14 : Bitten

2.4K 84 9
                                    


Chapter 14 : Bitten

"Shit!" mura ni Alice nang makita ang nanginginig nitong mga kamay. Hawak pa rin niya ang patalim kahit nakalayo na siya sa locker room. Napatingin siya sa paligid niya. Wala siyang makitang kahit isang estudyante, isang bagay na ipinagpapasalamat niya.

Kanina pa niya hinahanap si Kevin. Hindi alam kung saang lupalop niya ito hahanapin gayong napakalawak ng paaralang ito.

Napahawak siya sa pader nang mas lalong bumigat ang paghinga niya. Ang lamig ng pakiramdam niya. Sumasabay din ang panginginig ng katawan niya. She was losing control of herself. Where the hell is Kevin?

Mahigpit niyang hinawakan ang patalim at hindi nagdalawang-isip na ibaon ito sa palad niya.

'Not enough. Not enough,' saad niya sa isipan niya. Kulang pa rin ang hapding nararamdaman niya.

Ang akala ay nagawa na niyang pakalmahin ang sarili niya matapos umalis sa silid na iyon. Nagawa niyang pigilan ang sarili niya sa kabila nang ginawa niya sa lalaking iyon.

Bumagsak ang sarili niya sa sahig. Napasandal sa pader at niyakap ang sarili. Basa pa rin ang buo niyang katawan.

"Alice?!" Ilang saglit pa ay narinig niya ang boses ni Kevin kung saan. "Alice! Where are you?!"

Gusto niyang magsalita ngunit nawawala na siya sa huwesyo. Mas lalong niyang idiniin ang patalim sa palad niya. Tumutulo na ang dugo niya mula rito ngunit tila wala man lang ito sa kaniya.

"Alice!"

Ilang saglit pa ay narinig niya ang mga yabag ng paa patungo sa kaniya. Isang malaking tuwalya ang bumalot sa buo niyang katawan.

"Alice, are you okay?!" nag-aalalang tanong ni Kevin, lalo na nang makita nito ang patalim. Agad naman nitong tinanggal sa kamay niya.

"Y-You hurt yourself again," hindi makapaniwalang saad ni Kevin.

"Where have you been?" mahina ngunit galit niyang saad.

"Napag-tripan ako," tugon nito. "Nang dumating ako doon, wala ka na. There's a lot of blood there. I tried to find you everywhere but you're nowhere to be found. Bakit ba hindi mo ako hinintay-"

"You are talking too much," inis na aniya. Marahas niyang hinila ang kuwelyo ng damit nito dahilan para matanggal ang dalawang butones ng damit nito. Agad na lumantad ang balikat ng binata.

"Alice––" Bago pa man magawang magsalita ng binata ay marahas niyang kinagat ang balikat nito.

Napadaing naman si Kevin dahil sa ginawa nito. Goddamnit! Hindi pa magaling ang huli nitong kinagat sa kaniya ngunit kinagat siya nitong muli sa mismong parteng iyon!

Muli siyang napadaing sa sakit, hindi mapigilang yakapin si Alice.

Sa kabilang banda . . .

Napamura na lamang si Daylon nang hindi na nakita ang hindi pa nakikilalang dalawang lalaki. Napamewang siya kasabay ng kaniyang pagsinghal. Inis na napatingin sa kisame. Ilang minuto siyang nanatili sa kinatatayuan niya hanggang kumalma siya.

Si Allison.

Muli siyang napatingin sa daan patungo sa cafeteria. Wala sa sariling naglakad pabalik. Hindi na niya namamalayang tumatakbo na siya pabalik ng cafeteria. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Sari-saring emosyon ang namumuo sa dibdib niya. Anong nangyari kay Allison pagkatapos niyang umalis?

Pagdating niya sa cafeteria ay wala na si Allison na inuupuan nila kanina. Ang kaibigan ni Allison ay naiwan pa rin doon, patuloy na kumakain. Hindi pa rin nawawala ang mga hiyawan at halakhak sa loob ng malawak na cafeteria.

Nandilim ang mukha niya nang tumigil ang mata niya kay Van na nakatingin din sa kaniya. Blangko lang ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kaniya. Ilang saglit pa ay bahagyang gumalaw ang dulo ng labi nito bago nagpatuloy sa pagkain.

Marahan naman siyang napailing bago umatras at umalis sa cafeteria. Nasaan na ba sina Allison? Wala rin si Kevin, malamang ay magkasama sila.

