Mafia's Doctor: Jade's Kidnapper

408 10 0
                                    

Kahit labag sa kalooban nilang lahat ay pumayag na din sila dahil nag-matigas pa din ako. Nakasulat sa papel na ako lang dapat ang pupunta doon bukas. Ang totoo ay wala talagang nakalagay sa sulat na sasaktan niya si Jade ibig sabihin wala siyang intensyon na saktan ang bata at gustong kausapin lang ako pero ang tanong na pa ulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ay…

Bakit? Bakit sa dating mansyon pa namin niya naisipang kausapin ako? Wala akong pinag-sabihan tungkol sa mansyon na iyon kaya paano niya nalaman na doon ako nakatira dati? Umiling na lang ako at nagpahinga. Masasagot lang din naman bukas at isa pa, ang daming nangyare ngayong araw.

Nauna na akong nag-lakad paakyat sa hagdan nang makita ko si Jake na sinasabayan ang lakad ko pero hindi ko na ito pinansin pa. Nang makarating sa harap ng kwarto ay papasok na sana ako nang may humawak sa braso ko. Pag-lingon ko ay si Jake na nakatitig na naman sa akin habang may pag-aalala sa mga mata nito.

Hinila nito ako palapit sa kaniya at niyakap ako nang mahigpit. Sinubukan kong kumawala dahil gustong gusto ko na maramdaman ang lambot ng kama pero mas hinigpitan pa nito ang yakap.

“I was scared earlier.” natigil ako sa pag-subok sa pag-alis ng yakap niya dahil sa sinabi nito. Bakit naman siya natakot? Rinig ko ang malakas at mabilis na pintig ng puso nito.

“Huwag kang gagawa ng bagay na ikaka-alala ko sa'yo.” nangunot ang noo sa dinagdag nito. I look up at him and I saw how his eyes looking at me with a care, and adoration on his eyes. Tumango na lang ako na ikinangiti nito. Natigil naman ako habang nakatingin sa mga labi nitong nakangiti sa akin.

OMG! NGUMITI SIYA!

Mukhang napansin nitong napatigil ako kaya natawa ito ng mahina na nagpa-tulala sa akin lalo.

TSNGINA! ISANG JAKE ALVIN, NGUMITI SA AKIN! CALL THE AMBULANCE NOW!! MAHIHIMATAY NA AKO!

Kinurot nito ang pisngi ko habang nakangiti at ngayon ko lang din nalaman na may biloy ito sa kaliwang bisngi. Ang gwapo! Mine na agad! Napahagikgik naman ako. Nakuha ko pang lumandi eh, ’no? Isa din itong Jake, parang hindi nakidnap ang bunso dahil sa kaharutan.

Mahina akong tinulak ni Jake papasok sa kwarto ko pero nakita ko pa itong kumindat bago sinara ang pinto. Napakagat ako sa labi ko para iwasan ang sarili na sumigaw sa kilig. Dali dali naman akong tumakbo sa kama at kinuha ang unan. Pucha, ngiti at tawa lang ang nangyare pero kinikilig na ako! Niyakap niya din pala ako! Hihi.

---

Nag-aayos na ako ng mga gamit. Maaga akong nagising at siniguro ko na pag-aalis ako ay hindi pa gising ang mga Montero. Kahit pumayag na ang mga ito ay alam kong ipapasundan pa din nila ako. Hindi ito matatawag na Mafia o magkakaroon ng titulong nangunguna sa ranggo kung hindi ito mag-iisip ng maayos.

Nang matapos ay siniguro muna nitong may dala itong dagger sa magkabilang hita at dalawang baril. Nakasuot ito ng knife pleated skirt na above the knee ang taas and a V-neck shirt na naka tuck-in sa skirt. Nakasuot din ito ng white rubber shoes.

Lumabas na ako sa kwarto ko at tiningnan ang orasan sa gitna ng hagdan. Mag-aalas singko pa lang ng umaga kaya dali dali akong bumaba at sinisiguro kong walang mga tauhan at katulong na makaka-kita sa akin kahit naka-kalat sila sa paligid. Hinahanap ko ang garahe nang makita ang isang tauhan nito na may hawak na pang-linis sa sasakyan.

Sinundan ko ito at nakitang papunta ito sa likuran ng mansyon. Nakita ko doon ang iba't ibang klaseng kotse at ang mga kulay nito kung bibilangin parang aabot ng 50 o baka pataas. Dali dali akong lumapit sa tauhang binaba na ang gagamitin na pang-linis sa isang BMW na sasakyan.

Napa-rolyo ang mga mata ko dahil doon. Ang linis linis pa pero lilinisan uli?! Nang makalapit ay hinampas ko ang batok nito na naging dahilan para makatulog at bumagsak sa sahig. Kinuha ko ang susi sa kamay nito at ginilid ang katawan.

“Sorry hehe.” bulong nito sa katawan ng tauhan na nilagay niya sa gilid para hindi niya masagasaan. Naglakad na ito palapit at napasipol sa ganda ng sasakyan na nasa harapan nito. Ganda ah.

Gamit ang susi na kinuha niya sa tauhan ay binuksan na nito ang pinto at lumoob. Nangunot naman ang noo niya dahil pang-lalake ang amoy ng sasakyan pero nang maalalang si Jake nga pala ang may-ari ay nagkibit-balikat na lang ito.

Pinaandar na nito ang sasakyan at inaalala kung saan ang palabas ng mansyon. Nang makita kung nasaan ang gate palabas ay mukhang nasa kaniya ang swerte sa araw na ’yon. Naiwang nakabukas ng gwardya ang gate dahil may tinitingnan ito sa labas kaya naman hindi na ito nag atubiling pinaharurot ang sasakyan palabas.

Katulad ng unang labas niya ay puro puno at bulaklak ang nasa paligid. Tulad nga ng una niyang na-obserbahan ay nasa gitna ng kagubatan ang mansyon ni Jake. Hindi naman lubak ang daanan marahil pina-semento ito ni Jake.

Nang makalabas sa kagubatan ay tinahak na nito ang daan papunta sa dating tirahan. Kung saan nangyare ang lahat. Masasagot na din ang mga tanong na paulit-ulit na naglulumikot sa isipan niya kagabi.

Dalawa? Tatlo? Apat na oras na itong buma-byahe ng tuloy-tuloy at hihinto lang kung magpapa-gasolina. Malapit lapit na din ang tirahan nila noon. Malapit lang ang mansyon nila sa dagat dahil mahilig ang mga magulang niya sa dagat at payapa. Malayo sa mga gulo.

Malayo pa lang siya ay kita na nito ang mansyon na hindi naalagaan. Ang dating puting pintura ay naging brown. Habang palapit sa dating tirahan ay siyang pagpatak ng kaniyang luha. Nagsisi-balikan ang mga memorya niya kasama ang pamilya.

Kung kailan buo pa sila, kung kailan may mga ngiti na nakaukit sa labi nila, ang simpleng pag-aaway at tampo na naaayos agad at ang mga kulitang hanggang ala-ala na lang.

Nang makarating ay pinarada niya sa harap ng mansyon ang kotse at pinunasan ang mga luhang patuloy na umaagos. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago lumabas at tiningnan ang kabuohan ng mansyon. Kung titingnan walang pinagbago at naging madumi lang pero para sa akin, ang dami.

Ang dating maingay na mansyon ay ngayon na tahimik. Humugot ako ng malalim na hininga bago marahas na bumuntong hininga. Kinagat ko ang labi ko bago naglakas loob na pumasok.

Kumatok muna ako bago pumasok. Naririto pa din sa loob ang mga telang pinang-takip ko sa mga gamit. Nahagip ng aking mga mata ang family picture namin. Nangunot ang noo ko ng maalalang tinakpan ko ’yon bago umalis.

Dahil sa katahimikan ng bahay ay may narinig akong hikbi sa kwarto nila Mama. Dali dali naman akong naglakad patungo doon at nakita si Riana na umiiyak habang hawak ang picture nila Mama. Nangunot ang noo ko nang mapag-tantong siya ang kumuha kay Jade.

Mas lalong nangunot ang noo ko sa mga narinig kong sinasabi nito sa larawan ng aking mga magulang.

“Bumalik na po ako, Ma, Pa.” ani nito habang umiiyak at hinahaplos ang larawan nila. Mukhang napansin naman nitong may nakatingin sa kaniya kaya lumingon siya sa direksyon ko. Pinunasan nito ang kaniyang mga luha at dali daling tumakbo at yumakap sa akin.

Nagulat naman ako sa ginawa nito at hindi makagalaw lalo na sa paulit ulit nitong sinasambit.

“Ate! Ate! Ate…” humagulgol itong naka-baon ang mukha sa leeg at paulit ulit tinatawag akong Ate. Nangunot ang noo ko sa mga aksyon nito. Out of nowhere, bigla kong naalala ang mga interactions namin. Sinulyupan ko ang picture nila Mama at ang sinabi nito kanina.

“Adriana.” mahina kong sambit ngunit nakayakap pa din siya sa akin kaya naman narinig ako nito at paulit-ulit na tumango.

“Ako nga… Ako po si Adriana.”

Mafia's Doctor Where stories live. Discover now