Habang naglalakad sa kung saan man ako dadalhin ni Jake ay nilibot ko ng tingin ang bawat pasilyong nadadaanan namin. Nangunot naman ang noo ko dahil palabas na ng underground headquarter ang pupuntahan namin.

“Saan ba tayo pupunta, Alvin?” hindi ko alam pero ang cute lang ng Alvin.

“Banaue Rice Terraces.” nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sagot nya.

“Sige sige! Tara! Matagal ko ng gustong pumunta doon!” excited kong sigaw. Ako na mismo ang humila sa kaniya palabas ng underground headquarter at sumalubong sa amin ang isang helicopter.

“If we use a car, 2 - 3 hours pa ang ride but if we use a helicopter, 30 - 45 minutes lang ang byahe.” bago pa man ako mag-tanong ay nag-explain na ito. Tumango na lang ako dito at nanatiling nakatingin sa helicopter.

Excited na may halong kaba akong nararamdaman. Paanong walang kaba kung may fear of height ako? Wala pa man kami sa himpapawid ay nanginginig na ang kamay ko sa kaba.

Naglakad na kami papalapit sa helicopter at hindi maiwasang liparin ang buhok ko kaya pinagsama ko ito at nilagay sa loob ng likuran kong damit. Nang makapasok na kami sa loob ni Jake ay mas dumoble ang kaba ko lalo na't naghahanda na ang piloto paalis. Hinawakan naman ni Jake ang kamay ko. He caresses my hand with his thumb while smiling gently at me.

I looked into his eyes. He gently looked back at me and kissed my temple. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ko naramdaman ang kaba at nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko man lang napansin na kanina pa kaming nasa himpapawid.

I unconsciously looked outside. Wala akong naramdamang kaba dahil ramdam ko ang init ng kamay ni Jake sa kamay ko. Nilagay ni Jake ang kanang braso nito sa bewang ko habang nakahawak naman sa kamay ko ang kaliwang kamay. Wala sa oras na napangiti ako dahil doon.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya nang tangkain kong tingnan ang baba. May kaunting kaba pero gusto ko talagang makita. Hinaplos pa din ni Jake ang kamay ko na para bang sinasabi na nasa tabi ko lang ito.

Nakita ko ang mga matatayog na bundok, puro puno, bulaklak, mga kabahayan na nasa gilid lang ng bundok. Namangha naman ako sa nakikita ko na parang sa Baguio, ’yung sa pelikula ni Erich Gonzales na si Agatha? ’yung bahay na patong patong sa gilid.

Nakalimutan ko ang kabang naramdaman ko at namangha na lamang sa mga nakikita ko sa baba. Hindi ko namalayan na nasa Banaue Rice Terraces na kami kung hindi lang ako tinawag ni Jake.

Nangunot ang noo ko nang hindi bumaba ang helicopter at nanatiling nasa himpapawid lamang dahil hindi enough ang space para makababa. May bumabang hagdan para makarating kami sa baba.

Bumalik na naman ang kaba ko nang titigan ako ni Jake at sa titig palang niya ay alam ko na ang ipinaparating nito.

“Hush, darling. Walang mangyayare, hmm? I need to make sure your safety. Baka mamali ka ng bagsak mamaya.” imbes na makatulong ang sinabi niya ay mas lalo akong kinabahan. What if mali talaga ang bagsak ko? Hinalikan ni Jake ang sentido ko.

“At nandoon ako para saluhin ka.” hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na mag-salita dahil umalis na ito sa tabi ko at nagsimulang bumaba.

Dumoble ang kaba ko sa isiping ako lang mag-isa dito sa himpapawid. Kung ano ano na ang naiisip ko na hindi nararapat at pilit sinisiksik na meron si Jake. Bumuga ako ng hangin para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ko ngunit hindi ’yon nangyare.

“Love!” may narinig akong sigaw mula sa baba. Gustuhin ko mang sumilip pero nanatili ako sa kinauupuan ko. Takot na mahulog.

“Ma'am?” tila nabingi na ako dahil hindi ko narinig ang pagtawag sa akin ng piloto at nanginig na lang sa kaba.

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now