04 : Welcome Back!

2.8K 88 15
                                    


Chapter 04: Welcome back, Player!

Makalipas ang dalawang buwan ay gumaling na ang mga sugat niya. Sa katunayan ay walang makakapagsabi na naaksidente ito dalawang buwan na ang nakalipas. Wala man lang naiwang marka sa katawan niya. Isa ito sa mga kakaibang nagagawa ng katawan niya. Nagagawa nitong hilumin ang sugat niya nang hindi man lang ginagamot. Mas mabilis ding gumaling ang mga ito kaysa sa mga ordinaryong tao. Iyon din ang dahilan kung bakit wala siyang peklat sa leeg sa kabila nang tinamo niyang sugat sa kamay ng mga lalaking iyon noong bata pa siya.

Hindi niya alam kung paano niya nasikmura ang pananatili niya sa bahay ng mga Munroe sa loob ng dalawang buwan. Dahil madalang lang siyang umalis sa silid niya ay hindi rin niya madalas nakikita ang mag-asawa. Hindi naman nagkulang ang mga kapatid niya na bisitahin siya araw-araw. Laging siyang tinatanong kung kamusta ang kalagayan niya.

Hindi naging madali sa kaniya ang pananatili rito. Maliban sa ilang beses siyang pinapainom ng gamot araw-araw ay dinadalaw din siya ng isang psychiatrist para tignan ang mentalidad niya. Hindi pa siya nababaliw ngunit dahil sa mga nararanasan niya ay pakiramdaman niya'y ganap na nga siyang baliw.

So, Allison was experiencing depression? I thought she was enjoying her life with the support and love of her beloved family.

Kung ganu'n ay hindi lang pala siya ang naging miserable. Kahit ang kakambal nito ay hindi naging maganda ang buhay sa puder nila. Gayunpaman, hindi niya maiwasan ang hindi isipin kung nasaan na nga ba ang kakambal at kung paano siya napadpad sa puder ng mga Munroe.

Ate, Wake up!

Nagising na lamang siya nang yugyugin siya ng nakababatang kapatid. Ayaw man niyang gumising ay mas lalo siyang kinuyog ni Ross. Inis siyang bumangon at masamang tumingin rito.

What the hell is your problem?!” naiinis na niyang bunto.

Nakalimutan mo na ba? Babalik ka sa school ngayon,” saad nito. Napakunot naman ang noo ko. Nag-aaral pa pala si Allison?

Naihanda na nila ang mga gamit mo. Maligo ka na para maihatid ka ni Kuya,” dagdag pa nito.

Bakit kailangan pa ng gamit?” taka niyang untag.

Nakalimutan mo na ba? Boarding school ang DU.

Mas lalong kumunot ang noo niya. Sa pagkakaalam niya ay isang paaralan ang DU na para sa mga batang kailangan ng disiplina. Doon mahahanap ang mga kabataang wala nang patutunguhan sa buhay. Ngayon ay alam na niya kung ano ang dahilan ng depression ni Allison. Kung sa ganoong klaseng paaralan ka dadalhin ay hindi malabong papasok ka ng maayos at lalabas na baliw.

Bago pa lang ipinatayo ang DU. Magdadalawang taon pa lang ito ngayong taon. Dahil na rin gobyerno ang gumawa nito, sa tulong na rin ng mga malalaking kompanya, ay naging sikat ito sa mga tao. Mayaman man o mahirap, maaring pumasok dito. Ang tingin pa ng iba ay hindi ito isang paaralan kung hindi isang rehabilitasyon. Walang nakakapasok dito nang hindi man lang dumadaan sa matinding proseso.

Hindi siya kumibo at nagtungo sa banyo. Siguro ay pipiliin na rin niyang manatili sa paaralang iyon kaysa manatili sa pamamahay na ito. Doon ay malaya siyang makakagalaw.

NAPATINGIN SIYA sa repleksyon niya sa salamin matapos niyang magbilis. Maluwag ang blusa nito. Hanggang takong niya ang haba nito. Hindi niya alam kung sa paaralan siya papasok o sa kumbento. Itinali niya ang buhok niya at isinuot ang walang gradong salamin. Hindi niya alam kung anong pakulo ni Allison ngunit lahat ng mga salamin nito ay walang grado. Nagpapanggap lang ba itong malabo ang mata?

