Chapter 39

20 1 0
                                    

••Third POV••

Nanlulumo. Yan ang pwedeng sabihin sa buong sulok ng paaralan. Magulo at makalat pa ang buong paligid ngunit ang atensyon nang bawat estudyante ay nasa puntod. Karamihan ay nag iiyakan at napapaluha sa pagkawala nang kanilang alpha. Si Fammi ang alpha namamahala sa wizard. Ang guardian nito ang nakahiga lang ito habang nakatingin sa harap nang puntod.Mahahalata ang pagkaluksa at kalungkutan.

                  'F a m m i  H e z'

-you will be our light to see in the darkness,may your soul rest in peace forever.
                              
(A/N Yan yun nakalagay sa puntod okay.)

Tahimik silang nagdadasal at pumila upang maglagay nang bulaklak bago ito nagsialisan. Pinagmasdan ni Hera sila sa malayo. Napahawak siya maigi sa kamay sa ginayang nyang abilidad.

"Tara, Emerald." Pag aalok nito pumunta sa puntod ni Fammi. Hinihintay nyang makaalis ang lahat bago siya pumaroon.

Dahan dahan bumaba si Hera sa likod ni Emerald. Ang guardian nito ay kasalukuyan lumapit sakanya na para bang binabantayan nito at proprotektahan ng libingan nang kanyang amo.

Gayun pa man ay tahimik na nag alay nang dasal si Hera bago nito linapat ang kanyang kamay sa damuhan.

Unting unti nabahala ang guardian nitong si Winter. Lumapit ito muli kay Hera at tinulak nang mahina.Dahan dahan nagsitubuan ang maraming bulaklak sa paligid nila. Ang libingan ni Fammi ay naging puno na kulay asul ang dahon at may liwanag na kulay puti. Ang puntod nito ay tinubuan ng maliliit na ugat at bulaklak.

Ang liwanag na kulay puti pala ay ang mga bulaklak na kumikinang. Kinuha ni Hera ang maliit na dragon na kanina pa sya tinutulak. Mukang pinapalayo nito ito dahil nabahala ito sa pagtubo nang nakapaligid sakanila. Naglakad sila palayo saglit at humarap muli ito. Gumawa si Hera nang barrier sa paligid nang puno upang wala nang makapitas nang bulaklak.

Tinaas ni Hera si Winter. "Sabi ni Fammi ay binibigay nya na ang karapatan upang alagaan ka." Niyakap nya ito nang mahigpit."Hinding hindi kita papabayaan,Winter. Hinding hindi."

••Nexan POV••

I watched her build the tree and grew all the flowers around it. How can she do that? Noon evaluation, nakita kung paano nya nagaya ang mga abilidad ng mga kinalaban nya. Interesting.

Nanatiling kalmado ang muka niya ngunit bakit ganun, Ang mga mata nya,masyadong maraming pinapahayag. Umalis sya kasama si Winter at iyon guardian nya. Napatingin padin ako sa puno na ginawa nya. Tila ito ay kumikinang,parang si Fammi.

Napahinga nalang ako nang malalim at napaisip.

'You are the one who makes everything in balance. What do we do now without you?'

Peke akong tumawa dahil ayaw ni Fam na malungkot kami."You can now rest in peace."

Naglakad lakad lang ako hanggang sa dinala ako nang aking mga paa sa harap nang librarya.
---

Two weeks later...

---

••Hera POV••

Wala naman masyadong pagbabago nitong mga nakaraan. Masasabi ko nitong mga nakaraang linggo ay matamlay ang aura pero bumalik din ang sigla nito nang malaman na nalalapit na ang  'Grande Fista'.

Ang Grande Fista ay kung saan tatlong araw na malaya ang mga estudyante sa kahit anong gusto nilang gawin. Fiesta din sa bayan kaya sinabay ito. Ngunit, kung malapit na ang Fista ay ibig sabihin malapit na din ang MOE (Monthly Oral Examination). Kada isang subject iyon. Pipili ang guro kung sino ang gusto nyang tawagin at pag natawag ka ay pupunta kayo sa isang tahimik na silid at doon mo ibabahagi ang iyong mga natutunan ng pasalita.

Naghahabol na kaming lahat sa mga lesson dahil mga malapit na iyon maganap. Sila West ay todo aral na ket di pa natuturo.

Napatigil kami nila Vien sa paglalakad na bigla akong harapin ni Peter.

"Hera bat kayo tumi--"narinig ko na natigilan si Rade sa pagsasalita nang makitang may nakaharang sa daraanan ko.

Hinigit ni Rade ang kamay ko at hinila papalapit sakanya. "Mauna na kami,"

"Tara na West,Vien!"

Tumalikod na kami sakanya at nagsimula na ulit na maglakad pero hindi pa kami nakakalayo ay hinigit na din ang isang kamay ko.

"Let's talk."Napatingin ako sa kamay niya bago tumingin sakanya.

Magsasalita pa lamang ako na sumabat si Rade."Pasenya na pre, pagod na si Hera sa susunod nalang kayo mag usap." Bago ako hinigit ng unti palapit sakanya.

'Pagod? Eh natulog lang ako kanina nun nagbabasa sila...'

-.-

Pero di nagpatalo si Peter at hinigit din ako papunta sa gawi nya."Pinagbigyan na kita noon, kaya mag usap na tayo."

Sasagot na sana ako pero hinila ako ni Rade. Di nagpaawat ang isa at hinila din ako.

'Putangina muka bagong lubid para hilahin?'

Pinagtitinginan na kami kaya hinawak ko na ang kamay ko sakanila."Tigilan nyo nga yan,"

Tumingin ako kay Peter at napabuga.
"Osige tara." Napangiti ito nang maliit.

Napalingon ako kay Rade na masama ang mukha."Hoy,samahan nyo sila West hanggang sa pinto. Kakausapin ko lang ang isang toh." Turo ko kay Peter.

Naglakad nako palayo sakanila. Sumenyas ako kay Peter na sundan ako papuntang rooftop.

-------------TO BE CONTINUED-------------

A/N:

■Team Nexan o Team Rade?
■THANK YOU for reading ang supporting my story! Make sure to LEAVE a LIKE,REACT and COMMENT!
■I love you all and keep safe! Stay hydrated. Mwuah.🌻

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon