07 : First Day [3]

2.5K 151 19
                                    


Chapter 07 : First Day [3]

Naging tahimik naman ang mga sumunod na oras ni Alice bago sumapit ang gabi. Bagaman ramdam niya pa rin ang ilang mga titig sa paligid ay hindi niya pinagbigyang-pansin. Nagpaalam naman si Claire sa kaniya nang sumapit ang gabi. Kailangan niyang pumasok sa dagdag na dalawang oras ng klase niya. Damn this special class! She wanted to lie on her bed and sleep already.

Habang nakikinig sa klase ay palihim niyang tinignan ang buong klase. Pinagmasdan ang bawat mukha ng mga kaklase at ang guro na nasa harap. Ang paaralang ito, kung hindi siya nagkakamali ay konektado ito sa organisasyon. These students were not here to study, they were being studied here. She could not help but laugh to herself.

It seemed like she just dug her own grave.

Mabilis siyang tumayo nang matapos ang klase. Hindi man kita sa ekspresyon sa mukha niya ay nagdiriwang ang kaibuturan ng kaniyang damdamin dahil sa pagtatapos ng klase. Sa wakas ay mararamdaman na rin niya ang malamig niyang kama!

Paalis na siya nang harangin siya ng isang lalaki dahilan para mabilis na mandilim ang mukha niya. Lalo na nang masilayan ang malokong ngisi nito. Dumako ang tingin niya sa likod ng lalaking humarang sa kaniya. May dalawa pa itong kasama.

Bumuntong-hininga siya nang mapansing sila na lamang ang tao sa loob ng silid-aralan, wala emosyong tumingin sa lalaking nasa harap niya. Matangkad ito ngunit payat. Singkit ang mga mata at may kalakihan ang nasa gitnang dalawang ngipin.

"Na-miss ka namin, Allison. Bakit hindi muna tayo maglaro kasama ng mga kaibigan ko?"

Rinig niya ang halakhak ng dalawang mataba na nasa likod nito. Mas lalong dumilim ang mukha niya nang hawakan siya nito sa balikat. Again?

Pumikit siya at yumuko. "Tanggalin mo ang kamay mo o tatanggalan kita ng kamay?" malamig niyang turan.

Unti-unting nawala ang ngisi sa labi ng lalaki. Kakaibang kaba ang idinulot sa kanila ng malamig na boses ni Allison.

"Hah! N-Nagpapatawa ba 'to?" tumawa ang lalaki, pilit na itinatago ang kabang namuo sa dibdib. Nakitawa naman ang dalawa pa niyang kasama.

"I'll give you ten seconds to take off your hand. Ten, nine, eight . . ."

Nataranta ang lalaki nang magsimulang magbilang si Allison. Napatingin siya sa mga kaibigan niyang nakatingin lang sa kaniya at hinihintay ang kaniyang gagawin.

"Seven, six, five, four . . ."

Matapang siyang tumingin kay Allison. Hindi maitago ang inis dahil sa kakaibang inaasal nito. Alam nilang duwag ang dalaga. Kahit anong gawin dito ay hindi ito lumalaban at iniiyakan na lang ang lahat.

"Aba't sino ka ba sa iniisip mo?!"

"Three, two . . . One."

Akmang pagbubuhatan niya ng kamay si Allison nang biglang mawala ang ilaw. Wala pang isang segundo ay naramdaman niya ang kamay na humawak sa braso niya. Bumagsak siya sa sahig nang patirin siya nito. Sa isang kisap-mata, narinig sa apat na sulok ng silid ng pagbali ng buto kasabay nang malakas niyang palahaw. Bago pa man kumalat ang ingay ay naramdaman niya ang sapatos sa bibig niya.

The Nerd's Twin SisterWhere stories live. Discover now