Chapter 17

42 2 0
                                    

Chapter 17

••Hera POV••

"Yoooo...hmmmmm ang bango naman nyan?!"sigaw ni Alex habang pumapasok sila.

Nag flip hair naman si West."Syempre maganda yun nagluto!"

Parang tanga si Alex na nag isip isip."Anong konek nun?"

Umirap lang si West at bumalik na sa kusina.

Sinarado ko na yun pinto nun makapasok nang tuluyan sila Rade.

"Guys...pwede pahiga ako--woah! Kaninong guardian toh?"Usal ni Seid habang tinitignan si Emerald kumain.

"Sakin."sabi ko bago ako pumasok sa kusina para makielam. Ang bango nga grabe.

"Uyyy Ate...paki abot naman yun mangkok,"Binigay ko sakanya iyon. Inutusan nya na din ako na maglagay na ng platito at utensils. Naglagay na din ako nang mga baso.

Si Vien naman ay naghahanda nang kain at hinihiwa yun mga prutas.

Wala na ako magawa kaya umupo nalang ako sa sofa.

Biglang nagsalita si Alex."Bakit parang mas malaki yun kwarto nyo? Tsaka daya ah! May bintana kayo na malaki."

I shrugged di ko din alam baka ito nalang siguro yun vacant.Nakita ko na nakikipaglaro pala sila kay Emerald kaya medyo tahimik.

"Anong pangalan nya,love?"

Bwisit na love yan."Emerald at tigilan mo na yan love na yan."

Mahina syang natawa. Sige tawa ka lang dyan para kabagin ka. Lumapit naman sya sakin.

Napataas ako nang kilay."Ano?"

"Here you go...yun libro,"Sabay abot sakin nun libro. Sobrang tagal na nito pero wala man lang sira.

Bubuklatin ko na sana kaso..."Kakain na mga hampas lupa!"

Tinawag na kami ni Vien. Umupo na kami at nagdasal. Pagtapos nun syempre...kainan na.

"Ang sarap naman nito,West."Pangbobola ni Seid.

"Ano ka ba Seid! Lalaki ulo nyan tsaka eto ako oh! Ako yun masarap! Mas masarap!"

Nandidiring tingin lang ang ginawa ni Seid kay Alex at kumain nang tahimik.

Natapos kami nang tahimik at nagpasya silang tatlo daw maghuhugas nang plato. Di naman na kami umalma dahil minsan lang sila magkusa.

Nakita ko si Emerald na naglalaro dun sa lapag kaya kinuha ko sya pati yun laruan tsaka kami humiga.

Kakahiga ko lang nang may kumatok. Bayan panira ampucha."Vien silipin mo kung sino."

Sakto nakahiga din pala sya."ayoko nga!"

Tumingin sya kay West."Ehhhhh katamad."

Napabuga nalang ako at sinilip kung sino. Ano ginagawa nila dito?

Ayy pakshet na yan.Lumapit ako kila Seid. Nagkakagulo pala sila sa kusina. "Rade!"

Lumapit naman sya."Bakit love?"

"May mga babae sa labas...nagpakita ba kayo? Nandyan din sila principal pakshet kayo!"

May kumatok uli. Hay lakas nang timing nila. "Kumapit kayo sakin bilis! Magteteleport nalang tayo!"

Kumapit naman sila sakin. Tumingin ako kila Vien na nakasilip."West at Vien maghugas kayo or nagliligpiy kunwari. Wag nyo muna buksan okay? Babalik ako agad."

Tumango naman sila pareho. Alam ko naman teleportation ang ability ni West pero di nya pa kasi mastered.

"Comós Portás."

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now