02 : Insanus

3.5K 92 9
                                    


Chapter 02 : Insanus

Bumalik si Alice sa reyalidad nang mapansin ang mga litratong nakadikit sa pader ng silid ni Allison. Mabilis na kumunot ang noo niya. Litrato ng Insanus ang mga ito. Seryoso ba ang babaeng iyon para hangaan ang grupong iyon?

Insanus was an infamous group of unknown people dancing and messing around in every unexpected event. Walang nakakakilala sa kanilang pagkatao maliban sa kanilang mga myembro. Lagi silang nakasuot ng maskarang walang disenyo.

Maraming natutuwa sa kanila. Sa katunayan ay para silang artista sa tuwing sumusulpot sila sa mga lugar para lang magpasikat. Ang hindi alam ng karamihan, sa tuwing nagpapakita sila ay aasahan na ang pagdanak ng dugo. They were not just a group aiming for fame and attention. Their main goal was to get everyone's attention while they were doing their own crime.

Kung bakit alam ni Alice ang lahat ng mga ito ay dahil sila ang humahabol sa kaniya sa loob ng ilang buwan. She was part of a game they created. She got tired of it and escaped from them. Now, they could not stop until they eliminated her.

Tumayo siya mula sa kama nang maramdaman ang kumukulo niyang sikmura. Lumabas siya sa silid at hinanap ang kusina. Dinala siya ng paa niya sa sala kung saan naabutan niya si Dwight na kumakain habang nanonood ng palabas.

Anong oras na ba? Sa tansya niya ay maghahating gabi na ito. Rinig pa niya ang malalakas na pagkulog ng kidlat at ang malakas na ulan sa labas. Halatang may bagyo.

Mabilis na napatayo si Dwight nang makita siya. “Are you hungry?

“Yeah,” kasuwal niyang tugon.

You can sit here. I'll get you some food, saad nito at nagtungo sa kusina. Hindi naman siya kumibo at umupo sa mahabang sofa. Dumako ang tingin niya sa pinapanood ni Dwight. Napangiwi siya nang makita kung anong klaseng palabas ang pinapanood ng nakatatandang kapatid.

Cartoon? Seriously?

Kinuha niya ang remote control at mabilis na iniba ang channel. Hindi nagtagal ay dumating naman si Dwight dala ang ilang pinainit na pagkain. Hindi naman siya nag-atubiling maupo sa sahig at nagsimulang kumain nang hindi man lang nagpapasalamat sa nakatatandang kapatid.

You must be hungry. Isang linggo ka nang tulog sa silid mo,ani Dwight. Muli ay hindi siya kumibo at nagpatuloy sa pagnguya ng pagkain. Kailangan niya ng lakas bago umalis sa pamamahay na ito.

Are you fine now? muling tanong niya. “Take your med after. Para madaling maghilom ng mga sugat mo.

Natigilan siya sa narinig. Naningkit ang mata niyang tumingin kay Dwight. Kahit saang anggulo tignan ay tila nahihirapan siyang intindihin ang sitwasyon. Bakit tila normal lang dito na makita siyang maraming sugat sa katawan? Makikita ang pag-aalala sa kanilang mukha ngunit mababasa rin sa mga ito na hindi ito ang unang beses na nakita nilang may sugat ito sa katawan?

Kung ako lang ang masusunod, ayaw kong bumalik ka sa paaralang iyon. You don't deserve this. No one deserves what you have experienced. Don't worry, naparusahan na ang mga taong gumawa nito sa iyo. They won't bother you again, dagdag pa nito.

Napaisip na lamang siya. Ano bang klase ng buhay ang meron si Allison?

I hope you will be fine soon. I miss the old you.

Umismid siya. Paano nga ba siya babalik sa dati kung sa umpisa pa lamang ay hindi siya ang taong tinutukoy niya?

Breaking news! Pumasok na sa Philippines area ang bagyo, kaya inaasahan ang malakasang pag-ulan dito sa—

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now