Seen thirty four

420 29 6
                                    

Misha Keziah

Nandito ako ngayon sa dining room, tahimik na nakaupo sa harap ng lamesa. Nakatitig lang ako sa upuan kung saan naka upo si Bella nung huli kaming mag-usap. Ilang araw na rin ang lumipas pero parang kahapon lang nung magkasagutan kami. Akala ko magiging okay na kami once na makapag-explain na ako pero akala ko lang pala. I didn't expect her to just stand up and leave.

"Stupid." Saad ko bago isubsob ang mukha ko sa lamesa.

I'm a complete moron. I always need space for myself, and as a result, she's grown used to my absence. Hindi ko naman siya masisisi, lalo na ngayon na nasira ko na talaga yung tiwala niya. Tama naman lahat ng sinabi niya, aminado ako doon. I've always pushed and pulled on her, and now she's pulling herself away from me.

Napatayo ako nang biglang tumunog ang door bell. Alam kong malabo na si Bella 'yon pero gusto ko pa rin umasa. Nagmamadali na binuksan ko ang pintuan ko pero agad din bumagsak ang balikat ko nang makita ko kung sino.

"Grabe naman dude, hindi mo man lang itago yung disappointment mo nung makita mo ko." Naiiling na saad ni Je bago pumasok at lagpasan ako. "Nagluto ako ng maraming sisig tapos may dala akong 1.5 na softdrink. Tara food trip tayo."

Tamad na sinara ko ang pinto at sumunod sa kaniya. Dapat siguro hindi na ko umasa sa susunod, maling desisyon.

"May kanin ka ba?!" Sigaw nito mula sa kusina.

Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa bago sumandal sa may bungad ng kusina. "Oo, may laman yung rice cooker."

"Dude! Cheer up! Alam mo kaya kita pinag day off ngayon, dahil diyan sa busangot mong mukha." Tinuro niya ko gamit ang pang sandok sa kanin. "Malas 'yan sa negosyo! Ilang araw ka ng ganyan."

"Sorry, everything is just going shitty these past few days." Naghila ako ng upuan at pabagsak na umupo dito.

"Dahil na naman kay Bella? Eh may sira ka rin sa ulo. Noon, iiwas-iwasan mo tapos ngayon hahanap-hanapin mo." Tumalikod siya at nagsimulang magsalok ng kanin sa lagayan. "Alam mo tatahi-tahimik lang ako sa tabi pero alam kong iniiwasan mo siya noon ah. Pinapasabi mong wala ka pero nandoon ka naman sa kusina parang tanga na nagtatago."

As expected, masyado rin naman kasi akong halata pag nagtatago sa resto. Kaya hindi malabo na mapansin ni Je lahat ng pagsisinungaling na ginawa ko, wag lang magpakita kay Bella.

Lumapit na ito sa lamesa at nilapag ang isang lagayan ng kanin. "Hindi ka ba napapagod?" Tanong niya bago pumunta sa lagayan ng mga pinggan.

"Napapagod, pero mas nauna siyang napagod sa'kin. Can't blame her tho."

"Exactly!" Napatingin ako sa kaniya dahil sa biglang pagsigaw niya. "How ironic na ikaw 'tong puro takbo pero siya 'tong unang napagod. Hindi naman kasi masama na mag focus ka sa sarili mo eh, wag mo lang aasahan na pag binalikan mo yung iniwan mo ay isang sorry lang matatanggap ka na agad. Tuloy wala ka nang nabalikan. Hindi naman siya convenience store na 24/7 open."

Nilapag nito ang plato, baso, at kutsara't tinidor sa lamesa. "Isa't kalahating tanga ka rin eh."

"Alam ko, wag mo na ipamukha." I sighed deeply. "Maybe I deserve all of this."

"Oo deserve mo talaga."

"Hayop ka hindi mo man lang ako kinontra."

Nagsimula na siyang magsandok ng kanin. "You know me, dude. Flowery words don't exist in my vocabulary."

Which is true, he's a straightforward person, unlike me, who is a coward. Never nangialam si Je sa mga problema ko, ngayon pa lang. Kaya inaasahan ko na agad na magsasabi siya ng mga masasakit na bagay para lang magising ako sa katotohanan.

Dear Author: Loving You In Secret (GxG)Where stories live. Discover now