19 : Who's Crazy?

2.3K 99 18
                                    


 Chapter 19 : Who’s crazy?

“T-Tama na! Parang awa mo na!” pagmamakaawa ng isang lalaki. Payat ito at halatang mahina ang pangangatawan. Isiniksik niya ang maliit na pangangatawan sa sulok ng silid habang sinusubukang protektahan ang ulo sa may hawak na martilyo na si Danielle.

Nasa isang dump site sila ngayon ng paaralan kung saan itinatambak ang mga nasirang gamit gaya ng mga upuan, lamesa at iba pa. May ilan ding mga sirang sasakyan ngunit wala nang nag-aayos sa mga ito. It looked like this place had been abandoned for a long time as some of the tools used to repair damaged items were also rusted.

Ito na ang naging hide-out nilang magkakaibigan simula nang madiskubre nila ang lugar na ito. Isang perpektong lugar para sa kanila.

“T-Tama na, please!

Hindi naman maipaliwanag ni Danielle ang nararamdaman, lalo na sa tuwing naririnig niya ang mga pagmamakaawa nila. Tinignan niya ang martilyong hawak niya bago napaisip.

“This is not the right tool. Wait.” Ibinato niya ang hawak na martilyo at muling bumalik sa kinaroroonan ng mga kasangkapan. Hanggang sa tumigil ang mata niya sa kinakalawang nang pliers.

Abot-taenga ang ngiti niyang inabot ang pliers. Muling napatingin sa payatot na lalaki na hindi pa rin nawawala ang panginginig. Basag na ang ilong nito matapos niyang suntukin sa mukha ng paulit-ulit.

“Patingin ng ngipin mo,” nauulol na saad niya.

Mas lalong namutla ang lalaki sa narinig. Mas lalo siyang napasigaw nang sunggaban siya ni Danielle. Pinipilit na hawakan ang mukha niya. Buong lakas naman siyang nagpumiglas rito hanggang sa maramdaman niya ang kamao ng binata sa mukha niya. Nasundan pa ito ng isa dahilan upang tuluyan na siyang manghina.

“P-Patawarin mo ako. T-Tama na,” hagulgol nang pagmamakaawa niya. Nahihilo na siya at anumang oras ay mawawalan siya ng malay.

“This is what you get for messing up with me,” natatawang saad ni Danielle.

Mas lalo siyang napahiyaw sa daing nang maramdaman ang pliers na ipit-ipit na ang ngipin niya sa harap.

“Ahh!”

Napuno ng halinghing at paghagulgol niya ang buong paligid nang tanggalin ni Danielle ang ngipin sa gilagid niya. Hindi pa nakuntento ang binata at tinanggal pa ang isa. Ngayong ay nalalasahan na niya ang dugong lumalabas sa bibig niya. Tumutulo na rin ang kulay pula niyang laway mula sa bibig niya.  Gustuhin man niyang sumigaw ng tulong ay alam niyang wala rin itong kuwenta. Masyadong isolated ang lugar upang puntahan pa ng mga estudyante.

Kung sana ay hindi niya tinanggap ang mission na nakawin ang uniporme ni Danielle ay wala sana siya sa sitwasyong ito. Umiikot na ang paningin niya. Wala pang ilang segundo ay kinain na siya n dilim.

Umalis si Danielle sa pagkakapatong sa lalaki. Hindi rin nagtagal ang maririnig na halinghing dito dahil tuluyan na itong nawalan ng malay.

“Tsk,” inis niyang singhal. Malakas niyang sinipa ang lalaki ngunit hindi na ito gumawa ng ingay.

Napasabunot siya sa hanggang leeg niyang buhok habang nakapikit. Ang akala niya ay magtatanggal ang lalaking ito ngunit wala pang tatlumpong minuto ay wala na itong malay. Gusto pa sana niyang marinig ang mga pagdaing nito sa sakit ngunit mabilis din itong nawalan ng malay kagaya ng iba pang naging biktima niya bago ang lalaking nakahandusay ngayon sa harap niya.

“Hah…” malalim siyang napabuntong hininga. Isa lang ang taong tumagal sa kaniya.

Si Allison.

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now