Ilang minuto niyang hinanap ang hinanap ang dalawa. Halos maubos na niya ang bawat restroom ng gusali. Hindi naman maaaring dalhin ni Kevin si Allison sa dormitoryo gayong bawal ang lalaki sa dormitoryo ng mga babae.

Ilang saglit ay natigilan siya nang may matanaw na dalawang tao sa hindi kalayuan. Dahil sa kulot na buhok ng lalaki ay alam niyang si Kevin ito. Malamang ay si Allison ang nasa harap nito. May nakapatong na tuwalya sa ulo ni Allison, halos matakpan ang buong katawan. Lalapit sana siya nang makita ang paghila ni Allison kay Kevin. Sa isang iglap, narinig niya ang pagdaing ni Kevin at niyakap ang dalaga.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Nanlalaki ang mga mata kasabay nang pag-awang ng bibig niya. Pakiramdam niya ay nasemento siya sa kinatatayuan niya, lalo na nang magtama ang mga mata nila ng dalaga. Ang lamig ng titig nito habang kagat-kagat ang balikat ni Kevin.

Sa oras na iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili niyang kainin ng kuriosidad para sa dalaga. Ngayon ay sigurado siya. Hindi siya si Allison.

KINAGABIHAN . . .

"Any update?" malamig na tanong ng isang lalaking may katandaan na. Sa mukha nito ay masasabing lagpas kuwarenta na ito. Gayunpaman, hindi pa rin maitago ang kisig nitong taglay. Maayos ang tila basa at kasusuklay lang na buhok. Maganda pa rin ang pangangatawan at eleganteng tignan sa kaniyang mga postura. Nakasuot siya ng pormal na damit. Nakapasok ang isa nitong kamay sa bulsa ng slacks nito habang may hawak na sigarilyo ang isa. Nakatingin siya sa labas ng halos abot kisameng bintana.

Sa sulok ng silid kung saan walang liwanag, nakatayo ang dalawang lalaki. Parehong nakasuot ng itim na damit at maskarang may desinyo ng nakakatuwang mukha ng pusa. A guy with 6 feet height, a pair of twilight eyes, and a slim body. The other one was a guy with 6'4 feet height, a pair of ink eyes, and a weight of 200 pounds.

"Still the same," the guy with a twilight eyes replied. "But we can see a little change."

"Nais mo pa rin bang ipaligpit siya, Ama?" tanong ng binatang may malaking pangangatawan. Sa laki at lalim ng boses nito ay halos umalingaw-ngaw sa lawak ng apat na sulok ng silid.

Umismid ang lalaking tinatawag nilang Ama.

"That was the plan," tugon nito. "But I guess we have to let her live for now."

Lumingon ito sa dalawang nakamaskarang lalaki suot ang matamis nitong ngiti.

"Keep an eye on her," utos nito. Pinatay nito ang paubos nang sigarilo sa ashtray na nakalapatong sa mesa nito. Umupo sa swivel chair at pinaikot upang tignan ang bintana.

Sa labas ng bintana, makikita sa baba ang malawak na stadium. Sari-saring ingay ang maririnig dito. May ilang sigawan, halakhak, iyakan, at halinghing. May maririnig ding mga tunog ng mga bakal. Hindi mawawala ang mga sumisigaw ng tulong at nagmamakaawa.

Napako ang tingin nito sa dalagang nasa gitna ng stadium. Hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan nito. Hindi na makilala ang kulay puting sando nito dahil sa mga mantsya ng dugo. Kapansin-pansin ang paghahabol nito sa kaniyang hininga habang hawak ang isang tubo na gawa sa bakal. Maraming katawan ang nasa paligid nito, namimilipit sa sakit at ang iba ay wala nang malay. Pagod na ito, ngunit nanatili ang blangko nitong ekspresyon. Gayunpaman, walang nagtatangkang sumugod dito.

Hindi maiwasang mapangiti ng matanda. "Interesting."

Muli siyang napatingin sa dalawang nakamaskarang lalaki. "Do everything to make her come back."

"Ama, she broke the rules. Death is the only punishment she deserves."

"Harris, my son, are you questioning me?" tanong nito, bakas ang pandidilim ng mukha.

Naitikom ni Harris ang bibig niya. Ngunit hindi nawala ang malamig niyang tingin nang tignan niya ang ama sa mata. Ilang saglit pa ay bumuntong hininga siya bago umiling. "No."

"Dismiss," malamig na saad naman ng ama. Tumango ang dalawa bago sila tuluyang kainin ng dilim.

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now