Hindi man niya gusto ang suot niya ngayon ay wala siyang ibang pagpipilian. Ayaw niyang magkaroon ng hinala ang mga taong nakapaligid sa kaniya.

Pagbaba niya ay nadatnan niya si Dwight na naghihintay sa baba. Maayos na rin ang mga gamit niyang nakalapag malapit sa pinto.

“Let’s go?”

Tumango naman siya. “Yeah.

Wala pa rin siyang kibo habang nasa byahe. Pansin niya ang paminsang paglingon sa kaniya ni Dwight ngunit hindi niya binigyang-pansin. Dalawang oras bago nila tuluyang marating ang paaralan. Dumaan pa ata ang sasakyan nila sa kagubatan bago makarating sa labas ng paaralan. Hindi rin sementado ang daan patungo rito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Ang taas ng gate ng paaralan, ganu'n din ang bakod. May dalawang lalaking nagbabantay mula sa taas. Ngayon ay pakiramdam niya ay tama nga ang sabi-sabi ng mga tao mula sa labas. Hindi ito isang paaralan kung hindi isang kulungan!

Ilang saglit pa ay may lumabas na guwardiya sa gate. Lumapit ito sa kanila upang suriin sila. Hindi man lang nagsalita si Dwight. May ipinakita itong papel sa Guwardiya. Tumango naman ang guwardiya at napatingin sa kaniya. Ilang saglit pa ay sumenyas ito sa taas na buksan ang gate.

Hindi naging maganda ang pakiramdam niya nang makapasok sila sa loob ng campus. Bagaman maganda ang mga nakikita niyang mga gusali sa loob at salungat sa makikita sa labas ng paaralan, ay hindi siya mapakali. May kung anong mali sa paaralang ito.

Sa unang tingin ay mapagkakamalang normal lang. May nakikita siyang estudyante sa labas. Masaya ang kanilang mukha habang nakikipagtawanan sa kani-kanilang mga kaibigan. May mga naghahabulan na tila mga bata. May ilan namang solo flight lang. Napaka-normal para hindi maging normal sa paningin niya. Hindi siya maaaring magkamali, may kakaiba sa lugar na ito na hindi niya maipaliwanag.

Tumigil ang sasakyan nila sa harap ng girl dormitories. Iginala niya ang mga mata niya sa paligid. Napakalawak ng paaralang ito. Kahit sino ay mamamangha sa ganda at lawak ng lugar. Ang taas ng kesame ng bawat gusali. Halatang hindi ito tinipid sa materiales. Maaari bang maging ganito kaganda ang isang lugar gayong kahit anong antas ng pamumuhay ang mayroon ka ay maaari kang pumasok?

Allison, hanggang dito na lang ako. Hindi kita matatawagan dahil sa pinagbabawal sa paaralang ito. I'll try to talk to Mom na i-transfer ka sa ibang school after graduation, saad ni Dwight. Agad naman siyang tumango bilang tugon.

Always take care of yourself. Mahal ka ni Kuya, dagdag pa nito. Pilit naman siyang ngumiti nang yakapin siya nito. Hindi niya magawang itulak ito at mas lalong hindi niya kayang yakapin ito pabalik. Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang hinahawakan siya nang walang pahintulot niya.

Nang matapos umalis ni Dwight ay kinuha ng isang babae na sa tingin niya ay trabahador dito ang mga bagahe niya. Sinundan naman niya ito hanggang marating nila ang silid na tinutuluyan niya.

Napamaang siya. Kahit ang tinutuluyan nilang silid ay malawak pa sa inaasahan niya. May dalawang kama sa loob nito. Kung ganu'n ay may makakasama siya sa silid na ito?

Nagpaalam sa kaniya ang babaeng nagdala ng bagahe niya matapos nitong ilagay ang bagahe sa loob ng closet. Umupo naman siya sa isa sa dalawang kama kung saan niya nakita ang mga litrato ni Allison. Binuksan ang drawer ng side table nito.

Nagsalubong ang kilay niya nang makita ang isang gadget dito. Cellphone? Ang akala niya ay hindi maaring gumamit ng telepono sa loob ng paaralang ito. Bakit mayroong ganito si Allison? Hinawakan niya ito ngunit hindi niya inaasahan ang pag-ilaw nito.

Verifying user . . .

Logging In . . .

Logged In Successfully!

Welcome back, Player! It is a pleasure to have you back! Would you like to start a mission?

Yes | No

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now