Seen nine

630 47 8
                                    

Bella Chloe

Ngayon lang lahat nagsink-in ang usapan namin kagabi ni K. Naiinis na ginulo ko ang buhok tsaka marahan na inuumpog ko ang ulo sa manibela.

This is so embarrassing! Bakit gano'n yung reply ko sa kaniya?

It is like I rejected her at the same time, not? May ganon ba? Para bang nahihiya lang akong i-reject siya totally, but that's not what I meant though.

Nah, I'm just being overly dramatic. Yup! That's right. I just have to carry on like nothing happened. All I had to do was exit my car, enter Li Café, and place my customary order. Easy peasy.

Binuksan ko ang car door and stepped my left foot on the floor na agad ko rin pinasok at nagmamadali na isara ang pinto nang makita ko si K na nagse-serve. Kitang-kita ko sa glass wall kung paano ito napatingin sa car ko. Nagtataka siguro siya kung bakit kanina pa ako nandito.

Breathe in, breathe out.

Bakit ba kasi ako nahihiya? Umamin lang naman siya. Hindi naman magiging awkward kung hindi ako maga-act na parang ewan ngayon.

"Ay frog!" Napahawak ako sa dibdib ko nang may kumatok sa kabilang window. Tinignan ko ang lapastangan na gumulat sa'kin.

Yas was trying to peer inside my car through the tinted windows. Isn't she a complete moron? She is aware that no matter how many times she looks inside, the tint prevents her from seeing anything. Yet here she is, making a valiant effort. Nagmumukha tuloy siyang tanga. Muntik na ako matawa nang siya naman ang magulat at napaatras dahil sa biglang pagbaba ko ng window.

Nagsungit ito nang maka-recover siya. "May balak ka pa bang bumaba diyan?" Tinaasan niya ako ng kilay tsaka gumawi ang tingin niya kay K na nakatingin na rin sa'min. "Oh balak mo pa magpasundo kay K?"

I grimaced as I got out of my car and entered the Li Café. Even though my hands were as cold as ice, my heart was as loud as a blaring speaker. I'm fairly certain I'll start acting robotically in a matter of minutes when K is around.

Pagpasok ko si K agad ang unang napansin ng mata ko na nasa counter, waiting with a smile. I can tell she's smiling behind the mask because of her expressive eyes.

"Yas ikaw na muna mag-order." Tinulak ko si Yas palapit sa counter at iniwan na lang siya basta. Nagmamadali kong tinahak ang usual spot namin.

See! Kahit ilang beses ko na kinausap si self na mag-act na normal pero ayaw naman sumunod.

"Babe, what's happening? Why do you look like a dumb monkey who has no idea what's going on?" Tinitignan niya ako na para bang may alam na sa nangyayari sa'kin ngayon. Matapos itong makaupo ng maayos sa harap ko, hinampas niya ang table dahilan nang pagkakuha ng attention ng ibang nandito. Nag-sorry naman siya bago muling humarap sa'kin.

I sighed. What am I gonna tell her? Kahapon lang sabi ko mabilis, but why am I acting like this? Hindi ako makatingin kay K. Kinakabahan ako!

"I'm asking you, babe. Libre lang sumagot." Saad niya sabay irap.

Tumingin muna ako sa counter para tignan kung nando'n si K. Nang hindi ko siya makita humarap ako kay Yas.

"K confessed to me last night," I said. I was waiting for her to react but she didn't say anything kaya ang ending parehas kaming natahimik.

Dear Author: Loving You In Secret (GxG)Where stories live. Discover now