Chapter 20

35 2 0
                                    

Chapter 20

••Hera POV••

"Wake up,Ate Hera!! Mag iistart na tayo sa pagtra train!" Niyugyog naman ni West ang balikat ko.

Tinapik ko ang kamay nya dahil nahihilo nako kakayugyog. "Okay tama na..babangon nako."

Tumalon naman paalis si West at inutusan ako na pakainin na si Emerald at kumain na din daw ako. Napatingin naman ako sa lamesa.

Damn.

Kumulo ang tyan ko nang malakas dahil naamoy ko ang mabangong aroma nang sinangag at spam. Dali dali ko kinuha si Emerald na nakadagan sakin at tsaka ako lumakad papunta sa pagkain. Binaba ko si Emerald,Umupo ako agad at nagsandok.

May narinig akong tawa sa likod ko pero di ko pinansin. Sumubo ako ng unti. Ughh..Heaven.

Di ko sila pinansin at kumain nang marami. Naramdaman ko ang marahan tapik sakin ni Vien."Easy lang ha? Baka di ka matunawan nyan HAHAHAHA!"

Umirap lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Teka anong oras na ba?

Nakita ko si Vien na nakabihis na. Tingin tuloy ako sa labas. Di pa naman mataas ang araw ah? Parang ang aga pa?

Di ko namalayan na tapos na pala ako kumain. Kaya niligpit ko na ito at nilagay sa hugasan. Nilingon ko si Emerald na natutulog sa sahig.

Nilagyan ko nalang sa pagkainan nya yun pagkain nya tsaka ako pumasok sa cr.

Mabilis ko lang tinapos yun ligo ko tsaka ako mabilis na naglakad papuntang closet dahil malamig. Pagkapasok ko naman ay naghanap ako kaagad nang komportableng suot.

Lumabas ako pagtapos ko magsapatos. Naghanap ako nang sumbrero pero sinuway ako agad ni West. Masama daw magsumbrero nang basa ang buhok kaya naman lumapit ako sa blower at tinuyo ito.

Naghanap ako nang panali at tinali ko ito papusod. Hinagilap ko yun puting sumbrero at sinuot. "Okay tapos na ko..tara na?"

Napansin ko din na gising na gising na ang lobo ko. Nakakain na siguro toh. Kaya naman, binalingan ko yun pagkainan at tama ako. Ubos at simot ang lalagyan.

"Dadalhin mo ba iyan si Emerald?"Sabi ni Vien.

Tumango ako at binuhat na si Emerald. Sumabay sakin si West dahil nagsarado pa si Vien.

"Ate... satingin mo kailangan ako magkakaroon nang guardian?"Tanong nya. Tumingin naman ako sakanya.

"I don't know..kusa lang naman iyan."

Napatungo naman sya."Masyado kasi akong mahina ate kaya siguro di ako magkakaroon nyan,"

"Wala naman mahina na makakapasok sa wizard section,West.."Umakbay sakanya si Vien.

"Tama si Vien,West." Bigla akong hinigit ni Vien. Napasimangot naman ako. Ang init init umaakbay.

"Pero teleportation lang ang ability ko. Not very useful..unlike you two..ikaw Replicabia tapos si Vien Illusionist..ang lalakas nyo hay,"

Inalis ni Vien ang pagkakaakbay sakin at sinakal si West nang pabiro.

"Ako nga dati diba? Di ko alam na illusionist pala ang ability ko pero tinulungan nyo ko diba? Ako din wala pa akong guardian pero look on the bright side!"Uto uto din tong si West at tumingin nga dun sa open field.

Nabatukan tuloy ni Vien."Gaga ka..I mean na stay positive lang syempre! Malay mo bukas o mamaya o sa makalawa lalabas diba?"

Tumango lang ako.

Ngumiti si West saamin."Siguro nga... sana malaking ibon sakin para makalipad kami."

"Tama yan be positive! Ako gusto ko ahas para cool ako tignan HAHAHA!"

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now