15: A New Target? [1]

2.3K 93 16
                                    

Chapter 15 : A New Target? [1]

Sa sumunod na araw ay makikita sina Arthur, Jiro, Felix at ilang myembro ng baseball team sa field. Masayang nag-uusap nang umupo si Eric sa bleacher na hindi kalayuan sa kanila, isa sa mga kaibigan nila. Halatang balisa at bakas ang pag-aalala. Agad namang humiwalay ang tatlo para lapitan ang kaibigan.

"Eric, okay ka lang ba? Para kang pinatayan sa hitsura mo," biro ni Jiro.

"Parang wala kang tulog," saad naman ni Arthur.

"Hindi umuwi si Renzo kahapon," nag-aalalang ani Eric. Pareho silang natahimik. Nagpalitan ng tingin bago muling tumingin kay Eric. Sinapo naman ni Eric ang mukha.

"Ang sabi niya sa akin, gusto lang niyang makita si Allison. Inutusan pa niya akong magbantay sa labas ng locker room," kwento ni Eric. "Naka-receive ako ng mission. Iniwan ko sila sa loob. P-Pagdating ko ulit doon, wala na siya. Wala rin si Allison. May mga dugo akong nakita. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari."

Hindi nagawang magsalita nina Jiro at Arthur habang pinapakinggan ang kaibigan.

"Nag-aalala na ako. Sinubukan ko siyang hanapin pero wala. Hindi ko siya makita. Hindi ko rin makita si Allison."

"Are you sure he was with Allison before he went missing?" pang-uusisa ni Arthur.

"Hindi ako puwedeng magkamali. Nakita ko si Allison kasama si Kevin nang pumasok sila sa locker room. Umalis din kaagad si Kevin, doon na pumasok si Renzo matapos niyang sabihan kami na harangin si Kevin. Pinagbantay niya ako sa labas," mahabang paliwanag ni Eric.

"Natanong mo na ba si Danielle. Baka sa room nila natulog ang gagong iyon," ani Jiro.

Umiling naman si Eric. "Hindi. Natanong ko na siya."

"We have no choice but to ask Allison," ani Arthur. "Siya lang ang makakapag-sabi kung nasaan siya."

"Do you think that nerd will say something?" natatawang saad ni Felix, binasag ang pananahimik niya. Pare-pareho silang napatingin sa kaniya.

"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Arthur.

"Alam na natin kung anong ugali ni Renzo. Sa ating pito, he's the one who's really crazy about her. I won't even question him if he says he's fucking in love with that nerd," tugon ni Felix. Muli silang natahimik, tila alam ang ibig sabihin ni Felix.

"Malamang ay ginalaw niya ang babaeng iyon," si Eric na ang nagsalita. "Hindi magsasalita si Allison. Makita lang tayo ng babaeng iyon. Nanginginig na siya sa takot. Hindi na siya matinong kausap noong huli natin siyang nakita."

"But you said you saw blood?" untag ni Arthur.

Tumango naman si Eric. "Pero hindi ko alam kung kay Renzo iyon o kay Allison."

Muli silang natahimik. Nagpalitan sila ng tingin.

"Paano kung may nilabag si Renzo? Or he failed a mission?" pagbasag ni Arthur sa katahimikan matapos ang isang minuto.

"You know it's impossible, Arthur. Kilala mo si Renzo. Hindi siya pumapasok sa bagay na alam niyang hindi niya kaya," pagsalungat ni Jiro.

"Ang babaeng iyon ang puwede lang na makasagot sa atin. Kung kailangang takutin siya para magsalita, hindi na ako magdadalawang-isip," tiim-bagang na saad ni Eric.

Mahalaga sa kaniya si Renzo. Kababata niya ito at pamilya nito ang kumupkop sa kaniya nang mawala ang mga magulang niya. Sa katunayan ay wala naman siyang dahilan upang pumasok sa paaralang ito. Matino siya at maayos ang kaniyang grado sa huli niyang pinapasukan. Sinundan lang niya dito si Renzo upang bantayan.

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now