10 : Roommate

2.3K 77 7
                                    

Chapter 10 : Roommate

Nagising si Alice nang maramdaman ang presensya ng taong nakatitig sa kaniya habang natutulog. Mabagal niyang binuksan ang mga mata niya. Hindi man lang nag-iba ang blangko niyang ekpresyon nang makita ang isang magandang babae na nakaluhod sa sahig. Nakapatong ang braso nito sa kama niya at tahimik siyang pinapanood.

Hindi man lang nagulat ang babae nang makita siyang dumilat. Sa halip ay matamis itong ngumiti sa kaniya.

"You're such an angel," tila manghang saad nito. "I mean, your face is mesmerizing. I won't be shock if you tell me you're an angel who went to land to save the world from destruction."

Kumurap siya. Hindi man nakikita sa mukha niya ang pagtawa ay nakikita naman ito sa mga mata niya. Anghel? Masyado siyang malayo sa diskripto ng isang anghel. If she was an angel, she must be a fallen angel.

Agad siyang bumangon habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa mukha ng babae. Hindi pamilyar ang mukha nito sa kaniya. Nakasuot ito ng uniporme nila kaya alam niyang estudyante ito rito.

Hindi siya kumibo ngunit bakas sa mukha niya ang pagtatanong. Mukhang napansin naman ito ng babae. Tumayo ito at umupo sa kama ni Claire.

"Ah. I'm Xarah Nicole, your new roommate."

"I already have a roommate." Sa unang pagkakataon ay nagsalita siya. Agad namang nanlaki ang mata ng babae.

"Even your voice is angelic!" natutuwang bulalas nito.

Hindi niya maiwasang magsalubong ang mga kilay niya. Kung maingay si Claire ay mas maingay ang babaeng nasa harap niya.

"And ahm yeah. Sorry, I'm not really this talkative. Masyado lang akong mahilig sa mga angels. But don't worry, I'm not weird. Also, your roommate, she has an emergency. Mukhang mawawala daw siya ng ilang araw. I'll be your temporary roommate. I'm new here and there's no available room maliban dito. Nice to meet you again," mahabang paliwanag ng babae.

Kahit sabihin ng babae na hindi ito pala-salita ay salungat sa sinasabi at ikinikilos nito. Masyado siyang mabilis magsalita para masabing tahimik itong tao.

Tumingin siya sa kama ni Claire kung saan nakaupo si Xarah. Pakiramdam niya ay taliwas ang paliwanag ng babae sa totoong dahilan kung bakit wala si Claire. Kahapon lang ay kasama niya ito. Maayos na nagpaalam si Claire sa kaniya bago sila maghiwalay. Hindi ito umuwi kahapon at ngayon ay malalaman na lamang niyang wala na ito?

"I'm Xarah Nicole," pakilala ulit ng babae.

"I heard," tipid niyang saad bago binagtas ang daan patungong banyo. Sinundan siya ni Xarah at sumandal sa pintuan ng banyo.

"And you are?"

"Allison."

"Ang tipid mo namang magsalita," rinig niyang reklamo nito. "So, you're the famous Allison Monroe?"

Hindi siya kumibo. Mukha namang kilala ang kapatid niya sa bawat sulok ng campus. Pinaandar niya ang gripo at naghilamos. Kinuha ang bimpo na nakasabit sa pader at binasa ito. Pinunasan niya ang katawan niya gamit ang basang bimpo.

NATAPOS SIYANG mag-ayos makalipas ang ilang minuto. May tatlong pares ng uniporme si Allison, lahat ay plansyado na at malinis. Ramdam naman niya ang panonood sa kaniya ni Xarah ngunit hindi niya ito pinagbigyang pansin.

"Sabay na tayong bumaba for breakfast," saad ulit ni Xarah Nicole. Tanging tango ang isinaad niya. Nakalimutan niyang kumain kahapon dahilan para makaramdam siya ng gutom.

Gaya nga ng sabi ni Xarah Nicole ay sabay silang bumaba. Muli ay nasaksihan niya ang mga titig ng mga estudyante sa tuwing napapalingon sa kanila. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa may kasama siyang bagong mukha o dahil nakikita na naman siyang tila isang sakit. Umiiwas ang lahat sa kaniya sa tuwing napapalapit sila sa mga ito.

