Chapter 63

9 0 0
                                    

••Hera POV••

Pagdilat ko palang kahapon ay alam ko na ang mga maaaring mangyari pagtapos ko mablack out. Napahinga ako at inayos ang akin uniporme. Hindi ko muna isasama sila Emerald para mas maayos ko ang gusot na ginawa ko.

"Handa ka na ba, Hera?" Tinapik tapik ni Fran ang balikat ko at maiikling ngumiti.

Nagpatawag kami ng meeting dito sa may gym upang pag usapan ang mga pangyayari saakin at sa unibersidad. Dahan dahan akong lumabas at bumungad agad saakin ang malakas na bulungan. Nanatili akong walang emosyon para hindi nila mahalata na kinakabahan ako.

"Quiet!" Sigaw ni Copper. Tumango naman sya saakin nang tumahimik na ang lahat.

"Unang una sa lahat, magandang umaga..." Tumikhim ako ng may narinig akong umungot at bulungan. "Alam ko na sa mga nagdaan na araw ay tila nabulabog ang ating unibersidad nang dahil saakin, at lubos akong humihingi ng paumanhin."

Nanatiling masama ang tingin sakin ng karamihan habang ang iba ay muka naman napanatag na.

"Ang mga pangyayari nitong mga nakaraan araw ay maaaring magulanta kayo sa nalaman, handa ko naman ito sabihin pero naunahan ako..." namuo uli ang bulung-bulongan at sinata sila uli ni Copper.

"Ang pagkakaiba ng pagkilanlan sa aking abilidad ay iba't iba at ito ay naiitindihan ko.---"

May biglang tumayo ay sumigaw sa gitna." Umalis kana sa Alphas! "

Unting unti akong napangisi. "At bakit ko naman iyong gagawin?"

Nagulat ang marami sa sagot ko kaya naman natawa ako nang bahagya.

••3rd POV••

Maraming kinilabutan sa maiksing tawa ni Hera. Parang kakaiba ang dating nito sabi sabi ng ilan.

"Kung aalis ako, sino ang karapat dapat na papalit saakin?" Ngumisi muli si Hera.

"Tell me, then."

Nanaig ang katahimikan sa buong gym. Napangiti naman ng maliit si Rade na nanunuod sa malayo.

'Ganyan nga Herause, hindi kita pinili para maging mahina.'

"Oh bakit wala ng nagsasalita?" lumapit si Hera sa babaeng sumigaw kanina. "Sino ang papalit sakin?"

Napapaupong hiya ang dalaga na iyon at yumuko. Umakyat muli si Hera sa maliit na entablado at sinabing

"I will take that as a no. Thank you for attending and enjoy the rest of your day while you still can."

Ngumiti si Hera sakanila nang matamis bago nagbigkas nang mahika. "Comós Portás."

Nagulat ang lahat nang bigla itong mawala habang napangiti naman ang alphas dahil mukang hindi naman mapapalitan si Hera.

Nag alisan na ang lahat nang bumukas na ang pintuan. Lumabas na ang nagtatagong Hera bago napahinga. Napangiti ito bago umupo sa lapag.

'Nagligtas ko din ang posisyon...'

Hindi alam ni Hera na nagmamasid si Nexan sakanya, ay napangiti din at lumapit sakanya.

"You did well," napalingon naman si Hera sa biglang nagsalita.

Di pa nakakasagot si Hera biglang inaabot ni Nexan ang kamay nya. Tinanggap naman ito ni Hera at tumayo.

"Tara na, Alpha."

Ngumisi si Hera. "May kailangan ka ba sakin at ganyan ang mga kilos mo?"

"Oo naman."

"Ano?" Pagtatanong ni Hera.

"Ikaw."

"Anong ako?"

"Ikaw ang kailangan ko..."

--------------------TO BE CONTINUED-------------------

💜MEDYO SHORT UPDATE PERO SALAMAT SA PAGBABASA! MAG IWAN NANG REAKSYON AT KOMENTO SA BABA!

💜KEEP SAFE AND DON'T FORGET TO DRINK YOUR WATUHHH, ILYA!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now