11 : First Victim [1]

2.2K 154 17
                                    


Chapter 11 : First Victim [1]

Naningkit ang mga mata ni Alice habang nakatingin kay Daylon. Wala man lang itong reaksyon habang kumakain sa harap niya. Umaakto itong normal lang na makita itong kasama siya sa iisang mesa. Pinagtitinginan na sila ng mga tao na nasa loob ng cafeteria. Kahit sino ay magtataka. Alam nila kung ano ang namagitan kay Daylon at Allison.

Wala siyang sama ng loob kay Daylon. Kahit sino ay gagawin din ang ginawa nitong pag-iwas kay Allison. Sino ba namang tao ang gustong aligiran ng isang baliw?

Umismid siya. "You won't mind if I become obsess with you again?"

Natigilan naman si Daylon sa pagkain at tumingin sa kaniya. "Be obsessed, then. Let's see what will happen."

Muli nitong itinuon ang tingin sa kinakain at muling nagpatuloy.

Ilang segundo niyang tinitigan ang binata. Bahagyang sumilay ang ngisi sa labi niya dahil sa sinabi nito. "Sorry, but I lost interest. You don't have the thing I want."

Kumunot ang noo ni Daylon. Lalo na nang lumingon siya sa gawi ni Kevin na tahimik lang na kumakain sa gilid niya. Mukhang walang interes sa pinag-uusapan nila. Mas lalo tuloy lumaki ang ngisi sa labi niya. Alam niyang nakikinig ito sa kanila. Si Xarah Nicole naman ay wala talagang pakialam. Abala ito sa isang bundok nitong pagkain.

"Right, Kevin?"

Natigilan si Kevin sa pagkain. Inosente ang mukha nitong napatingin sa kaniya. Bahagyang gumalaw ang gilid ng labi nito, ngunit ilang saglit pa ay tumango bago muling kumain.

Hindi naman maitago ni Daylon ang inis niya. Ano ba ang namamagitan sa kanilang dalawa at parang matagal na silang magkakilala? Ang alam niya ay hindi rin pinapansin noon ni Kevin si Allison.

Pakiramdam niya ay ibang tao ang nasa harap niya. Hindi ganito magsalita si Allison. Mahinhin itong magsalita at malumanay. Hindi rin ito marunong magbiro at nahihiya sa tuwing kaharap siya. Ngayon ay hindi man lang makita sa kulay putik nitong mga mata apeksyon para sa kaniya. How could she be so different after two months of her disappearance?

Pang-dalawang araw pa lang ng dalaga sa paaralang ito. Isang araw pa lang ay nakuha na nito ang atensyon ng kalahati ng unibersidad. Alam niyang hindi lang siya ang nakapansin sa malaking pagbabago nito. Ngayon ay kinakain na siya ng kuriosidad para sa dalaga.

Tahimik silang kumain nang biglang may lumapit sa kanilang dalawang lalaki. Natatakpan ng tela ang mga mukha nito kaya't hindi makita ang mga mukha nila. May dala silang isang balde na naglalaman ng kung ano.

"Watch out!"

Sinubukan ni Daylon na hilain si Allison ngunit huli na ang lahat. Tuluyan na ngang bumuhos ang tubig kanal kay Allison. Napatayo naman si Kevin na nasa tabi ng dalaga. Mabilis ding nakatayo si Xarah kasama ng pagkain nito. Mukhang wala itong gustong intindihin maliban sa pagkain. Mas nauna pang tumayo bago pa man maibuhos kay Allison ang tubig.

"You! Stop there!"

Hindi nakinig ang dalawa kay Daylon. Humahalakhak silang umalis ng cafeteria. Napatingin naman si Daylon kay Allison na nakapikit lang na nakaupo sa silya nito. Hawak pa rin ang kutsara at tinidor nito. Hindi man lang mabasa sa mukha niya ang kahit anong emosyon. Nakapikit lang ito.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Daylon sa hindi pa nakilalang dalawang lalaki at kay Allison.

"Shit!" Sa huli ay napag-desisyunan niyang habulin ang dalawa.

