna sya dahil unti unting lumalabas ang pagiging makulit nya. Nag kibit balikat lang ako at inihanda ko ang lahat nang lulutuin ko mamaya.

Nasa kalagitnaan ako nang paghihiwa nang gulay ng bigla kong nakita si Nexan na nakasandal sa pader.

"Anong kailangan mo?"

"You."

Shuta para akong nawalan nang hininga sa sinabi nya. "Nakakagulat ka."

"Parang hindi ka naman nagulat?" Lumapit sya bahagya at tinignan ang muka mo. Nararamdaman kong umiinit ang aking pisngi kaya naman nagbaba ako nang paningin sa hinahanda ko at inilagay sa isang tabi.

Uupo na sana ako nang makita ko si Nexan na tinitignan lang ako. Nakasunod ang paningin kahit saan ako pumunta.

"Ano ba yon?"

Naglakad sya papalapit sa inuupuan ko at niyakap ako. Nakakahiya na baka marinig nya ang mabilis na tibok nang puso ko pero niyakap ko sya pabalik.

"Hera?"

"Hmm?"

"..." inilapit nya ang bibig nya sa tenga ko bago bumulong muli. "Mahal kita."

Naramdaman ko ang luha ko na gustong kumawala pero tumingin lang ako sa taas. Ang mga katagang matagal ko ng hindi naririnig sa mga taong mahal ko.

Ang mga katagang na isa sa mga dahilan kung bakit ako nawalan nang kaibigan at kasama noon.

"..."

Masakit na napakagaan sa pakiramdam. Napangiti nalang ako at tinapik tapik ang likod nya. Ilan oras din kaming ganun ang pwesto nang mapansin ko ang dilim sa labas.

Inilabas ko ang inihanda ko kanina at sinimulan ko nang magluto. Inako na ni Nexan ang paglalabas nang mga pagkakainan at pakain sila Emerald.

"Halika nga dito Nexan at tikman mo ito..."

Lumapit naman sya sa pwesto ko habang nakanganga. Napailing nalang ako at inilagay sa bibig nya.

"Ang init!"

Nakalimutan ko pala hipan kaya nag peace sign lang ako at muling hinalo. "Anong lasa?"

"Masarap pero parang kulang pa..."

"Saan kulang?"

"Sa anghang,"

Tumnago tango naman ako at dinagdagan ang anghang. Maya maya ay pinatay ko na ang apoy at kumuha ng mga lalagyan. Naisip ko kasing bigyan sila manong na nagbabantay sa labas.

Kenque University(completed) Место, где живут истории. Откройте их для себя