Chapter 62

10 0 0
                                    

••3rd POV••

Pagtapos nang insidente noong nakaraan araw, walang malay parin ang dalaga. Napagpasiyahan ng mga guro na pagsanayin at patuloy na mag aaral ang dalaga upang hustong magamit ang kanyang abilidad. Natuwa sila Vien nang malaman nila ang balita galing sa mga guro.

Ang abilidad ni Hera ay usap usapan padin sa unibersidad. Iba iba ang naging reaksyon ng mga estudyante dahil sa natuklasan. May ibang nagalit, nalungkot, nagulat, at may ilan masaya. Kaya naman tahimik na nakamasid si West sa paligid. Totoo nga ang sinabi ni Hera na iba iba nag pagkakakilala tungkol sa pinagmulan ng kanyang abilidad.

Pumunta si West sa kwarto ni Hera at kinuha ang kanyang papel. Iginuhit nya ang payapang muka ni Hera pati ang katabi nitong si Emerald at Winter. Halatang naalagan ni Hera ito ng mabuti dahil sa pagprotekta at dikit nito sakanya.

Nang matapos nya na nag kanyang iginuhit ay pinakain niya na sila Emerald at pinunasan ang katawan ni Hera bago lumabas at kumuha ng libro.
--
Habang nag eensayo ang mga alpha ay hindi parin nila makita ang kanilang lider. Nagtataka man ay pinagbubutihan parin nila ang pag eensayo.
--
Nakatingin mula sa puno si Nexan kay Hera.

"Punong puno ka ng supresa..." bulong nito sa sarili. Kinuha nya ang basket na dala at pumunta sa kwarto ni Hera. Inilagay nya lang ito sa maliit na lamesa bago ito tignan.

Tinignan nya ang sugat sa mata nito.

' Tiyak na mag iiwan ito ng peklat pero hindi ito naging hadlang para matakpan ang makakabighani nitong ganda. '

Napaiwas ng tingin si Nexan ng maisip nya ito.

Naglakad na ito palabas nang pagtapos nya suriin ang kabuuan muka nito. Napahinga nalang siya ng malalim dahil marami ng nagrereklamo sakanya na tanggalan na si Hera bilang alpha.

'Bilisan mong gumising Herause, ipaglaban mo ang pagiging alpha mo at ipakita sakanila na mali ang pagkakakilala nila sa abilidad mo.'

--

Pumasok si Rade sa silid na pinagpahingahan ni Hera. Tinignan nya kung may magagawa ba sya para magising pero nang kinapa nya ang pulsuhan nito, wala naman mali. Para lamang siyang natutulog pero hindi nagigising. Napabuga siya ng hangin at iritableng umupo.

Alam niyang may mali kay Hera pero bakit hindi nya matunton ang pinakaugat na toh? Tuluyan syang humiga dahil siya naman ang nakaatas na magbantay sakanya. Napansin nya si Emerald na parang hindi nanaman mapakali pero biglang tumabi sakanya si Winter tsaka silang sabay na natulog.
--
Lumipas ang tatlong araw ay nagkamalay na si Hera. Tinignan nya maigi kung nasaan sya at nang mapagtanto nyang nasa silid nya siya ay tumayo ito para kumuha ng tubig. Pagtapos nyang uminom ng tubig ay nagulat sya nang biglang tumalon sakanya si Winter at Emerald. Napahiga sila sa lapag pero patuloy na nagkukulit ang dalawa. Natawa naman si Hera ng mahina dahil sa kakulitan nila at dahan dahan silang inalis.

"Gutom na kayo noh? Tara na sa baba..."

Nagulat nang pagkababa nya ay nandoon sila Vien.

"Hera!" sigaw ni Vien bago mabilis na tumakbo sa kanya at niyakap sya.

"Huhuhuhuhu kala ko matagal kanag gigising..."

Akmang tatapikin ni Her ang braso nito ng sunod sunod na niyakap sya ng mga kaibigan nya.

Gumalaw galaw si Hera nang hindi na ito makahinga. "A-ano ba!"

Mabilis na umalis ang mga ito at humarap sakanya nang nakangiti. Pinaupo nila siya at kwinento ang mga pangyayari habang natutulog siya.

"Edi babalik na ko ulit sa normal na gawin ko noon?"

Napakurap kurap naman sila at parang nagtuturuan kung sino ang sasagot. Pero sa huli si West pa din ang sumagot.

"Ganto kasi Hera, maraming nagpapaalis sayo bilang alpha ngayon at sa tingin ko kailangan mo iyong ipaglaban.."

Napakunot si Hera nang noo. "Bakit daw?"

"Dahil daw delikado ang abilidad mo..." tumingin si West sa iba bago pinagpatuloy ang kadugtong. "Pinaglaban ka namin Hera pero sadyang tama ka dahil iba iba nga ang pagkakakilala sa abilidad mo."

"Mmm..."Tumango tango na lamang si Hera." Sige, papasok ako bukas at tatapusin ang mga dapat tapusin. "

------------------TO BE CONTINUED--------------------

🌻THANK U FOR READING! MAKE SURE TO LEAVE A REACTION AND COMMENT DOWN BELOW!

🌻KEEP SAFE AND STAY HYDRATED EVERYONE! ILYA!!!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now