Chapter 79

2 0 0
                                    

Chapter 79

••Hera POV••

Kinuha ko ang bag sa lapag at pinatayo sya. Pinauna ko siyang maglakad para kapag may ginawa syang kakaiba, mabilis kong mapapansin.

"Binibini, hindi mo pa sakin sinasabi ang dahilan kung bakit kayo nasa teritoryo namin."

"Nandito kami para sa misyon."

Medyo lumingon siya sa gawi ko. "Anong misyon? Ang patayin kami?"

"Hindi. Ang misyon namin ay kumuha ng impormasyon tungkol sainyo at bakit nyo iyon ginagawa sa mga kapwa nilalang." Tugon ko bago kami bumaba sa bundok. Pag baba namin, alam kong may mali.

Napasin ko ang isang pana na nasa direksyon nya. "Dapa!"

Sabay kaming dumapa at gumapang papunta sa isang puno. Narinig ko ang yabag ng pumana samin kaya iniharang ko ang sarili ko sa harap.

May nakalagay na tela sa muka nya kaya di ko mamukaan kung kaaway ba siya o kakampi nitong satoir.

Noong malapit na sya, nakilala ko na ang postura ng kanyang paglalakad. Mukang namukaan nya din ako kaya tinanggal nya na ang balabal sa muka nya at tumakbo sa gawi ko.

"Hera!" Sigaw ni Fran habang tumatakbo. Mabilis nya kong niyapos sa yakap. Napahinga ako ng maluwag dahil sa wakas, kumpleto na kami.

Kumalas sya sa yakap at agad na inatake ang nasa likod. Mabilis kong kinuha ang kutsilyo na hawak nya at hinawakan ang kanyang kamay.

Nagtatakang sulyap ang binigay sakin ni Fran. "Bakit mo ako pinapigilan Hera? Kung hindi mo sya kilala, sya ang pinuno ng tribo na nasa misyon!"

"Alam ko, kaya kumalma ka lang. Papunta na kami kila Nexan upang hanapin ka sana at umalis na."

"May nalaman ka na bang impormasyon?"

Itinuro ko ang satoir. "Siya ang impormasyon."

"Ha?"

Tinulungan ko sya tumayo at binigay ang kanyang kutsilyo. "Kailangan natin sya isama pabalik ng unibersidad. Marami nakong nalaman tungkol dito, pero mukang hindi matitigil ang mga pangyayari katulad noon kapag hindi pa natin mismo iniharap ang pinuno nila."

Tumango tango lang si Fran. Muli ko nang inaya ang satoir sa paglalakad dahil malapit na kami.

Onting lakad lang at natanaw ko na ang pamilyar na puno. Ngumiti ako dahil nakikita ko na din si Emerald na nakahiga. Naunang tumakbo si Fran sa pwesto nila Nexan.

Haharap palang ako sa satoir ng di ko inaasahan nakuha nya pala ang aking espada at naramdaman ang pagbaon ng patalim sa aking katawan.

"Hindi mo naman siguro ako minamaliit, binibini? Hindi ako sang ayon sa pag uusap na iyon gustong mangyari, kaya naman wala na kong ibang paraan kundi ang patayin ka." Saad nya at tumawa ng malakas. Mabilis akong tumayo at hindi ininda ang nakasaksak. Malakas kong hinampas ang kanyang leeg upang siya ay mawalan ng malay.

Napasandal ako sa isang puno at pinilit na hindi mawalan ng malay pero ilang segundo lang ay kinain ang paningin ko ng kadiliman.

-------------------TO BE CONTINUED-------------------

A/N:

❤️ MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA! Kung ito ay iyong nagutustuhan, mag iwan ng reaksyon, like at komento sa baba!

❤️KEEP SAFE AND ILY EVERYONE!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now