Naaawang tinignan ni Kevin si Alice. Halos hindi na ito makilala dahil sa itim na tubig kanal. Nakapikit pa rin ito. Kalmado man itong tignan ngunit alam niyang hindi makakabuti kung mananatili sila sa loob ng cafeteria. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas ng cafeteria. Hindi na inisip kung mahawaan man siya ng mabahong tubig kanal.

Naiwan naman si Xarah na lumipat lang ng mesa upang ipagpatuloy ang pagkain. Rinig niya ang pagsinghap ng mga tao sa loob ng cafeteria at ang ilang bulungan. May ilan ding tumatawa dahil sa nasaksihan. Napalingon siya sa grupo ng baseball players na nakatingin din sa direksyon nila. Bakas ang tuwa sa mga mukha nila.

"Don't open your eyes until we reach the restroom," saad ni Kevin. Mukhang nakinig naman si Alice sa kaniya at hindi nito binuksan ang mga mata.

Nang matanaw niya ang locker room ng mga varsity ay binuksan niya ito. Alam niyang wala pang tao sa loob nito nang ganitong oras. Pumasok sila sa loob hanggang sa shower room. Pinatayo si Alice sa tapat ng shower at agad na binuksan ang daluyan ng tubig. Unti-unti namang nawala ang maitim na tubig kanal sa katawan nito, ngunit nanatili pa ring pikit ang mga mata.

"Wait here. I'll get you something to wear," saad ni Kevin.

Nagdadalawang-isip pa na iwan ang dalaga. "I promise, I'll be quick."

Iniwan niya si Alice nang nakapikit pa rin ang mga mata.

SAMANTALA, nang iwan ni Kevin si Alice ay hindi pa rin ito gumalaw sa kinatatayuan niya. Ramdam na naman niya ang pagbigat ng hininga niya. Kahit papaano ay napapakalma siya ng malamig na tubig, ngunit hindi ito sapat para pigilan ang nagwawala sa loob niya. Her sanity was slowly declining. She could not stop herself once someone try to approach her now.

Lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin siya gumagalaw. Rinig niya ang pagbukas ng pinto ng shower room ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata niya.

Unti-unti ay lumapit ang mga yabag ng paa sa direksyon niya. Alam niyang hindi ito si Kevin dahil sa amoy nito. Simula pa noon ay matalas na ang pag-amoy niya. Ni minsan ay hindi pa siya nagkakamali ng hula.

Ilang saglit pa ay tumayo ito sa likod niya. Hinagkan ang mahaba niyang buhok hanggang sa balikat niya.

"Mukha ngang may nagbago sa iyo," saad ng lalaki sa likod niya.

Mabagal naman niyang binuksan ang mga mata niya. Unang bumungad sa kaniya ay ang repliksyon niya sa salamin na nakadikit sa pader. May mga butil ng tubig ang salamin ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi makita ang mukha ng lalaki. Sinong walang utak ang nangahas na pasukin siya sa ganitong kondisyon?

"Alam mo namang teretoryo namin ito pero dito ka pumunta," bulong nito sa tainga niya.

"Para mo na ring inialay ang sarili mo sa demonyo," dagdag pa ng lalaki bago humalakhak.

Tanging titig ang ibinigay niya rito. Ramdam ang marahang pagpisil ng lalaki sa balikat niya dahilan para maging doble ang pagbigat ng hininga niya. Ang bilis ng pagtakbo ng puso niya ngunit nanatiling blangko ang ekspresyon niya.

Ipinikit niyang muli ang mga mata niya, hindi mapigilan ang sarili na matawa. Kung sinusuwerte nga naman? Hindi pa niya nagagawang hanapin ang mga ito pero lumapit na ang isa sa kanila.

Muli niyang binuksan ang mga mata niya. "Maaaring ngayong araw ay may iaalay nga sa demonyo pero—"

Tumigil siya at lumingon sa lalaki na may mapaglarong ngiti. "Sa oras na ito, hindi ikaw ang demonyo."

________.

Kamusta ang 20 loyal readers ko? Huehue. Feel thankful for reading this work. Hope you have a great day today! Luvyuol.

The Nerd's Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon