17: Who is She?

2.2K 85 10
                                    


Chapter 17 : Who Is She? [1]

Nagising si Alice nang may kumatok sa mesang tinutulugan niya. Nasa sulok-sulukan siya ng library kung saan madalang lang makita ang tao. Kaya laking pagtataka na lamang niya nang may gumising dito.

Ini-angat niya ang ulo niya upang tignan ang naglakas-loob na gisingin siya. Hindi nagbago ang blangko niyang ekspresyon nang makita ang isang lalaki. Base sa suot nitong umiporme ay estudyante ito sa paaralang ito. Hindi ito pamilyar sa kaniya. Hindi pa siya nag-iisang linggo sa paaralang ito, kaya’t kaunti pa lang ang mga taong pamilyar siya.

Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa. May pagka-kulay ginto ang buhok nito, kapansin-pansin ang kulay berde nitong mga mata, maayos ang pormahan, at mukhang matino.

Kumurap siya nang senyasan siya nitong sundan ito. Hindi naman siya nagdalawang-isip na sundan ang binata. Kung may intensyon man itong masama sa kaniya ay wala siyang pakialam. Ang mga ganu’ng klase ng tao ang nagpapakati ng kamay niya.

Malawak ang library katulad ng iba pang mga pasilidad. Puno ito ng napakaraming libro at mukhang kukulangin ang isang oras upang malibot ang kabuuan nito.

Sinundan niya lang ito hanggang marating ang isang pintuan sa loob ng library. Tumingin pa muna ang lalaki sa paligid bago ito buksan. Sumunod naman siya sa loob.

Maliit ang espasyo ng loob ng silid ngunit sakto ang anim na katao dito. May isang study table, whiteboard na naglalaman ng ilang litrato at dyaryo, isang couch, at dalawang single na bangko. Bukod sa lalaking nagdala sa kaniya rito ay may tatlo pa itong tao sa loob ng silid. Dalawang babae at isang lalaki.

Napatingin naman ang mga ito sa kaniya nang pumasok sila. Napatayo pa ang isang babae habang nanlalaki ang mga mata nito.

“Allison!” gulat nitong bulalas. Kahit ang dalawa pa nilang kasama ay laglag ang panga habang nakatingin sa kaniya.

Hindi pa man ito nakakapag-bigay ng reaksyon ay lumapit na ang babae sa kaniya at niyakap siya. Hindi naman siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Hinayaan ang babae na yakapin siya. Hindi niya gusto ang hinahawakan siya ng walang permiso niya ngunit sa pagkakataong iyon ay hinayaan niya ang babae na yakapin siya.

Her scent smells like Gwen.

Sa maikling oras ay binigyan siya nito ng katinuan sa pag-iisip. Dalawang araw na rin simula nang maramdamang tila nagbabago na naman ang takbo ng isip niya.

Nang kumalas ang dalaga ay mangiyak-ngiyak itong hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Ang lalaking nagdala naman sa kaniya sa silid ay bahagyang umupo sa mesa.

“A-Akala ko ay hindi ka na babalik,” saad nito.

Napakurap siya at tumingin sa paligid. Lumapit naman ang dalawa pa, bakas ang tuwa sa mukha nila. Gaya niya ay naka-salamin din ang babaeng yumakap sa kaniya ngunit hindi kasing conservative ng panunuot niya, maikli ang buhok nito at hindi lalagpas hanggang balikat. May katabaan din ito. Salungat naman sa pangalawang babae. Mahaba ang buhok nito, may kolorete ang mukha, mukhang pala-ayos, at maganda ang pangangatawan. Bagay na bagay rito ang uniporme nila dahil sa mahaba nitong mga binti. Ang isa namang lalaki ay pangkaraniwan lang ang mukha nito. Hindi rin ito matangkad.

“Anong ginagawa ko dito?” kasuwal niyang tanong sa kanila. Ang tuwa sa mga mukha nila ay unti-unting napalitan ng lungkot.

“A-Alam naming ayaw mo nang maging parte ng grupong ito. B-But you are our only chance to know the truth behind this school, the truth behind those missing teenagers. Ikaw na lang ang pag-asa namin ngayong wala na rin si Randy,” saad ng babaeng yumakap sa kaniya.

Unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. Dumako ang tingin niya sa mga litratong nakadikit sa whiteboard bago muling napatingin sa kanilang lahat.

“Who are you?” tanong niya.

Bakas naman ang pagkabigla sa mga mata nila.

“Allison! What happened to you?!” hindi makapaniwalang tanong ng isa pang babae.

Napailing siya at umatras palayo sa kanila. “Sorry, but can you explain to me what is happening? Sa tingin ko ay hindi gaanong bumabalik ang alaala ko dahil sa nangyari sa akin,” pagkukunwari niya. Ni hindi niya alam kung ano ba ang buong nangyari kay Allison bago niya pinalitan ang puwesto nito.

“Oh God!”

Napasinghap siya nang yakapin pa siya ng pangalawang babae sa silid na iyon.

“Ano na ang gagawin nating ngayon kahit siya ay wala na ring pakinabang?” sarkastikong tanong ng lalaking nagdala sa kaniya sa silid.

“Brent, it’s not the issue right now!” bunto ng babaeng mahaba ang buhok.

“Maureen, ilang buwan na iyang wala sa sarili. Ngayon pa kayo manghihingi sa kaniya ng tulong?” patanong na sagot ng lalaking nagngangalang Brent.

“Tama na iyan, Brent. Hindi makakatulong sa atin ang mag-away-away ngayon,” saad ng babaeng unang yumakap sa kaniya.

“Hindi niyo alam ang pahamak na dala nito, Kyla.” Sa isang iglap ay napalitan ang ekpresyon ni Brent ng pag-aalala. “Just a few days ago,  I witnessed someone almost killed a person.”

Lahat sila ay natahimik sa sinabi ni Brent. Hindi naman umimik si Alice dahil alam na nito ang ibig sabihin ng binata. Mukhang napakaliit na bahagi pa lang ng laro ang alam nila.

“We enrolled in this school without even thinking. Ngayon ay pakiramdam ko ay nakulong na tayo sa paaralang ito. Ilang beses ko nang sinubukang lumabas, pero hindi ako nagtatagumpay. They’re just saying that this is for our own good, and part of the rules, but I know they’re just turning us as their prisoners.”

“Natatakot na din ako.” Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang lalaking huling kasama nila sa loob ng silid.

“Guys, alalahanin niyong nandito tayo para malaman kung nasaan ang mga mahal natin sa buhay. Alam kong may karapatan kayong makaramdam ng ganito, pero paano naman ang mga taong hinihintay tayo? Si Randy? Ang kapatid mo? Kuya ko na boyfriend ni Maureen? Kaibigan ni Lowe?—” ani Kyla bago tumingin kay Alice. Blangko namang  ibinalik ni Allison ang titig ni Kyla.
 
“Kakambal ni Allison.”
 
Ang blangko niyang ekspresyon ay unti-unting nabura. Napaawang ang labi niya at hindi makapaniwalang tumingin sa kanila.

“We’re all here with one goal, that is to find them.”

Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Isang pakiramdam na sa tingin niya ay bago sa kaniya. Ngayon ay gusto niyang kuwestiyunin kung ano ang pagkatao ng kapatid. Allison knew her existence.

She knew that this school was somehow connected to her. Was it the reason why she enrolled in this school? Did she enroll here based on her free will? Intensyon ba ng kakambal na pumasok sa paaralang ito—upang hanapin siya?

Allison, who really are you?

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now