Seen eighteen

401 30 18
                                    

Bella Chloe

"Bella, umuwi ka muna at baka hinahanap ka na ng parents mo." I felt tita's hand on my right shoulder. "You didn't go home last night. Ako na bahala dito."

I was awake all night worrying about K's safety and hoping Misha would show up. Kaya kahit hindi ako pinayagan ni mom I still pushed on staying here. I'm pretty sure makakarinig ako ng sermon pag-uwi.

"I'm okay tita." I faced her and gave her a faint smile, "ako po muna magbabantay. You can go home po muna and rest. Baka ikaw naman po yung magkasakit."

"You sure?" Tumango ako. "Thank you talaga hija, I'll be back." Pinanood ko siya hanggang sa makalabas na siya ng room.

Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng room. Dahil kami lang ni K dito tapos ang sarap pa ng tulog niya, ramdam ko ang bigat ng mga pangyayari. My gaze fell on K. She's slimmer and paler, yet she's still beautiful. I sighed. Pati ako nagda-doubt na rin kung magiging okay pa ang lahat.

I shook my head para alisin ang mga negatives na sumasagi sa isip ko. "Don't think negatively, Bella. Hindi nakakatulong."

Eto na naman ako, kinakausap ang sarili. Kailangan ko na ata mag-rest. Yung malayo sa lahat. I need vacation para pati utak ko manahimik, kahit saglit lang. Pero paano tatahimik kung hindi pa nagpaparamdam yung isa? Nakakainis naman! Hanggang ngayon wala pa rin siyang text.

I shut my eyes and rested my head on the side of the bed. I should take a nap instead of having an absurd thought. Baka baliw na ang madatnan ni tita.

Hinayaan ko ang sarili ko na magpadala sa antok. I need this baka sakali paggising ko hindi ko na kinakausap ang sarili ko.

The noise of plastic roused me from sleep. I yawned. "Nakapag-pahinga po ba kayo, tita?" Inaantok na tanong ko.

Nakaramdam ako ng pangangawit sa leeg ko kaya naman I cautiously opened my eyes while raising my head tsaka umunat. Nag-stretch pa ako para gisingin ang sarili. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko at naiwan ko pa sa ere ang mga kamay nang mabungaran ko ang hazel eyes na nakatingin sa'kin habang may hawak itong plastic.

"M-misha?" Something in me has woken, pushing me to get up quickly. Dahil sa pagmamadali I almost fall because I forgot about the chair behind me at sa biglang pagkahilo ko.

I think nabigla ako sa pagbangon ko. Bigla-bigla na lang kasi bumibilis ang tibok ng puso ko sama mo pa na nahihirapan akong huminga.

I bit my lower lip when she just stared at me. Why has she become so intimidating? I noticed that her eyes had darkened but remained warm.

"Kanina ka pa? Have you eaten? Do you wanna sit?" Sunod-sunod na tanong ko. Umurong pa ako para igaya siya sa inuupuan ko kanina.

I chastised myself for being so dumb. Why do I feel this way? Why do I feel so nervous? Hindi naman ako ganito sa kaniya no'n? So why now?

Instead of responding, she rummaged through the plastic in her hand and pulled something from the bag, tsaka inabot sa'kin without looking at me. Inabot ko ito ng wala sa wisyo at nakatitig lang sa kaniya.

When she looks at me, I look down and only linger to look at the sandwich I'm holding. Nag-nap ako para hindi maging baliw, but look at me now? Para naman akong tanga nakatayo dito na kinakabahan. I breathed in and breathed out.

Dear Author: Loving You In Secret (GxG)Where stories live. Discover now