16 : A New Target? [2]

2.2K 103 19
                                    


Chapter 16 : A New Target?[2]
 
Fifteen hours ago . . .

“Kaya mo na ba ang sarili mo?” tanong ni Kevin matapos nitong ihatid si Alice sa labas ng dormitoryo nila.

Hindi sumagot si Alice. Sa halip ay naglakad siya patungo sa loob ng dormitoryo. Wala namang katao-tao maliban sa isang lady guard na nagbabantay sa tapat ng dormitoryo. Balot pa rin ng tuwalya ang kaniyang katawan. Halos matuyo na rin ang basang damit sa kaniyang katawan.

Nang dumating siya sa kanilang silid ay muli niyang naamoy ang isang pamilyar na pabango. Bahagyang gumalaw ang gilid ng labi niya. Mukhang may pumasok na namang munting daga sa kanilang silid.

Pumasok siya sa loob. Napako agad ang tingin niya sa kulay putik na envelope na nasa ibabaw ng kama niya. May asul itong ribon na katulad ng regalong natanggap niya noong unang gabi niya sa paaralang ito.

Naglakad siya patungo sa kama at kinuha ang envelope. Sa loob nito ay may nilalamang mga papeles. Nakasaad dito ang ilang impormasyon ng mga partikular na estudyante—Mga estudyanteng gumalaw kay Allison.

Renzo, Felix, Jiro, Danielle, Eric, Arthur—

Tumigil ang mata niya sa huling litrato. Vander.

Umismid siya. “Someone is trying to provoke the hell out of me, huh?”
 

 
P R E S E N T . . .
 
Wala sa kanila ang gustong magsalita matapos ipasok ang walang malay na si Arthur sa loob ng ambulansya matapos nitong mawalan ng malay. Kailangan nitong dalhin sa hospital. Halos hindi na makilala ang puti nitong uniporme dahil sa walang tigil na paglabas ng dugo sa ilong nito. Gusto sana nilang sumama ngunit ipinagbabawal sa kanila ang lumabas ng paaralan.

Muling nagtama ang mga mata ni Eric at Allison.

“Kasalanan mo ang lahat ng ito!” angil ni Eric. Akmang susugurin niya si Allison nang pigilan siya ng mga kaibigan.

“Eric! What are you doing?!” bunto ni Felix.

“Nakita ko siya, pare! Nakita ko kung paano siya ngumiti bago niya paluin ang bola!” galit niyang sigaw. Nagpumiglas siya sa mga kaibigan ngunit hindi hamak na mas malakas ang mga ito sa kaniya.

“Eric! Can you calm down?! Hindi nakakatulong ang pagwawala mo!” sita sa kaniya ng Coach nila.

Galit siyang tumingin kay Allison. Tila mangiyak-ngiyak naman itong nakatingin sa kaniya. Alam niyang nagpapanggap lang ito. Hindi siya puwedeng magkamali nang makita niya ang pagngisi nito bago paluin ang bola.

Muli niyang naalala si Renzo dahilan para mas lumala ang galit na nararamdaman niya. “Tangna! Anong ginawa mo kay Renzo?! Nasaan si Renzo?!”

“Eric! Ano ba?! Hindi ka na nakakatulong!” saad ng Coach nila. “Jiro, hilain mo iyang kaibigan niyo palayo dito!”

“Bitawan niyo ako! Sabi nang bitawan niyo ako!” Sinubukan niyang magpumiglas sa mga kaibigan niya ngunit hindi siya nagtagumpay.

Bago sila tuluyang makalayo sa lugar ay muli niyang nasilayan ang pagbabago ng ekspresyon ni Allison. Mula sa nakakaawang ekspresyon ay napalitan ito ng mapang-asar na ngiti. Tumalikod ito at nilisan ang lugar.

The Nerd's Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon