12 : First Victim [2]

2.3K 115 19
                                    


Chapter 12 : First Victim [2]
 

Hindi pa rin mapigilan nina Jiro at Arthur na matawa habang tinatanggal ang tela na nakatakip sa kanilang mukha.

“Shit! Amoy ko pa rin ang baho!” Itinapon ni Arthur ang baldeng hawak niya sa kung saan. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi nila.

“I don’t really want to do it, but game is a game. Sorry, Allison. Mahal ka namin pero mas mahal namin ang sarili namin,” natatawa pa ring saad ni Jiro.

Mabuti na lamang ay mabilis silang nakapagtago matapos silang sundan ni Daylon. Kahit kailan talaga ay masyadong pabida ang lalaking iyon.  Sabay silang napatingin sa smartwatch nila nang bigla itong umilaw.

Congratulation! Your mission was done successfully! 

Hindi maitago ang tuwa sa mukha ni Jiro nang mahina niyang suntukin ang balikat ni Arthur.  “Shite! Anong pinili mong price?” tanong ni Jiro.

Lumawak ang ngisi sa labi ni Arthur. “What do you think?
 
“Bwiset ka! Siguraduhin mo lang na hindi ka mag-iingay sa gabi!

 
Hindi nila alam kung sino ang may-ari ng larong nilalaro nila. Mahigit isang taon na rin nila itong nilalaro. Isang estudyante ang naghingkayat sa kanila na sumali sa kakaibang larong ito. Sinabi sa kanila ang mga patakaran sa laro at kung paano nagkakaroon ng benepisyo rito. Sa una pa ay ayaw nilang maniwala. Ngunit dahil na rin sa walang magawa sa paaralang ito ay hindi sila nagdalawang-isip na sumali.

Hindi nga nagsisinungaling ang lalaking nag-imbita sa kanila. Lahat ng mga gusto nilang hilingin ay nakukuha nila. Nakadepende na lang ang bagay na matatanggap nila sa misyong gagawin nila. Mas dilikado, mas malaki ang halaga. Ang hindi makagawa ng misyong tinanggap ay makararanas ng kabayaran.

Kapwa players din ang gumagawa ng consequences. Hindi pa naman nila naranasang mabigo sa misyong tinatanggap nila, ngunit naging isa sila sa mga players na gumawa ng consequences para sa mga players na nabigo. Nagmumukha lang itong bullying sa mata ng mga taong walang kaalam-alam sa laro. Ngunit para sa kanila ay binigyang kulay ng laro ito ang walang kakuwenta-kuwenta nilang buhay.

Ang akala ng mga magulang nila ay nagtitino na sila sa paaralang ito. Iyon naman ang dahilan kung bakit sila ipinadala rito, para magtino. Ang hindi nila alam ay nagsasaya sila sa loob. Nagagawa ang lahat ng gustuhin nila.

“By the way, nakita mo si Renzo? Kanina ko pa siya hindi nakikita,” tanong ni Arthur habang binabagtas ang daan patungo sa restroom. Kailangan nilang maghugas ng kamay dahil sa baho ng tubig kanal na dumikit sa kamay nila.

 
“Hindi pa. Ang sabi niya sa akin kanina ay gusto rin niya makita si Allison. Gago! Kung sino man sa ating pito ang baliw sa babaeng iyon, siya iyon!”

Natatawa naman si Arthur sa sinabi ni Jiro. Tumigil sila sa restroom at sabay na hinugasan ang mga kamay nila sa lababo. “Hindi na ba makapaghintay?”

“Tinatanong pa ba iyan?” tugon ni Jiro. Ilang saglit pa ay sabay silang natawa.

SA KABILANG BANDA, napakunot si Renzo sa sinabi ni Allison. Hindi niya maintindihan ang sinabi nito. Ilang segundo siyang napatitig sa mata ni Allison. Hindi rin ito nagpatinag sa kaniya. Ramdam niya ang kakaibang kaba sa dibdib niya. May kakaiba sa mga titig ni Allison.

“Maaaring ngayong araw ay may iaalay nga sa demonyo pero—sa araw na ito, hindi ikaw ang demonyo.

 
Ni minsan ay hindi nagsalita si Allison sa ganu’ng paraan. Napalunok siya, ilang saglit pa ay hindi niya mapigilan ang matawa. Totoo nga ang sinabi ni Jiro. Nagbago si Allison. Hindi lang sa postura o sa pagdadala ng damit, hindi lang sa kilos, pati na rin sa pananalita. Kung papipiliin siya ngayon, mas pipiliin niya ang Allison na nasa harap niya. Mukhang palaban, bagay na mas ikinatutuwa niya. Mukhang marami pa naman siyang oras para masolo ang dalaga. Inutusan niya ang ilang ka-teammates nila na harangin si Kevin. May isa naman siyang pinagbabantay sa labas ng locker room.

The Nerd's Twin SisterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang