Chapter 31

22 2 0
                                    

A/N: Henlo guys! So kung sino ang makakakita nitong note edi nays. Sorry sa slow update taena nilalamon ako ng mental health huehue. Don't worry trinatry ko ang best na tapusin ang story before mag end ang taon na itooo tas ayon siguro pag sinipag, gagawin kong series itechs awheat🤘lezgo sipag!-9/13/21

Chapter 31

••Third POV••

Agad na napatayo sila Hera sa upuan at pumunta sa stage. Pilit na binubuksan nang host like ang barrier dahil hindi pwede pumatay sa level na ito.

Hinampas na nang ilan ang barrier at ginagamitan ng ability ngunit hindi ito nababasag,nagkakaroon lang nang crack.

Hindi na napigilan ni Hera na magteleport papuntang loob at kaagad na kinuha si Alex sa loob. Binato nya si Alex sa kung saan at kaagad na sumugod sa kalaban.

Hindi na napigilan ni Hera ang sarili nang lumabas ang mga anino mula sakanya. Bigla din nagkaroon nang tubig sa kamay nya ngunit itim ang kulay nito.

Mabilis na tumakbo ang mga anino papunta sa kalaban at hinihigop ito. Nasalag ito nang kalaban ngunit di ito nakapalag nang hinigop ang kanyang parehong binti at mga braso.

Lumapit sakanya si Hera na tila wala nang kontrol at nilatigo nang paulit ulit ang kalaban. Rinig na rinig ang sigaw nang lalaki sa sakit at ang pagmamakaawa nito na tigilan na pero parang bingi ito at mas lalo pang nilakasan ang hampas.

Di namalayan ni Hera na may nakalapit na sa kanyang likod at may binulong sakanya.

"Tenwo shipos."

Bigla itong nawalan ng malay. Kinarga ito nang bumulong sakanya at dinala ito sa mga kaibigan nya.

Halos lahat nang tao ay di makapaniwala sa nanyari. Tila nanonood ito ng pelikula .Nagsalita naman ang principal at pinabalik muna sa kanyang kanya kwarto ang mga estudyante.

••Hera POV••

Paulit ulit nalang ako nawawalan nang malay. May anemia na ba ako? Tsk.

Nagising ako sa kwarto ko at may benda sa kabilang braso. Ano bang nanyari?

Babangon na sana ako ng makitang pumasok sila Vien.

"Gising ka na palang gaga ka! Nako!" Salita ni Vien. Biniyan ako ni West nang tubig.

"Ano bang nanyari? Ang sakit nang ulo ko. Nauntog ba ko?"

Si West ang sumagot."Wala kang naaalala Hera?"

Umiling naman ako. Wala talaga akong naalala."Ano bang nangyari?"

Nagkatinginan ang mga ito na tila nagsesenyasan kung sino magsasabi.

-.-

"Ahm..ganto kasi Hera..."pagsisimula ni Vien.

"Muntikan mo nang mapatay yun kalaban ni Alex!"Natawa naman ako. Kala nila maloloko nila ako.

Ngunit kaagad din akong tumigil nang makita silang seryoso. Dun lang ako natauhan. "Totoo ba iyon?"

Tumango ito."Nawalan ka nang kontrol sa iyong ability Hera...bigla kang nagteleport papunta sa loob nang barrier at kinuha si Alex. Tas biglang nagdilim paligid mo at may lumabas na anino. Meron di sa kamay mo na tubig kaso itim nga lang tapos bigla mong inatake yun kalaban ni Alex at nilatigo sya."

Napalingon ako bigla sa bintana. Nanyari nanaman ang dapat hindi mangyari.

Napabuntong hininga na lamang ako."Kamusta naman iyon lalaki? Nasaan sya?"

"Nasa clinic sya at kasalukuyan ginagamot."sabi ni West.

Bumangon ako at tumayo. "Hoy bat ka tumatayo! Di pa magaling yun sugatmo sa braso!"aligagang sabi ni Vien at pilit na hinihiga ako ngunit tinabig ko lang sya.

Kinuha ko si Emerald na natutulog sa tabi ko at lumabas. Di pa ako makapagteleportdahil magulo pa ang isip ko.

Pinagtitinginan ako pero di ko sila pinansin at dumeretso sa clinic.

Tumingin naman ako sa loob at sinugurong walang tao. Pumasok ako sa loob at saka ito sinarado.

Chineck ko yun papel kung saan sya nakahiga at pinuntahan sya.

Nang makita ko sya ay kaagad kong ginawa na soundproof ang nakapaligid samin dalawa at gumawa nang ilusyon na kunwari sya ay natutulog pa rin.

Tinapik ko ang sugat nya sa noo dahilan para mapadaing sya nang mahina.

"Gising."

Napadilat naman ito at nanlaki ang mata medyo napabangon ito at napalayo sya ng onti.

"A-anong g-ginagawa-a mo d-dito?"nanginginig nitong sabi.

Takot na takot? Amp.

-.-

"Tss. Wala ako dito para makipagdaldalan,higa."utos ko dito at kaagad itong sumunod.

"Hishiye tuetos quarar."

Agad na lumabas ang magic circle at lumiwanag. Natataranta naman yun lalaki at di alam ang gagawin ng tumagos ito sa damit nya.

"A-anong nanyari?"bigkas nya. Ngunit di ko siya pinansin at pinanood ang magic circle na lumaki hanggang't maglaho ito.

"Anong ginawa mo!?" Sigaw nito sakin. Kalalaking tao, ang ingay ingay.

-.-

"Tss. Kasalanan ko kung bakit ka nandyan at naghihingalo ka na daw kaya medyo naawa ako. Pinababaw ko na ang mga sugat mo."

Nanlaki ang mata nya at kinapa ang mga sugat sa likod. Napadaing siya bigla.

"Akala ko ginamot moko?!"

Napakunot naman ang noo ko. "Ang sabi ko ay pinababaw ko lamang.Aalis nako.Tumalikod nako at naglakad na papuntang pinto.

"S-Saglit!"

"Ano?"

"S-salamat."

Tumango lang ako at naglakad na paalis sa clinic.

--------------TO BE CONTINUED----------------

A/N:

•THANKS FOR READING! MAKE SURE TO LEAVE A LIKE,REACT AND COMMENT!

•STAY HYDRATED AND KEEP SAFE BABIES! I LOVE YOU ALL MWUAH.

Kenque University(completed) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