"Kumusta ka na kaya? Nurse ka na ba? Kasi ako isang ganap na teacher na. Sobrang saya ko na nagtuturo na ako ngayon sa isang public school. Nasubukan ko na rin na mag-volunteer sa ibang lugar para magturo."

Kung noon, umiiyak ako kapag kinakausap ko ang ring na bigay niya. Ngayon ay sobrang saya ko, masaya ako kasi na kahit sa ganitong paraan. Alam kong sinamahan niya ako.Ngumiti ako at tumingin sa malayo. Pagkatapos niyang makauwi sa Canada ay nawala na ang communication namin. Kahit kay Ice ay wala na silang communication. Hindi ako galit o naiinis. Naiintindihan ko siya, alam kong pangarap niya rin ang pinag-uusapan tungkol sa pagpunta niya sa Canada.

Tumayo na ako at binitbit ang bag ko. Halos malagutan ako ng hininga sa nakita ko.

"OMG! NASAAN 'YONG ISA KONG BAG?! NANDOON ANG CLASS RECORD KO!" Tinignan ko sa ilalim ng upuan, sa harapan ko, sa gilid ko.

"NAWAWALA!"

Mabilis akong lumingon sa likod ko at natigilan ako. Gulat ako na tumitig sa lalaking nasa harap ko.

"Hinahanap mo ba ito?" Hindi ako nakasagot.

Mabilis siyang umupo sa tabi ko at inabot sa akin ang hinahanap ko. 

Sobrang laki nang pinagbago niya naging mas masculine ang katawan niya. Mas lalo siyang naging gwapo sa mata ko. Medyo lumalalim ng konti ang boses niya at makikita mo sa porma niya na talagang angat na siya sa buhay.

"Ang tagal kitang hinanap, wala na kayo sa dating bahay niyo." Tumingin sa akin si Alex at ngumiti. Napangiti ako, dahil wala na akong nararamdaman na kahit anong sakit.

Masaya ako na ngayon at nandito na siya sa harap ko.

"I missed you, Kath." I smiled at him.

"I missed you too, Alex." Tinignan niya ang kabuoan ko.

"Teacher ka na pala." Tumango ako.

"Nurse ka na rin ba?" Tumango siya.

Tumayo siya dahilan para tumayo rin ako. Niyakap niya ako.

"Pasensya ka na kung nawalan tayo ng communication. Hindi ako pinayagan ni mom na makipag-usap sa inyo. Alam niya kasi na baka kung marinig ko ang boses niyo. Pipilitin ko na umuwi rito sa Pilipinas."

Tinapik ko ang braso niya.

"Alam mo, naiintindihan kita."

Napansin niya na suot ko ang singsing na bigay niya. Matagal siyang tumitig dito.

"Hindi mo pala hinuhubad 'yan?" Umiling ako at ngumiti.

Tumitig ako sa malaking puno nasa harap namin. Bigla kong naalala lahat na nangyari sa nakaraan namin.

"I didn't expect na makikita kita rito. You know what? Bukod sa nurse na ako ay mag-aaral na ulit ako sa Canada next year bilang doctor na. CEO na rin ako sa company ni daddy." Mabilis akong yumakap sa kaniya.

Namiss ko talaga siya.

"I'm so proud of you. Alam mo? Sobrang dami na nangyari rito. Ikakasal na si Ice sa girlfriend niya. Si Monica naman ay boyfriend niya na si Ryan. Si Jasper naman ay girlfriend niya na si Rya." Ngumiti ako kapag naalala ko silang lahat.

"Si Prince naman nasa Germany na. Halos ang daming nagbago sa buhay natin."

"Ikaw ba?" Mabilis akong lumingon kay Alex.

"Wala akong girlfriend." Tumawa siya.

"Ikaw?" balik na tanong niya.

"Wala rin." Nakita kong ngumiti si Alex.

Masaya ako na hindi umaasa ang puso ko ulit sa kung ano man ang sasabihin niya.

He's my greatest love,

My greatest man.

"Bakit hindi ka na nagmahal ulit?" Tumawa ako sa tanong niya.

"Kontento na ako sa buhay ko ngayon. Ikaw?"

Matagal siyang nakasagot.

"May kulang pa rin sa buhay ko kahit natupad ko na lahat ng pangarap ko." Kumunot ang noo ko.

"Ano 'yon?"

Humarap siya sa akin.

"Ikaw." Tumayo ako at tinitigan siya sa mga mata niya.

"Alex, alam mo tanggap ko na. Matagal na akong nakalaya sa kung ano ang meron tayo. Masaya ako para sa iyo at sana gano'n ka rin para sa akin."

Tumulo ang luha niya, niyakap niya ako nang mahigpit.

"Sana sa susunod na pagkikita natin, doctor ka na." Narinig ko ang mahinang hikbi niya.

"At sa pagbabalik ko na 'yon, sisiguraduhin ko na hindi na kita papakawalan pa. Mahal na mahal kita, Kath. Babalik ako, b-babalikan kita ulit sa pangalawang pagkakataon."

Tinignan namin ang isa't isa at pilit na ngumiti. Pumatak ang mga luha ko na matagal ko nang pinipigilan.

At kung dumating man ang pagkakataon na iyon. Sana sumang-ayon na ang panahon para sa atin.

Salamat at tinuruan mo ako kung paano magmahal

Salamat at tinuruan mo akong maghintay.

Salamat at nagtagpo ulit ang landas natin sa pangalawang pagkakataon.

Sana, sa susunod na magkita tayo. Ako pa rin ang mahal mo, dahil kapag nangyari iyon.

Bubuksan ko ulit ang puso ko para sa iyo.

Sa ngayon, hanggang dito na lang muna tayo.

Dito na matatapos ang masasakit at masasayang alaala natin.

Hanggang sa susunod, Alex.

Hanggang sa sunod.

Nagmamahal, Kath.



WAKAS

OPERATION: PRETEND TO BE HIS GIRLFRIEND (COMPLETED)Where stories live. Discover now