06 : First Day [2]

2.5K 88 11
                                    


Chapter 06 : First Day [2]

“I’m warning you. You’re going to lose your hand the moment you try to touch me again,” malamig na bulong ni Alice.

“Allison, let her go.”

Napatingin siya kay Mary Claire nang hawakan siya sa braso niya. Unti-unting kumalma ang mukha niya at binitawan ang babae. Hindi naman maiwasan ang mapangiti ni Mary Claire.

“Tara na,” saad ni Mary Claire.

Hinila siya ni Mary Claire palayo sa tatlo, ngunit hindi pa man sila nagkakalayo ay may humablot ng mahaba niyang buhok dahilan para mawalan siya ng balanse. Bumagsak siya sa sahig habang hinihila pa rin ng babae ang buhok niya. Pansin niya ang mabilis na pag-aligid ng mga estudyante sa kanila.

“How dare you hurt me?! A nobody like you is trying to threaten me?! Hah! Nasisiraan ka na nga ng ulo!”

“Sofie! Stop it!”

Itinulak ni Mary Claire ang babaeng tinawag nitong Sofie dahilan para mabitawan ang buhok niya.

“Claire, stop being a saint! Napaka-plastik mo!” bunto ni Sofie kay Mary Claire.

“Sofie, puwede ba?! Tumigil ka na! Walang ginagawang masama sa iyo si Allison para ganituhin mo siya!”

“Shut up! She threatened me first! Nasisiraan na iyang kaibigan mo sa ulo!”

Sa halip na sumagot si Claire ay lumapit ito sa kaniya, inalalayang tumayo. “Are you okay?”

Okay?

Umismid siya. Bukod sa ayaw niyang hinahawakan siya na walang permiso niya ay pinakaayaw niya rin ang inaatake siya patalikod.

“Yeah,” tugon niya bago lumingon kay Sofie. “But someone will not.”

---***---

SA KABILANG BANDA, hindi maiwasan ni Daylon ang pagtataka niya habang pinapanood kanina si Allison na palayo sa kaniya. Napatingin siya sa kamay na ginamit niya sa pagpigil niya rito. Hindi pa rin niya maipaliwag ang kakaibang kuryenteng idinulot sa kaniya ng dalaga nang tanggalin nito ang pagkakahawak niya sa manggas nito.

Ang mga titig nito, ibang-iba sa Allison na nakilala niya. Kahit saang anggulo tignan ay hindi niya makita sa dalaga ang Allison na nakilala niya. Ni minsan ay hindi tumitig si Allison nang ganu’n sa kaniya. Kakaiba. Sa tingin pa lang ay mararamdaman na ang kaba sa kabila ng inosente nitong mukha.

Napailing na lamang siya at muling pinulot ang mga papel na nasa sahig.

Matapos niyang ilapag sa mesa ng guro ang mga test paper ay binagtas niya ang daan palabas ng Faculty Office. Napatingin siya sa pupulsuhan niya nang makitang umilaw ang smartwatch niya.

 
A new mission!
Stop the fight at B12 Lobby. Would you like to proceed?
Yes | No

B12 Lobby? Napatingin siya sa hindi kalayuan. Ilang hakbang lang ang layo sa kaniya.

“Yes,” pagdiklara niya.

You have 10 minutes to complete the mission. The time starts now!

Nagmadali siyang nagtungo sa lobby. Nandilim ang mukha niya nang makita ang nangyayari sa lobby. Nakita niya si Allison na nakaupo sa sahig habang pinapaligiran ito ng mga tao. Nanatili siya ng ilang minuto sa kinatatayuan niya para panuorin ang mga pangyayari. Ilang saglit pa ay tinulungan ni Claire si Allison na tumayo.

The Nerd's Twin SisterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang