24 : The Runaways [1]

1.1K 51 14
                                    

Chapter 24 : The Runaways

“Malayo pa ba?” reklamo ni Maureen. “Do you guys even know where are we heading?”

“Alam mo, imbes na magreklamo ka, maglakad ka na lang,” naiinis nang sabi ni Brent. Mula pa kanina ay rinig niya ang mga atungal ni Maureen.

Napalunok si Maureen at mahigpit na niyakap ang braso ni Kyla.

“But it’s already midnight. Imagine? We’ve been walking non-stop since sunset. Gabing-gabi na, oh? And we’re in the middle of nowhere. I shouldn’t have gone with you,” sabi pa niya. “Safe sana ako kung hindi ako sumama sa inyo.”

“Edi, bumalik ka. Wala namang pumipigil sa ‘yo,” iritadong tugon ni Brent.

“Kyla, oh. He’s been mean to me since earlier,” naiiyak na sabi ni Maureen.

“Is that a cabin?”

Sa halip na sagutin ni Kyla si Maureen ay itinuro niya ang natatanaw niyang ilaw sa hindi kalayuan.

“OMG. We can ask for help na,” masayang sabi ni Maureen.

“Let me check first,” ani Brent.

Dahil dalawa ang hawak nilang patalim para protektahan ang mga sarili nila, ibinigay ni Daylon kay Brent kanina ang patalim na hawak ni Alice habang nanatiling nasa kaniya ang nakuha nila sa lalaking sumugod sa kanila.

Napatingin si Daylon kay Alice nang maramdamang gumalaw ito. Agad niya itong ibinaba sa lupa at tinignan ang kalagayan niya.

“Are you okay?” tanong niya nang makita ang pagdilat ng dalaga.

Kununot naman ang noo ni Alice at hinawakan ang ulo niya nang maramdaman ang paghapdi nito. May maliit na basag sa bungo niya dahilan para mawalan siya ng malay. If she was as normal as them, she might have died from striking her head.

Natigilan siya nang mapagtantong siya ang nagising sa halip na si Allicanaih. The main owner of their body might have been in deep sleep after Yno injected her with the drug.

Napatingin siya kay Daylon. If it was not because of him, she might have killed all of them around the woods. It had been a long year since she decided to give up the body and let Allicanaih live. And now, controlling the body on her own was much more difficult than before. Killing or harming more than one person might trigger the mindless demon inside their body. Yet, she just massacred people a few hours ago.

Pansin niya ang pamumutla ni Daylon. Malamang ay dahil iyon sa sugat na idinulot niya. Kung hindi maaagapang gamutin ang sugat nito ay baka bumigay ang katawan ng binata. Kevin’s body always give up whenever she directly draws blood from him. He had to take some medicine made by the organization to avoid it. Daylon was no different from him.

Wala siyang matinong sagot kung bakit nangyayari iyon. She was just like a poison, and he was the cure. She would contaminate him at some point by drawing blood directly from him.

Lumapit sa kaniya si Kyla at hinawakan siya sa kamay.

“Nahihilo ka pa ba?” tanong ni Kyla.

“Guys, no one’s there–”

Sa halip na sagutin ang dalaga ay mabilis niyang inagaw ang patalim ni Daylon at ibinato sa lalaking paparating.

Mabilis na nanigas si Brent sa kinatatayuan niya nang dumaan sa paningin niya ang matalas na bagay.

Napatingin siya sa likod niya nang makita ang pagbaon ng isang patalim sa punong nasa likod niya. Unti-unti ay naramdaman niya ang hapdi sa pisngi niya.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Mar 04 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

The Nerd's Twin SisterNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