08 : Jealousy?

2.4K 88 10
                                    


Chapter 08 : Jealousy?

Natagpuan na lang ni Alice ang sarili niya sa loob ng isang cubicle. Ang bigat ng bawat paghinga niya. Ang lamig din ng buong pakiramdam niya. She's trying to come out, huh?

Ito ang dahilan kung bakit hindi niya nais na manakit. Nagwawala na lang bigla ang demonyong nasa loob niya. Ang gamot na dapat na magpapakalma sa kaniya ay wala siya. Matagal na siyang hindi nakapanakit ng tao simula nang makilala niya si Gwen at ang pamilya nito. Sa maikling panahon ay nagawa niyang magbago at naging normal ang buhay niya. Sa unang pagkakataon ay nahanap niya ang gusto niyang gawin sa buhay niya, ngunit hindi rin nagtagal ang pantasya niya nang mahanap siya ng organisasyon. They're trying to erase her existence.

Damn! Someone will be killed right now if I cannot do something to calm myself!

Tinanggal niya ang salamin niya upang makakita ng maayos. Nandidilim na ang paningin niya. Ilang minuto mula ngayon, alam niyang hindi na siya ang kokontrol sa katawan niya.

Naalarma siya nang marinig ang pagpasok ng isang tao sa loob ng restroom. Rinig niya ang mga yabag nito patungo sa kinaroroonan niya. Ilang saglit pa rinig niya ang pagbuhos ng tubig.

This scent . . .

Unti-unti niyang binuksan ang pinto ng cubicle upang tignan ang taong nasa labas. Hindi nga siya nagkamali.

Isang lalaking nakatalikod sa kaniya. Hinuhugasan ang mga kamay nito sa lababo. Dahil sa salamin na nasa lababo ay kita niya ang repliksyon ng maamong mukha ng lalaki. Magulo ang kulot nitong buhok, gayon din ang puting polo nito. Ang dalawang butones na nasa taas ng polo nito ay hindi nakabutones dahilan para masilayan niya ang balagat at kaunting bahagi ng balikat nito.

Hindi na siya nagdalawang isip na buksan ang cubicle. Mabilis naman niyang nakuha ang atensyon ng binata. Napaawang ang labi nito at lumingon sa kaniya.

"A-Allison?" hindi makapaniwalang tawag nito sa pangalan niya. "W-What are you doing here? This is not the restroom for women."

Sa halip na sumagot ay naging seryoso ang mukha niya. Mabilis siyang nagtungo sa binata at hinila papasok sa cubicle nang marinig ang pagpasok ng isa pang tao sa restroom.

"Kevin?" tawag ng taong pumasok sa lalaking kasama niya.

Napalunok si Kevin nang marinig ang boses ni Daylon. Ramdam niya ang kabang namumuo sa dibdib, lalo na nang mapagtanto ang posisyon nila ni Alice. Nakaupo siya sa nakasarang toilet bowl habang nakaupo sa hita niya ang dalaga. Mas lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso niya nang maramdaman ang hininga nito sa leeg niya.

"What did you call me again?" malamig na tinig ng dalaga na nagparamdam sa kaniya ng libo-libong bultahe.

"A-Alice," bulong niya. Muli siyang napalunok nang maramdaman ang labi ng dalaga sa balikat niya.

"A-Alice . . ." muling sambit niya sa pangalan nito.

"You'll save more than one life tonight. Don't move," bulong nito.

Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya nang kagatin siya ng dalaga. Ramdam niya ang hapdi sa balikat nito, sinyales na nasugatan na ito ng dalaga. Agad ding nawala ang hapdi nang sipsipin nito ang sugat.

"Kevin, I know you're here," muling ani Daylon na nasal abas.

Napasinghap siya kasabay nang pagyakap niya kay Alice. Pakiramdam niya ay natutunaw siya sa ginagawa ng dalaga. Ang init ng pakiramdam niya, gayon din ang tila nanghihina ang katawan niya sa ginagawa nito. Gustuhin man niyang umungol ay ayaw niyang marinig ito ni Daylon na nasa labas lang.

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now