Chapter 9

58 4 0
                                    

*unedited*

••Hera POV••

Hanggang sa cafeteria di padin humihinto yun bulong bulungan at titigan saamin.

-.-

"Hera!"Sigaw ni Alex saamin. Kaagad akong lumingon at pumunta na kami dun. Yun mga babae na nakapalibot sakanila ay tili nang tili. Sinita ni West ang mga babae. Agad naman umalis yun mga babae dun sa lamesa namin.

"Grabe ang dami nyo naman babae?"sabi ni Vien bago umupo. Nagpaalam ako na ako naman ang  pupunta sa mga pagkain.

"H-Herause?" Napalingon naman ako dun sa babaeng matanda na nag seserve. Bigla akong napamaang nang makita ko kung sino iyon.

"Vue?"Agad naman nanlaki yun mata nun matanda at hinatak ako palabas.

Nun makalabas kami ay agad nito akong niyakap. Niyakap ko sya pabalik. Narinig ko yun mahinang iyak nya.

"Vue, bakit ka umiiyak? Sabi ko naman sayo babalik ako eh. Tahan na."Pagpapatahan ko sakanya.

Napatawa naman sya nang mahina."Hanggang ngayon di mo parin ako tinatawag atús. Kamusta kana? Ang laki laki mo na..grabe."

Ngumiti ako sakanya."Ayos na ayos lang ako Vue. Ikaw kamusta? Pinahihirapan ka pa din ba nila?" Biglang nagdilim yun paningin ko sa iniisip ko kung paano yun mga pagpapahirap nila saamin dati.

"Nako nako..hindi ka padin ba nakakaalis sa nakaraan? Sobrang tagal na nun,Herause..."

"Nakontrol ka na din ba nila?"

"Herause..." biglang nagbago yun tono nya na ibig sabihin ay naiinis na sya.

Agad naman akong huminahon at sinabing malalate nako kung hindi pako kumain.

Hinatak nya nako ulit papasok tapos nagtawag nang kasamahan para ihatid ako sa lamesa namin dahil madami siyang pinadala saakin na mga pagkain.

Bago ako umalis ay tinawag nya muli ako." Kapag nagugutom ka wag kang mahihiyang bumalik dito ah? Sa susunod ay magkwentuhan tayo."

Ngumiti ako sakanya at tumango. Bumalik nako sa lamesa namin at nagulat sila sa dami nang pagkain.

"Ubusin nyo iyan ah?"sabi ko sakanila. Excited silang tumango at kumain na.

Kumain lamang ako nang isang lasagna at garlic bread. Nagtago din ako nang ilan garlic bread para pag nagutom ako sa klase kukuha lang ako.

Lihim akong natawa habang iniisip ang kalokohan ko. Sabay sabay lang din kaming natapos kaya naglakad na kami papuntang sa klase namin.

"Hera bakit ang dami mong inoder kanina? Nasisira tuloy yun diet ko."nakangusong sambit ni Vien.

Nag kibit balikat nalang ako. Biglang nagbell kaya nagkatinignan kami at tumakbo. Ang galing naman..unang araw palang late na agad.

Akmang papasok na sana kami nang maabutan namin yun guro.

"Ohh..kayo yun mga bago?" Pagtatanong nito. Tumango tango naman yun mga kasama ko.

Napangiti naman yun guro at sinabing maghintay muna saglit sa labas at sasabihan nalang itong pumasok maya maya.

"Pst." Tinignan ko si Rade nun tinawag nya ko.

Pagtatanong nito sakin."Wizard kaba?"

Umiling lang ako sakanya.

Nakarinig ako nang 'Good afternoon,Professor Zen'. Pinaupo nya na ata silang lahat at sinabi na may mga bagong dadagdag sakanila. Umugong naman ang pagtatanong kung sino daw kami. Sinabi nun professor ay pumasok na kami.

Sinenyasan ko naman na mauna yun mga lalaki pumasok bago kami. Nun pumasok sila Seid ay nagtilian naman yun mga babae. Napatakip ako ng tenga. Nun makapasok na silang tatlo sinenyasan ko si West na pumasok na. Tumango ito sakin.

Pumasok na din kaming tatlo. May narinig akong mga sipol. Napailing ako at sinarado yun pinto.

"Class..sila yun mga bago nyong kaklase. Be nice okay?" Sumagot naman sila nang 'yes' sa professor. Sinensyasan naman nya kami na magpakilala. Humakbang ako nang dalawang beses.

"Herause Saren." Nagpalakpakan sila at may nagsisigaw nang 'ganda' 'sexy' 'chic' at kung ano ano pa.

Sinabi ko sa isip ni Vien na sya na. Humakbang din ito.

Ngumiti si Vien at kumaway kaway."Hello! Ako si Vien Rey!" Nagpalakpakan din sila at nagkomento uli.

Humakbang na si West."Ako naman si West Fraz! Sana maging kaibigan ko kayong lahat." At ngumiti. Nagpalakpakan at umugong uli yun bulong bulungan.

Nagtilian naman yun mga babae nun humakbang na sila Alex.

"Alex Gazo." Sabay kindat. Pst pabibo talaga. Tumili nang tumili yun mga babae.

"Seid Coll." Ngumiti lang sya nang maliit.

Nagtilian uli yun mga babae. Potrages iingay amp.

"Rade Cial." At ulit nagtilian sila. Di ba sila napapagod? Ako na yun napapagod sakanila. Pinaupo na kami ni Professor Zen. Hiwa hiwalay yun mga bakanteng upuan kaya napagpasyahan ni Professor na mag ayos nang upuan. Nagreklamo sila ngunit wala silang magagawa. Halos magkaka lane lang kami nila Vien.

"Hi!" Bati sakin nun katabi ko.Ngumiti lamang ako.

"Ako si Aurs Saphres hehe. Ang ganda mo grabe.."

Ngumiti ako sakanya at tumango. Akmang magsasalita sana sya nang magkwento na ng history si Professor Zen.

*Crrrriiiiinnnngggggggggggggg*

Nag unat unat naman tong katabi ko."Ahhhhh..pang ilang uli ko na narinig yun." Habang nakatingin sakin.

"Ako din." Mukang nagulat sya kahit ako rin.

"I mean, naririnig ko kase yan dati kaya pamiliar..."pagpapalusot ko. Please kumagat ka.

"Ahhh hehe.. pwede bako makipag kaibigan sayo?"sabay lahad nang kamay sa harap ko. Ngumiti lang ako ng tipid at tinanggap yun.

"Herause Saren. Hera nalang para maikli."

"Anong ability mo?"pagtatanong nito.

"Ahh..ang ability ko ay--"naputol yun sinasabi ko nang makarinig kami nang pagpasok nang guro. Bumati ito saamin kaya tumugon kami.

Napatingin ito sakin."Bago?" Tumango tango naman ako.

Sinenyasan nya kami ni Vien na tumayo."Name please."at tumingin uli sakin.

"Saren." At umupo na. Napakunot naman yun guro at lumapit saakin."Saren lang?"

Umiling ako."Pero professor, di mo naman sinabi na full name.Sinabi mo lang name."

Napasigaw naman yun mga kaklase ko nang dakmain nun guro yun damit ko.
"Napakabastos! Ayaw na kitang makita sa klase ko!"at hinila ako palabas.

Ang lakas nang boses nya kaya siguro kami pinasok ni Professor Zen.

"Anong nanyayari?"Nag aalalang sabi ni Prof.

"Itong bata na toh! Tinanong ko nang maayos pero pabalang ang sagot. I will not tolerate this attitude!" Namumula na yun guro sa galit.

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now