Chapter 13

38 3 0
                                    


••Hera POV••

Medyo maaga kami sa gym kaya naman kakaunti palang ang mga students. Kahit si Rade ay hindi ko pa din nakikita.

Napatayo yun ibang kaklase ko nun muntikan na kaming matusta.Masyadong mabilis ang pangyayari.Naglalakad lang kami sa gilid tapos may biglang bolang papalapit saamin.

Shit!

Hinawakan ko naman sila Vien at hinila sa gilid. Nakuha naman nila ako at tumakbo din. Nakita ko sa gilid nang  paningin ko may babaeng nagkokontrol dito. Kahit tumatakbo kami at hinahabol nang bolang may apoy nakuha ko padin ngumisi nang palihim.

Patikimin ko kaya toh nang sarili nyang ability? Napaisip namana ko nang spell na pwede. Aha!

"Redis Lightús"

Nakarinig ako nang tilian dun sa side nun babae. Nakita ko naman natataranta niyang inaalis yun apoy sa damit nya. Tsk.

Malapit na kami sa mga kaklase ko kaya sinenyasan ko naman sila kung may marunong bang magapula dyan. Tumango naman sila saamin. Makita ko yun isa kong kaklase kinontrol yun water cube ba iyon? Basta ganun itsura. Tapos trinap yun bolang may apoy.

Napahiga nang malakas si West. "Muntik na tayo dun!"

Tumango naman si Vien."Sino kayang demonyo ang naglaro saatin?" Nagkibit balikat nalang si West dahil di nya din nakita.

Di ko na sila pinansin at nagpasalamat ako dun sa tumulong saamin. Sinabi nya din sakin kung sino yun may pakana. Little did she know na kilala ko.

Hanggang ngayon ay nagkakagulo pa din sila dahil unting unti na nawawalan nang damit yun babae. Kahit ano gawin nya ay di nya ito makontrol. Tsk galing saakin yun stupid girl,kaya di mo iyon makokontrol.

Winala ko na yun spell ko sakanya at nakita namin lahat kung gaano sya kapula dahil sa init at halos makita na yun mga undies nya. Tumakbo sya palabas nang gym. Narinig ko yun tawanan nang mga kaklase nya at kaklase ko.

Kinamusta kami nang mga kaklase ko. Kung may masakit ba saamin o kaya napaso. May narinig din ako isa sa mga kaklase ko ang sumigaw na 'Karma nya iyan HAHAHAHA!'

Pinaupo nila kami. Lumapit naman saamin yun head nang section namin.

"Uy,Sorry sa nanyari ah? Section 1-C yun nanggulo sainyo."

"Sino yon?"Tanong ko sakanya.

"Si Stacey Wood iyon. Mahilig talaga iyon mang trip nang mga bago. Sprry talaga ah? Don't worry magsasabi ako kay Prof.Zen about dito." Inayos nya naman yun salamin nya.

Tumango ako. Akmang tatalikod na sana sya nang inilahad ko sakanya yun kamay ko."MALINAW NAMAN SIGURO SAINYO NA MAY EVALUATION AKO SA SUBJECT KO. BE PREPARE FOR THAT. MATAGAL TAGAL PA IYON KAYA MAG POKUS KAYO SA GUARDIAN'S BOOK!"

May lumitaw naman na libro sa harap ko. Kinuha ko iyon at hinawakan. Medyo nagulat ako nang nakita ko yun pangalan ko na nakasulat dito.

"LAHAT KAYO AY MAY SARILING LIBRO. PAG ARALAN NYO IYAN NGAYON. MAGBIBIGAY LAMANG AKO NANG TRENTANG MINUTO PARA MATAPOS NYO IYAN BASAHIN. PAGTAPOS AY INDIVIDUAL RECITATION. UNDERSTOOD?"

"Yes professor!"

