Chapter 34

23 1 0
                                    

(P.s:medyo lame at corny ang fight scene. Tangina kaseng utak toh ayaw mag isip nang maigi.--3-- Animal shifter po si Seid okay? Pero di pa nya mastered na mastered.)

Chapter 34

••Third POV••

Isang araw nakalipas pagtapos manalo ni Vien sa evaluation.

"AT NGAYON,WAG NA NATIN PATAGALIN PA ANG PINAKAHULING LEVEL SA ATIN EVALUATION!ANG WIPE OFF!"

Agad nagpalakpakan ang mga tao at nagcheer.

Tig dadalawa ang sasabak kada uri. Sa pagkakataon ito,pwede kang pumatay. Kaya humanda na at gumising!

••Hera POV••

"At ang panghuling na sasali sa wipe off ay mula sa wizards! SEID COLL!"

Tumingin ang mga nakapalibot saamin nang matawag sya. Ngumiti ito nang maliit at pumunta na sa bilog.

"SIMULAN NA!"

Napatingin ako sa mga kalaban nya. Halatang malalakas ang mga ito pero kakayanin nya yan.

Halos nagkagulo sa loob nang bilog. Nagtutulakan para makalampas. Kapag natulak ang isa ay nadamay ang isa at nanghatak naman ang isa. Ang isa naman ay natakot at tumalon nalang.

Napatingin ako sa taas kung saan pinapanood kami ng hari at iba pang kasamahan nya. Halata sa muka nya ang pagkaaliw at pagkasabit sa nagaganap. Muli akong napalingon at ngayon ko lang napansin na ang apat na natitira ay tig iisang uri.

Napasandal ako sa upuan dahil mukang mahaba habang labanan ang magaganap.

••Third POV••

Ang aura nang apat ay biglang nagbago. Tila ang mga tao ay nakaabang sa mga mangyayare.

Sabay na umatake ang bampira at commoner kay Seid. Agad naman dumepensa si Seid at umatake pabalik. Nabaling ang atensyon ng commoner sa taong lobo kaya sila ang nagtuos.

Napaatras si Seid upang panuorin ang ang bampira kung anong gagawin dahil ito ang umiilaw. Bigla itong dumami at napapalibutan sya.

Kaagad na nag iba ang anyo ni Seid at naging chameleon. Kaya nito makihalobilo sa mga kulay kaya parang nawala ito sa paningin nang mga tao.

"Asan na sya?"bulong sa sarili nang bampira habang pilit na hinahanap ang kalaban.

Bigla itong sumulpot sa harap nya at isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Seid. Dumugo ang ilong pero agad din nakabawi at umatake uli.

Sa kabilang banda, ay natalo ng taong loob ang commoner at umatake bigla kay Seid. Di nakaiwas si Seid kaya napuruhan sya sa bandang dibdib na sanhi nang kanyang pagkaubo at pagkahirap nang hinga.

Napangisi ang kalaban ng mapanood si Seid na gumagapang at pilit na tumatayo."Satingin mo matatakasan moko? Hindi ko alam kung bakit ang mga wizards ang pinakauna kung gayon ay napakahina nyo naman. Dapat ang mga kapwa bampira ko ang pinakatutok ng apat na uri."

Sinipa nya si Seid dahilan para mapahiga uli toh. Paulit ulit nya itong sinipa. Dahil isa syang multiplier, pinakadami nya ang sarili at ginawang lima.

Malalakas ang sipa na ginagawad sakanya kaya di sya makaalis at tanging magawa nya lang ay maghintay itong matapos.

"Itayo nyo yan. Ipapakita natin na dapat tayo ang nangunguna."

Pilit na tinayo si Seid. Nakaluhod lamang sya at nakatingin sa baba. May  nakahawak sa magkabilang braso.

Ngumisi ang bampira bago sinapak ito nang malakas sa tyan. Sinapak uli ito ngunit sa panga naman. Akmang sasapak ito uli pero bigla itong lumipad.

Pero di rin ito nagtagal dahil kusa nang bumagsak sa baba ang katawan at naging tao uli sya.

Narinig nya ang yapak nang kalaban."Wag mo nang pilitin dahil masasaktan ka lang saamin HAHAHAHA."

Sisipain uli ito sana nang mahawakan nya ang paa nito at hinatak. Una ang ulo sa pagbagsak kaya naman nahilo ang kalaban. Nahalata ito ni Seid at pilit na bumangon. Hinatak nya ang paa at buong lakas itong itinapon palabas nang bilog.

*Ting!ting!ting!ting!*

"Mula sa mga wizards,Si Seid Coll ang panalo!"

Napalingon si Seid sa bampira. "B-Baka nga di masyadong malakas ang mga wizards para maging sa tuktok pero hindi kami marunong sumuko yan ang tandaan mo!" Sabi nya bago ngumiti at nawalan ito nang malay.

A/N:

▪HELLO!SORRY NATAGALAN HUHU. NAWALAN KASE AKO NANG IDEYA. ANYWAYS, MALAPIT NA TAYO MAG 200 LIKES TANGINAAAAAAAA SALAMAT NANG MARAMI!

▪THANK YOU SA PAGBABASA! PAKILIKE,REACT AT MAGCOMMENT KA SA BABA HA?HAYLABYU!

▪PAKINING UMINOM KA NG TUBIG AT PANATILIING LIGTAS PALAGI!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now