Seen fourteen

453 34 11
                                    

Bella Chloe

Still, in the wee hours of the morning, I headed to the store to buy some fruit for K. I planned to give her a visit before heading to school. Ibibigay ko lang naman 'tong prutas tapos kausapin siya saglit.

I can't seem to quit yawning while driving. Sobrang aga ko naman kasi nagising. Kahit si yaya at mama nagulat nang makita akong gising ng ganitong oras. Mom even checks my temperature if I am alright. She said it was so unusual that I woke up on my own, tapos sobrang aga pa. Ngayon lang kasi nila ako naabutan ng ganitong oras. Madalas kasi pag umaalis ako, hindi pa sila gising.

Pagkarating ko sa supermarket, binili ko agad ang mga prutas na kailangan ko. I hope this time, K will wake up to eat this. Puro na lang kami ni tita ang kumakain everytime na dumadalaw ako. Once I was done, I went straight to the hospital.

"Good morning po, tita." I closed the door behind me. Lumapit ako kay tita at nag mano.

"Good morning din sayo. Ang aga mo na naman, iha. Maaga na naman ba pasok mo?"

Nilapag ko ang mga prutas sa mesa. "Opo, kaya maaga ako dumalaw."

"Nako nag abala ka pa. Dapat after class mo na lang."

"Ayos lang tita. Bumili po ulit ako ng mga prutas, may uubusin na naman tayong dalawa."

Natawa si tita pero agad din nawala nang madako ang tingin niya kay K. "Sanay naman akong palagi siyang tulog pero hindi ko pa rin maiwasan kabahan para sa anak ko."

"Don't worry tita, she's going to wake up soon."

"Umagang umaga ang lungkot ko." Natawa siya ng bahagya. "My daughter wouldn't want this. She's going to scold me, for sure." Pumunta si tita sa bag niya at parang may kinukuha. "Bibili lang ako ng kape, ano sayo?"

I shook my head. "Thanks po, but I'm good."

"Maiwan muna kita ah? Sandali lang ako."

After Tita had left, I took some fruit and washed them in the sink. I gather a plate and a knife before settling into the chair next to K. Yet again, she is dozing off peacefully. I stared at her intently before I began peeling the orange in my palm.

I started talking to her like I normally do. "Good morning, K. Your dreams must be lovely. Masyado ka kasi nage-enjoy sa pagtulog. Kwentuhan mo ko pagka gising mo ah? I'll listen attentively." I took a quick glance at her before I continued what I was doing.

"Alam mo ba si mama kanina gulat na gulat nang makitang gising ako ng ganito kaaga. Well, kahit ako nagulat na kaya ko pala. But my mom's reaction was too much, she even thought that I was sick." I let out a small laugh. "I'm lucky that Achilles is not up earlier. Kasi panigurado gagatungan no'n ang pang aasar ni mama."

"I-i see."

Natigil ako sa pagbalat ng orange nang may marinig akong boses. My heart is starting to pound like crazy. Did I hear it right? I slowly looked at her and my heart started to beat faster when our eyes met.

How can I explain it? Her eyes are so beautiful, I can't find the right words to describe them.

"H-hello." She smiled weakly.

Doon lang ako natauhan. Agad agad kong binitawan ang hawak ko sa malapit na lamesa bago tumawag ng nurse mula sa intercom. Nang muli kong tignan si K ay nakapikit na ulit ito.

"K?" I called her. "May masakit ba sayo? Gusto mo ba ng tubig? Wh-"

Pinatong niya ang kamay niya sa kamay ko na nasa gilid niya. She didn't say anything and her eyes were still closed. I think she's just assuring me that she's fine. Maya maya pa ay may pumasok na mga nurse at doctor para tignan siya.

Dear Author: Loving You In Secret (GxG)Where stories live. Discover now