Chapter 48

14 0 0
                                    


••Hera POV••

Di ko inaasahan lilipad kami doon sa akala kong ikot ikot na carousel tsk. Sinundo namin sila Emerald sa tagabantay bago humanap ng mga pwedeng sakyan.

"Tara dun!" Napalingon kaming lahat kay Vien ng ito nya ang mga bangka na mahahaba at talagang malawak. Pero satingin ko ang tema nun ay nakakatakot dahil sa mga multo at itim at pula ang kulay ng mga bagay. Hinatak ako ni Vien kaya napasama nalang sila Emerald. Tumigil sya sa kakahatak ng nasa harapan na kami. Hmm.

Kasya kami sa isang bangka kahit kasama pa ang mga guardians,nakakamangha. Pinasakay nila ako sa unahan habang katabi ko sila Emerald at ang nagtatagong si Winter. Nagsimula ng magsagwan ang bangkero. Pagkalagpas namin sa isang itim na kurtina,may isang mahikero sa taas ngunit nadulas ito at naghiwalay hiwalay ang kanyang katawan. Narinig ko ang sigawan ng mga nasa likod. Natawa lamang ako ng makita ko ang komokontrol sa katawan tsk. Nagliparan ang mga paniki at nagpakita ang mga nakakatakot na muka kaya napaatras si Emerald at nagtago sakin.

Biglang umulan at lumakas ang alon kaya naman bumilis ang pagsasagwan ng nagbabangka. Biglang may mga pating na humahabol samin. Napalingon ako sa likod at nakita kong tinutulungan na nina Alex at Rade ang nagsasagwan.

Humarap nako muli at tinago si Winter,nanginginig na kasi sya. Tili ng tili sila Vien doon dahil humabol din saamin ang mga nakakatakot ang muka. Pero pagkalagpas namin muli sa isang kurtina ay tumahimik ang lahat. May narinig akong matulis na tumatama sa pader ngunit sobrang dilim. Naramdaman kong may sumakay kaya inurong ko si Emerald baka matakot lalo. Sa dilim ng lugar satingin ko hindi naramdaman nila Vien ang pagangkas ng isang tao.

Ramdam kong nasa likod ko sya kaya hinatak ko ito at binulungan. "Anong ginagawa mo dito, Nexan Peter?"

"Exploring our booth...how did you know?"

"Naamoy ko ang amoy ng pabango."

Di ko man nakikita pero satingin ko ay ngumisi sya."Interesting. I'll take my leave now, See you tonight." Inalis nya ang hawak ko sa damit.

Nawala na ang presensya nya bago pa kami umabot sa ikatlong kurtina. May mga apoy sa gilid gilid at pinababa na kami. "Hanggang dito na lamang ako, Magpatuloy na kayo papalabas."

Nagpasalamat sila West at lumapit sa isang pinto. Kulay dugo at amoy patay ang bumungad saatin.

Akmang magsasalita si Vien nang sinita ko ito. "Shh. Lumabas tayo muli."

Ng nakalabas kami sa pinasukan ay sinabihan ko itong maghanda dahil base sa amoy,mukang mga patay ngunit buhay padin ang mga utak ang makakasalamuha namin.

"Zombie?" Tanong ni Alex. Tumango ako.

"Walang gagawa ng ingay habang nasa loob,maliwanag ba?" Tumango silang lahat. Kahit ang mga guardians ay tumango din.

Pumasok na kami isa isa. Dim lights na kulay pula ang pumapalibot sa buong lugar. Pinauna ko sila habang pinakahuli ako upang mabantayan ang mga hahabol saamin. Maliit ang espasyo kaya satingin ko ay maze ang ito.

"RAaaaaaRghhh..." tunog na nag eecho sa lugar.

Lumapit sakin si Emerald na halatang nanatakot na. "Stay close,babies"

Nagulat ako nang tinutulak nila ako sa unahan. Wala akong nagawa kundi mauna. Pinasakay ko si Winter kay Emerald at nagpokus sa daan.

Maya maya pa nakita ko na ang pintong puti. Tumigil muna ako sa paglalakad at sinenyasan ko sila na maging alerto. Napatigil ako sa isang tago na espasyo at dinala ko sila isa isa dun.

Mahina akong nagsalita. "Okay nakita ko na halos nandoon sila. Rade..."  napatigin ito sakin"pasan mo ako titignan ko ang kabuuan."

Tumango ito at lumuhod. Sumakay nako at tumingin. Hmm halos ang karamihan ay nasa palabas na pinto kailangan mapunta sila sa harap na pinto kung ganun.

"Baba mo na ko."

"Sure na yan? Baka nag eenjoy ka pa dyan..."

Napataas naman ako ng kilay."eh kung kalbuhin kita para maenjoy ako kahit papano?"

Narinig ko ang mahinang tawa nya at binaba nako. Hinampas ko pa ito bago ako humarap. "Lalabas kayo ng tahimik. Ipupunta ko silang lahat sa pintong pinasukan natin,Rade ikaw ang manguna siguraduhin na hindi makakagawa ng ingay."

Kinuha ko si Emerald at binigay si Winter kay Vien. "Tara Emerald,dun."

Lumapit kami sa isang kahon kung saan ang pabalik. "EMERALD!"

Nakarinig ako ng takbuhan sa likod at tumakbo na kami ni Emerald. Sinugurado kong nakasunod silang lahat bago kami kumaliwa at dumeretso sa pintuan palabas. Ngunit bago makalabas si Alex nahulog ang kayang singsing na gumawa ng panibagong ingay bumaling saamin ang atensyon ng mga zombie. Napatakbo kami ni Emerald at hinawakan ko sya sa likod at dali daling umalis. Sinarado agad ni Seid ang pinto. Hingal na hingal akong bumaba. Natawa bigla si West na sinundan ni Rade hanggang sa lahat kami tumatawa na.

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA MUNTIKAN NA TAYO! GAGO KA ALEX MUNTIK NA!"

"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA!"

Binati kami ng estudyante at binigyan ng mga kahon,ang sabi ay premyo daw iyon dahil nakalabas kami ng hindi nahahawakan. Nag ikot ikot pa kami hanggang nasa may ferriswheel na kami. Isahan lang iyon dahil kasama ang guardian doon kaya nagkahiwalay hiwalay kami. Pinapasok ko muna sila Emerald at Winter bago ako pumasok.

Umangat kami para makasakay ang iba. Habang pataas ng pataas ay naramdaman ko ang sariwang hangin. Tamang tama ang dating namin dahil natatanaw ko ang payapang dagat habang papalubog ang makinang na araw.

Napakagandang tanawin para tapusin ang araw. Naisip kong takasan ang gabihan kila Nexan kaya wala akong iniisip ngayon.

Habang papalubog ang araw, lumalabas ang nakakabighaning buwan. Sabi sakin ng dating nagbebenta ng gulay ay

'humiling bago magtapos ang araw kasabay na ng paglabas ng kadiliman,upang hiling ay mapakinggan...'

Hanggang sa nawala na ang araw at napalitan na ng buwan. Nakangiti kong hinarap sila Emerald. "Humiling ba kayo?"

Parehong tumabingi ang mga ulo nito at tila ako'y hindi maintindihan. Tumabi ang mga ito saakin kaya niyakap ko sila.

'Sana ang tunay na kaligayahan ay makamit namin lahat...'

--------------TO BE CONTINUED---------------

A/N:

•THANK U FOR READING! HOPE YOU ENJOY AND MAKE SURE TO LEAVE A LIKE AND COMMENT DOWN BELOW!

•I LOVE YOU ALL,STAY HYDRATED AND KEEP SAFE!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now