Chapter 75

5 0 0
                                    

Chapter 75

••Hera POV••

"hahhhh~" hikab ni Fran. Nakatunganga lang kami dito dahil may pinagawa ang guro namin kila Nexan.

"Hera?"

"Hmm?"

"kayo naba ni Nexan? Kasi kung hindi muka kayong tanga na naglalandian."

Napatingin naman ako sakanya bago tumango. "Oo, noong unang araw ng bagong taon..."

Napatayo siya bigla. "Talaga?"

Naguguluhan akong tumango. Nagtatalon syang pumunta sa pwesto ko. "Gago kaya pala mukang ewan ang muka ni Nexan at mas maliwanag na ang mata nya,"

Hinampas ko sya ng mahina bago siya inaya sa cafeteria. "Tara."

Nagugutom nako at hindi ko na sila kayang hintayin. Pagdating namin ay agad kong kinuha ko ang isang pinggan na may lamang pasta at tinapay. Kumuha lang din ako ng tubig at dumiretso sa isang bakanteng lamesa. Kumaway ako kay Fran para makita nya ako agad.

Habang kumakain may umupo sa tabi ko at sa tabi ni Fran. "Yo, ano kain nyo?"

"Pagkain."

Napanguso naman si Copper sa sinabi ni Fran. Tumawa naman si Nexan na nasa gilid ko.

"Ang sakit ng braso ko, pinagbuhat kami mga karton sa bakanteng training room." kwento nya samin.

Napatigil ako sa pagsubo. "Bakit daw?"

Nakita ko na kinuha nya nag tinapay ko kaya mabilis kong hinampas ang kamay nya. "Aww."

"Hindi ko alam, ang sabi lang ayusin daw namin at linisin kasi gagamitin... Penge?"

Tumingin ako sa mata nya at umiling. Bigla nya naman kinurot ang pisngi ko. "Aray!!!"

"Ang damot mo sa mahal mo." Sigaw nya sakin. Napatingin naman samin ang mga taong dumaan. Tinapik tapik ko ang kamay nya at inusog ang plato.

"Tangina mo."

Ngumiti lang sya sakin at kinain na ang pagkain. Sumama ang timpla ko kaya parang gusto ko ikwento kila Fran ang nangyari kanina.

"Alam nyo ba si Nexan kanina mukang tanga, kung ano ano pinagsasabi at iniisip..." Nakita ko syang tumigil pero umain uli."Sa irita ko, hinila ko sya sa isang gilid at hinalika--"

May biglang nagpasok ng isang tinapay sa bunganga ko. Tumingin ako ng masama kay Nexan na namumula hanggang leeg.

"Anyare sayo pare? May sakit kaba?" Tanong ni Copper sakanya. Umiling lang sya at tahimik na tinapos ang pagkain.

Hinila nya ko palabas kaya kumaway lang ako paalis kila Fran.

"Mahal ko, bakit mo kinukwento yun sa mga yun? Saatin lang dapat iyon..." yumuko naman sya. "Nakakahiya."

"Baliw, tara na sa training field."
----
Pagdating doon ay nandoon na ang aming mga guro para sa training. Magkakaiba kami ng uri at lakas kaya hiwa hiwalay kami pag nagtratraining. Nagpaalam nako kay Nexan at pumunta sa aking guro.

"Magandang hapon, Miss Saren."

"Magandang hapon."

Umupo ako at pinakinggan ang mga dapat matutunan namin. "Ngayon ay ituturo ko sayo ang isa sa mga pinakamahirap gawin nang isang replicabia wizard, ang paggaya ng dalawang ability. Sa isang simpleng hawak mo sa isang ability user, nagagaya mo ang ability nila ngunit nakadepende sa lakas ng ability?" tumango naman ako.

May biglang lumabas na estudyante sa gilid niya. Malakas ang kaniyang aura at ang mga tingin nya parang nakakamatay."Ms Saren, ito nga pala si Glen. Isa sya sa mga napasok sa top 10 student ng Wizards."

Dinapuan nya lang ako ng tingin at tumango.

"Halika dito Ms Saren." tumayo ako sa harap nolang dalawa. "Hawakan mo nag balikat ni Mr Glen." ginawa ko naman ang sinabi nya.

'wooh...' nasabi ko sa isip. Pagkahawak ko ng balikat nya naramdaman ko agad ang lakas nya. Nakakamangha, umaapaw ang ability nya pero kontrolado pa din nya.

Hindi ko na napigilan na sa sabihin," Napakagaling. "

Ngumiti lang ang guro at nagpatuloy sa sinasabi. "Ngayon naman ay subukan mong gayahin ang ability ko." Inalis ko ang kamay ko sa balikat ni Glen at inilipat sa guro.

••3rd POV••

May maliit na magic circle na lumabas sa kamay ni Hera at biglang umilaw ang kanyang mata.

"Tapos na." Pinakita ni Hera ang kanyang kamay at sinuntok ang sahig. Yumanig bigla ang buong unibersidad na hindi inaasahan ni Hera. Namangha si Hera hindi dahil sa ginawa nya pero sa lakas ng kanyang guro.

Nagulat ang ibang mga guro at alphas dahil nagkaroon ng malaking crack sa field.

Mabilis na yumuko si Hera sa ibang guro. "Pasensya na."

"Magaling Ms Saren. Ngayon naman ay gayahin mo naman ang ability ni Glen." muli hinawakan ni Hera ang balikat ni Glen at sinubukan gayahin.

"Anong ability mo?"

"Lupa."

Nawala na ang magic circle sa balikat ng guro at napunta na ito kay Glen. Inilahad ni Hera ang kamay sa guro at makikita mo na umiikot ang mga buhangin dito. Biglang kinutusan ng guro si Hera.

"Aww."

"Bakit mo pinabayaan na mawala ang replica ng ability ko sayo? Ulit."

Muling sinubukan ni Hera na pagsabayin ang dalawang ability. Pero paulit ulit lang ito nawawala.

"Ulit."

"Ulit nakabitaw ka sa balikat ko!"

"Ulit!"

"Ulitin mo, wag mo hayaan na sa isa kalang magpopokus."

"Ulit!"

Paulit ulit ang kanilang ginawa hangga't pagabi na. Napapagod na humiga si Hera sa lapag at tinignan ang mga bituin. Walang tigil ang kanilang ginawa ngayon pero hindi nya padin makuha kung paano ito gagawin.

"Maaari ka nang makaalis Glen, at pati na rin ikaw Hera. Ipagpapatuloy nalang muli natin ito kinabukasan." sabi nang kanyang guro at binato kay Hera ang isang bote ng tubig.

Tumango lang sya at bumangon. Binuksan nya kaagad ang tubig at uminom. Lumapit sa kanya si Nexan at tinulungan syang tumayo.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo."

"Napansin ko din ang pagtaas bigla ng bigat natin sa pag eensayo."

Napahinga nalang si Hera. Alam nya na may gagawin sila kaya biglang bumigat ang pageensayo nila.

-------------------TO BE CONTINUED---------------------

A/N:

👾SALAMAT SA PAGBABASA! KUNG ITO AY IYONG NAGUSTUHAN MAG IWAN NG LIKE, REAKSYON O KOMENTO SA BABA!

👾KEEP SAFE AT STAY HEALTHY! ILYA!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now