"GOOD. DALHIN NYO ANG LIBRO PAG TINAWAG KO NA KAYO."lumiit na uli si prof at pumunta sa medyo dulo dulong part nang gym. Napatingin naman ako sa orasan na nasa taas.

°00:29:40°

Nakita ko na nagsisimula na din ang mga kaklase ko na mag review tungkol sa guardians.

Binuksan ko na din yun akin. Nakapalagay sa front page yun "Guardian's information & Labels.

Nagsimula nako magbasa kahit inaantok ako.Nagulat ako sa second page dahil tagalog na ito. Di na Ingles.

-.-

▪Guardian▪
~Sila ang magbabantay,manunuod,mag proprotekta sayo. Galing sa ngalan nitong 'Guard'. Ang sino mang nilalang ay maaari magkaroon nang guardian.

~Ang guardian ay nakadepende sa iyon uri. Bago mo idepende ang guardian mo..alamin mo muna ang apat na uri sa loob nang Kenque University.

Apat na uri nang estudyante:

•Commoners at Fairies•
-Ang pinakamababang uri ng Kenque. Sila ang mga nagsasanay lamang nang pisikal dahil sila ay mga sundalo o taga protekta lamang nang Unibersidad. Ang pangkaraniwang nakukuha nila na guardian ay buwaya o Usa.

•Werewolves•
-Sumunod ito sa mga Commoners at Fairies. Sila ay hinahasa din nang pisikal pero minsan ay hinahasa din ang kanilang isip,kailangan ito dahil nag iisip sila nang mga plano sa pag atake. Nakukuha nilang guardian ay Oso.

•Vampires•
-Ito ang pangalawa sa pinakamalakas na uri. Sila ay parehong bihasa sa pisikal at mental. Nakukuha nilang guardian ay phoenix at tigre.

•Wizards/Magic user•
-Pinakamalakas sa mga uri. Sila ay bihasa din sa pisikal at mental. Ang kanilang nagtatalasang memorya ay walang patama sa mga bampira. Sila ay maraming uri nang guardian. Maaari ito maging ahas,leon at wolves. Sa rare na kondisyon,pwede mo makuha ang dragon.

•Maaring ang guardian ay pumili nang bagong amo kapag nasawi ang kanyang kasalukuyang amo.•

****Crrrriiiiiinnnnggggg!!!!!!!!!****

Wow sakto ako. Nakita ko naman na nagpalakad si prof pabalik at sinabi na isarado na yun mga libro.

"OKAY..PAG TINAWAG KO ANG PANGALAN LUMAPIT KASAMA ANG LIBRO!"Malakas na sabi ni Professor.

Tumugon naman kami."OPO!"

Ngumiti nang bahagya si Professor M."Bushegert!"

May lumapit na lalaki galing dun sa kabilang section. Sumunod ito kay prof sa pinakadulo nang gym.

Napansin ko na kaharap ko pala si Aurs. Kinalabit ko sya.

"Aurs..."

Napaligon naman sya. Nahahalata ko sa muka nya na kinakabahan sya."B-bakit?"

"Nakalimutan ko tanungin yun ability mo kahapon eh.. so ano ability mo?"

Natameme sya saglit. Lumapit sya at bumulong sakin."Ang ability ko ay Wind. Kaya kong kontrolin ang hangin hehe."

"Eh bakit kinakabahan ka? Dahil sakin?"

"Hindi ah! Sa recitation ako kinakabahan. Baka mawala sa isip ko yun nireview ko eh. Tsaka potrages teh, kala ko orientation lang magaganap ngayon..wooh!"

Napangiti nalang ako at napailing. Kakaiba talaga.

"SAPHRES!"

Napatingin naman sakin si Aurs. Ngumiti lang ako."Goodluck,Aurs."

Tumango lang sya at naglakad na papunta kay professor M.

----------TO BE CONTINUED---------

A/N:
■THANK YOU FOR READING! MAKE SURE TO LEAVE A LIKE,REACT AND COMMENT!

■KEEP SAFE PIPS!!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now