Seen twenty two

437 34 6
                                    

Bella Chloe

Today is my first day at work! I'm excited and nervous at the same time. Trainee pa lang naman ako, and will be like that for 3 months. Pero sabi nung nag interview sa'kin nung nakaraan, may chance na maaga ako magiging regular kapag maganda ang performance ko. I'll just do my best and let them see what I'm capable of. I have earned a degree in multimedia arts. I opted to work as an animator because I enjoy drawing just as much as I do writing. In the future, I aim to create my own cover. I could if I wanted to, but I don't have enough confidence.

Busy ako sa pag-aayos ng gamit ko nang maalala ko ang naging dinner date namin ni Misha two days ago. Should I even call it a date? Baka mamaya ako lang pala nag-iisip na date 'yon. This is bad, lahat na lang ino-overthink ko. I also blew the opportunity I had that night to ask her what had happened a year ago. Why did she leave all of a sudden? Sa araw pa mismo kung kailan kailangan na kailangan siya ng mama ni K.

I let out a sigh. "I should ask her next time." I mumbled to myself.

For now, I need to focus on my work. Bawal maging lutang sa first day, dapat maganda ang first impression nila sa'kin. I checked myself in the mirror before grabbing my handbag with my car keys.

"Papasok ka na?" Tanong ni kuya nang makasalubong ko siya sa baba ng hagdan. "Hindi ka mag breakfast?"

"Hindi na, baka ma-traffic ako. Thanks for asking tho! Bye Achilles!" I kissed him on the cheeks before I went to my car.

"Ingat ka! Good luck!" Sigaw ni kuya mula sa front door. Kinawayan ko siya bago pumasok sa loob ng kotse ko.

To spice up my morning, I switched on some music. Dadaan na lang ako sa drive thru to buy some coffee and bread. Hindi naman ako pala breakfast so it's fine. Mas mabuti na makarating ng maaga kaysa ma-late. As I said earlier, I don't want to make a bad impression on my first day at work.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng building ay kitang-kita ko na ang mga empleyado na nagmamadali sa pagpila sa elevator. So this is how my mornings will go every day?

"Excuse me?" Napalingon ako sa kanan ko nang may babaeng nagsalita. Lumingon pa ko sa likod ko dahil baka mali lang ako ng akala. "Yes, ikaw ang kinakausap ko." Natatawa niyang saad.

She's a beauty, mestiza at chinita. Feeling ko hindi siya pure blooded pinoy tulad ko. She's taller than me too, two or one and a half inches, I think? Pero mas matangkad siyang tignan dahil sa high heels niya. I think we're just the same age.

Nahihiya na lumapit ako sa kaniya. "May I help you?" Siguro bago din siya katulad ko.

"Ikaw si Bella Chloe Ohara?" Tumango ako. "I am Maeve Liang, your senior in charge sa training mo." Ngumiti ito ng malapad at nilahad ang kanang kamay niya sa harap ko.

Malugod ko naman itong tinanggap. "Nice to meet you po. Good morning, ma'am."

"Mas maganda ka pala sa personal na 'no? I already saw your resume, that's why I recognized you easily." She motioned me to walk with her. "Let's use the VIP elevator." Ngumiti ako sa kaniya at tahimik na sumunod.

Nadaanan namin ang mahabang pila ng elevator para sa mga employees, at kada isang empleyado ay binabati siya. Sa dulo na elevator kami sumakay, pagpasok namin ay isinara niya agad dahil wala naman kaming kasunod.

"This elevator is for VIPs and higher ups of this company." Tinuro niya ang sarili niya. "Counted kaming mga senior do'n. Ang tahimik mo naman masyado, chill ka lang hindi ako masungit." Ngumiti ito ng malapad.

"Kinakabahan lang ako. Thank you for your warm welcome. Ma'am Maeve."

"Miss Maeve na lang, masyadong formal ang Ma'am. It's normal na kabahan ka, first day mo pa lang kasi. Mangangapa ka pa sa environment mo, so, understandable." Saktong huminto ang elevator sa 11th floor. "That's why I'm here para tulungan ka na maka adjust agad. Let's go?"

Dear Author: Loving You In Secret (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon