09 : A Present

2.4K 92 17
                                    


Chapter 09 : A Present

Isang malamig na hangin ang sumalubong kay Alice nang buksan niya ang silid nila. Mabilis na kumunot ang noo niya nang mapansing walang tao sa loob. Patay ang ilaw na animo'y wala pang nakakapasok dito simula nang iwan nila ito noong umaga.

Where is Claire?

Sa halip na tanungin niya ang sarili niya tungkol sa taong wala ay pumasok siya sa loob at pinailaw ang paligid. Muli siyang natigilan nang mapansin ang kakaibang amoy sa loob ng silid. Mukhang nagkamali siya. May taong pumasok ng silid nila at alam niyang hindi ito si Claire. Iba ang naiwang pabango sa paligid sa pabango ni Claire.

Dumako ang tingin niya sa kama niya. May nakalapag ditong isang regalo. Kulay puti ito na may asul na ribon. Nagtungo siya rito at binuksan.

Muling nagsalubong ang kilay niya nang makita ang isang uniporme sa loob. Madumi ito na may halong mantsya ng dugo. May ilang litrato sa loob nito. Naagaw ng atensyon niya ang maliit na sticky notes na nakadikit sa box.

'Hope you like my Little present, from a beloved friend.' - L

L? Umismid siya. Hindi ko alam na may kaibigan pa pala ang kapatid ko.

Muli niyang tinignan ang nilalaman ng box. Kinuha ang blusang may mantsya ng dugo. It has Allison's scent. It was hers.

Ibinaling niya ang tingin niya sa mga litrato. Mabilis namang nandilim ang mukha niya nang makita ang nilalaman ng litrato. Napatiim-bagang siya kasabay nang pagkuyom niya sa kamao niya dahilan para makusot ang mga litrato. It was a picture of Allison, almost naked, with more than five guys.

Ipinikit niya ang mga mata niya at ibinalik ang litrato sa loob ng kahon. Iniiwasan niyang makaramdam ng puot. Ibinalik din niya ang blusa sa kahon. Nang maisara niya ito ay nagtungo siya basurahan at hindi nagdalawang-isip na itapon.

Blangko ang mukha niya nang ibagsak niya ang sarili sa kama. Pilit na binubura sa isipan niya ang nakita ngunit kahit anong pilit niya ay hindi niya maiwaksi sa isipan niya ang litrato ni Allison. Hindi niya inaasahang ganu'n kalala ang naranasan ng kapatid niya sa paaralang ito.

She clenched her jaw. It was their parents' fault. If they didn't enroll Allison in this school in the first place, Allison would not experience those horrible things!

"Allicanaih, meet your sister, Allison. She's your other half. You should protect each other because both of you are destined to be together, forever."

Muli siyang bumangon at lumingon sa basurahan kung saan niya itinapon ang kahon. Hindi maipaliwanag ang kakaibang bigat sa dibdib niya. Kahit anong pilit niyang hindi makaramdam ng galit ay hindi niya magawa. Mapait siyang napangiti. She was her other half, but it does not mean they should share a miserable fate. Allison should be leading a normal life just like everyone else.

Tumayo siya at muling kinuha ang kahon mula sa basurahan. Tinanggal niya ang takip at hindi nagdalawang-isip na tignan muli ang mga litrato.

Hindi nagbago ang blangko niyang ekspresyon ngunit bakas ang galit sa mga mata niya. Masyadong malinaw ang mga kuhang litrato para hindi niya makilala ang mga tao sa litrato. Ngayon ay kahit hindi niya kilalanin ang mga lalaki sa litrato ay makikilala niya ito sa oras na dumapo ang tingin niya sa mga ito.

Nagtungo siya sa drawer na nasa gilid ng kama niya. Binuksan ito at kinuha ang maliit na gadget. Mabilis naman itong umilaw pagkahawak na pagkahawak pa lang niya.

Welcome back, Player! It is a pleasure to have you back! Would you like to start a mission?
Yes | No

"Seems like old habits won't be easily forgotten."

Isang pagkakamali ang ipakita sa kaniya ang mga litrato. Kahit ang kapalit ay ang katinuan niya, hahanapin niya kahit saang sulok pa sila nagtatago.

HATING GABI NA ngunit hindi pa rin mawala-wala sa isipan ni Daylon ang nakita niya kanina. Patay na ang ilaw sa silid nila, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog. Sa tuwing ipipikit niya ang mga mata niya ay mukha ni Allison ang nakikita. Ang malamig na titig ng kulay putek nitong mga mata na nagiging dahilan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya ngayon. Anong ginawa sa kaniya ni Allison at ganito na lamang ang epekto nito sa kaniya? Bakit nakakaramdam siya ng libo-libong bultahe sa tuwing magdidikit man lang ang balat nila? At ngayon ay hindi man lang niya maalis sa isipan niya ang mukha nito?

Bumalik siya sa sarili nang marinig ang pagbangon ni Kevin mula sa kama nito. Ipinikit niya ang mga mata niya at nagkunwaring tulog.

Mag-iisang taon na rin niyang kilala si Kevin. Tahimik lang ito dati at hindi nakakausap kung hindi kakausapin. Iyon ang kaisa-isang bagay na nagustuhan niya rito. Bata pa lamang siya ay mas mahilig na siyang manatili sa tahimik na lugar kaysa makisalamuha sa maraming tao.

Ngayon lang niya napagtanto, sa halos isang taon na nakasama niya si Kevin ay wala siyang alam sa buhay nito. Kung may kapatid ba ito? Ano ang dahilan kung bakit siya napadpad sa paaralang ito? At kung paano sila naging malapit ni Allison?

Napailing siya nang maalala na naman si Allison. Mukhang kinakain na ni Allison ang sistema niya!

Rinig niya ang paglabas ni Kevin sa silid. Agad naman siyang bumangon. Kunot-noong tumingin sa orasan. Malapit nang mag-alauna na ng madaling araw. Anong gagawin niya sa labas nang ganitong oras?

Sa halip na magtanong ay sinundan niya ito sa labas dahil sa kuriosidad. Curfew sa oras na ito at mahigpit na pinapairal sa paaralang ito ang patakarang iyon. Walang sinuman ang maaaring sumuway sa patakarang iyon kahit siya na presidente ng disciplinary committee. Anong ginagawa ni Kevin sa labas?

Gusto niyang magmura. Sa unang pagkakataon ay nagawa niyang labagin ang patakaran ng paaralang ito. Simula nang pumasok siya rito ay naging sunod-sunuran siya sa mga nakatatanda. Nais niyang makapagtapos ng tahimik at walang nilalabag na batas sa paaralang ito. Iyon ang naging kasunduan nila ng ama.

Maingat niyang sinundan si Kevin. Ganu'n na lamang ang pagtataka niya nang pumasok si Kevin sa paliguan ng mga lalaki. Maliligo ba ito nang ganitong oras?

Hindi nakasarado ang pintuan papasok. Mula sa nakaawang na pintuan ay sinilip niya ang ginagawa ni Kevin sa loob. Nakikita niya ang repliksyon nito mula sa salamin. Hindi nga siya nagkamali, mukhang maliligo ito nang sinimulan nitong tanggalin ang pagkakabutones ng pantulog nitong damit. Ngayon ba siya maliligo dahil walang nakakakita sa kaniya?

Simula nang makilala niya si Kevin ay hindi niya nakita ang katawan nito. Lagi rin itong nagsusuot ng damit na mahahaba ang manggas kahit pa tirik ang araw at sobrang init. Hindi niya ito kinuwestiyon dahil hindi naman niya ugaling alamin ang buhay ng nasa paligid niya.

'I was hallucinating, right?' tanong niya sa sarili. Napaawang ang labi niya nang makita ang katawan ni Kevin sa unang pagkakataon. Wala siya sa sariling napa-atras, hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Ang katawan ni Kevin, maliban sa sariwa pang kagat sa balikat niya—his upper body was full of bitemarks.

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now