Chapter 71

8 0 0
                                    


Chapter 71

••Hera POV••

Hindi naalis sa isip ko ang tanong ni Nexan ilang araw na ang nakakalipas. Ngayon ay halos walang hinto ang nyebe sa pagbagsak kaya naman nandito lang kami sa silid at nakahiga pa kahit tanghali na ata.

Tumunog ang tyan ko kaya napatingin ako kila Emerald na natutulog. Bumaba ako sa kusina at naghanda ng makakain.

Noon kahit hindi ako kumain o tumayo okay lang, pero ngayon may iba nakong inaalagaan kaya hindi na pwedeng ganun.

"Emerald! Winter!"

Narinig ko ang takbuhan nila pababa.

"Tsk, tama na ang harot."

Mabilis naman silang sumunod at kumain na. Kumain na rin at nag ayos ng sarili.

Pagtapos kumain ay nag kanya kanya na kami nila Emerald. Naglalaro sila, minsan lumalabas,Napailing nalang ako. Kinuha ko ang libro na nasa sahig at binuklat.

'Reality unfolds' ang pamagat ng libro. Inumpisahan ko na ang basa sa unang pahina.

'People keeps staring at me, I wonder why. I look up in the sky and notice how bright the moon is,along with the stars. Such a great vibe to chill outside...

The night breeze is freezing so I hurried back in the house. But before I can enter, I suddenly think about the moon went to rooftop. No matter how cold it is, I would not miss this opportunity to stare and be amaze how bright the moon.

It is so quiet that I can hear the beat of my heart. I stared in the moon and hold my chest.

Whenever I'm up here, I feel peace that I never had when I'm down there in the streets. The disgust stares and harsh words I always get. They always call me 'weirdo' for being alone and having relationship with books.

I might be alone yes, but I think I'm better of alone than having a fake relationship with everyone... '

----
Madilim. Malamig. Mag isa. Napatingin ako sa baba ng gusali. Para akong yun binabasa ko sa libro kanina. Ang lamig, kaya naman dinama ko ang malakas na hangin at napapikit. Tumigil na ang hangin at pagdilat ko ay nasa ibang lugar na ako. Nasa loob na ko muli ng unibersidad at nakabalik na tin ang mga estudyante. Naalala ko na babalik na si Nexan at sila Vien. Napangiti ako at nasasabik na hinanap sila. Napakatahimik ng aking mundo ng mawala sila ng ilang linggo at pakiramdam ko nag iisa nanaman ako.

Nakita ko si Nexan at sinundan sya. Pumasok sya sa loob ng silid na para sa alphas. Nakangiti ko syang sinundan at akmang sasabihin ang sagot sa tanong nya noon bago sya umalis.

Napatigil ako sa pagpasok nang makita ko syang may yakap na babae. Nawala ang ngiti sa muka ko at pinanood sya.

"Huwag kang mag aalala, nandito ako palagi sa tabi mo." Wika ni Nexan habang hinahagod nya ang likod ng babae.

Tumigil sa pag iyak ang babae. "M-mahal mo ba ako?"

Tila tumigil ang paligid nang makita ko syang tumango at hinalikan ang ulo nito. Umalis na ko dun dahil parang may namunong butas sa loob ko. Kusang tumulo ang luha ko at tumakbo papuntang sa pinakamataas na palapag. Bigla akong nabangga sa isang tao.

"aray!" maarteng sabi nito.

"H-Hera?"

"Vien?"

Ngumisi ito sakin. "Ahh ito na pala ang mang aagaw natin kaibigan!"

Napatingin ako at nakita ko sila West, Alex, at Seid. Pero ang reaksyon nila ay halatang di pagkagusto sakin. "Anong sinasabi mo Vien?"

"Magkaibigan tayo Herause, bakit hindi mo sinabi na may relasyon pala kay ni Nexan? At ngayon kalat na sa buong unibersidad ng pagiging mang aagaw! Hindi mo ba alam na may relasyon sila ni Sefina?"

"sinong Sefina? Ha? Ano bang sinasabi mo?"

"Ha! At nakuha mo pang mag sinungaling samin? Hera, nang agaw ka ng karelasyon ng iba!"

Tumayo at hinawakan ang kamay nya pero inalis nya yun at tinulak ako. "Hindi kana namin kaibigan! Tara na, baka mahanap pa tayo sa sakit nya."

Nilagpasan nila ako habang nakatulala ako sa mga sinabi nya. Sefina? Inagaw? Walang buhay akong tumawa at pinunasan ang luha ko.

Pumunta nako sa pupuntahna ko at tumayo ako pinakagilid. Hindi ako tatalon pero gusto ko ang lamig ng hangin dito.

" Hera?"

Nakita ko si Rade na nakasilip sa muka ko. "Ano?"

"May sikreto akong sasabihin sayo,"

Napakunot ang noo ko. "Ano?"

"Sumali ka samin..."

"Saan?"

"Pababagsakin natin ang unibersidad na toh..."ngiti ito ng mala demonyo kaya napaatras ako." Hindi ba gusto mo din iyon gawin? Sumama ka samin... "

"Rade ano ba? Nangtritrip kaba? Umayos ka nga."

Lumapit ito sakin at hinawakan ang magkabila kong braso. "Hera! Eumali ka samin! Itong unibersidad na ito ay hindi ka tinulungan noong kailangan mo ng tulong! Nakakatawa at nagawa mo ditong mag aral! Sumali ka samin! Sumali ka!"

Nawiwirduhan ako sa kanyang mga ginagawa kaya marahan kong inalis ang kamay nya at tinulak sya bahagya.

"Nababaliw ka na Rade, doon ka na muna wala akong gana makipagbiruan."

Tumalikod na ko sakanya at muling dinama ang malamig na hangin.

"Tinatanggihan mo ba ang alok ko?" hidnia ko sumagot at nanatiling nakapikit. Ano bang nangyayari at bakit ganto kagulo?

Naramdaman ko ang malakas na pwersa mula sa likod, dahilan upang mawalan ako ng balanse at mahulog.

"Kung hindi ka rin naman sasali samin, maaari ka nang mam/tay!"

-------------------TO BE CONTINUED---------------------

A/N:

🌹Morning ud🥞

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now