Maingay ang cafeteria nang makarating sila. Agad silang pumila sa pila. Maayos naman silang nakakuha ng agahan sa counter at naupo sa isa sa mga bakanteng mesa.

Pahaba ang mga mesa sa cafeteria, kung kaya't kailangan makisama ng mga estudyante kahit hindi nila kilala ang mga makakatabi nila. Ngunit sa pagkakataong ito, walang tumabi sa kanila. Tanging silang dalawa lang ang umupo sa mahabang mesa.

"I think I'll love your company. Gusto ko rin ang tahimik na buhay. Look, no one's bothering us."

Hindi na siya kumibo, hindi magawang sumang-ayon sa sinabi ni Xarah. Sa tingin pa lang ng mga estudyante sa kanila ay may plano na ang mga ito na pag-tripan sila.

Dumako ang tingin niya sa tray ni Xarah nang mapansing halos gawing bundok ang tray sa sobrang daming kinuhang pagkain. Maliit lang ang pangangatawan ni Xarah. Hindi tuloy niya alam kung saan papunta ang kakainin nito. Sa halip na magtanong ay ibinalik niya ang atensyon niya sa pagkain niya.

Napatingin silang pareho sa entrance nang marinig ang mga tilian ng mga babae sa paligid nila. Bahagya namang kumunot ang noo ni Alice nang makita ang grupo ng kalalakihan na pumasok sa cafeteria. Basa sila ng pawis, animo'y kagagaling lang sa ensayo. Naka-jersey silang lahat ng may tatak na baseball. May isa pa sa kanila ang nakasuot ng glove at may isang nakahawak ng baseball bat. May ilang naka-sumbrero ng itim. Wala sa mga ito ang masasabi mong hindi kaakit-akit. Lahat sila ay Adonis kung tawagin. Kung kaya't hindi na rin kwestiyonable kung tilian sila ng mga kababaehan.

Sa kabila ng mga paghangang natatanggap nila ay tanging si Alice lamang ang malamig na nakatingin sa kanila. Pinapanood ang bawat hakbang nila.

"Grabe! I'll thank Dad for enrolling me here!" kinikilig na saad ni Xarah. Halos pasukin na ng langaw ang bibig nito kanina nang masilayan ang mga bagong dating.

Nanlaki ang mata ni Xarah nang tumingin sa direksyon nila ang isa sa mga kalalakihan. "Oh, my God! Tumingin dito ang isa sa kanila!"

Nakipagsukatan naman siya ng tingin sa lalaking tinutukoy ni Xarah. Ngumisi sa kaniya ang lalaki bago mag-iwas ng tingin. Wala naman siyang imik na ibinalik ang tingin sa kinakain niya.

Ilang saglit pa ay narinig niya ang pagsinghap ni Xarah kasabay nang pag-upo ng isang lalaki sa kaliwa niya. Kahit hindi niya tignan ay alam niyang si Kevin ito. Kabisado niya ang amoy nito kahit malayo pa lang ito sa kaniya.

"Can I sit here?"

Natigilan na lang siya nang marinig ang boses ng isa pang lalaki. Iniangat niya ang kaniyang tingin upang tignan ito. Bahagyang nagsalubong ang kilay niya. Si Daylon, tinatanong si Xarah kung puwede nitong kunin ang inuupuan niya.

"A-Ah, sure."

Mabilis na lumipat si Xarah sa isa pang upuan. Nagtama naman ang mga mata nila nang umupo si Daylon sa tapat niya. Ramdam din niya ang pagtigil ni Kevin at tumingin sa kinaroroonan ni Daylon.

Lumingon si Alice kay Kevin na nasa gilid lang niya bago muling sinulyapan si Daylon na nasa tapat niya.

"Bakit dito kayo umupo?" Hindi maitago ang inis sa tono ng pananalita niya.

"There's no available seat." Si Daylon na ang sumagot sa kaniya. Muli siyang tumingin kay Kevin, ngunit kibit-balikat lang ang nakatanggap niya rito.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya nang dumako ang tingin niya sa dulo ng parehabang mesa. Masyado pang marami ang mga upuan sa mesa para tumabi ang mga ito sa kanila.

Hindi niya tuloy maiwasang mapatingin sa paligid na ngayon ay nakatingin sa mesa nila. Hindi rin maitago ang kuriosidad sa mga mukha nila. Sino ba naman ang hindi?

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now