Mafia's Doctor: Headquarters

276 15 22
                                    

Nadia's POV;

Apat na araw akong bined-rest ni Jake kahit na okay na ang pakiramdam ko pero pinilit ko itong ayos na ako at pwedeng pwede na kaming pumunta sa headquarters nila. Noong una, tutol pa si Jake hanggang sa hindi na yata nakayanan ang pamimilit ko at tuluyang pumayag na.

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang highway dahil hindi kasya dito ang sasakyan nya lalo na't matao. Nahagip ng mata ko si Bea na seryosong tinitingnan ang mga dumadaan. Nakita ko din ang tinda nito kaya hinila ko sleeves ni Jake na napatingin sa akin. Nginuso ko naman ang turon na nagpalito dito kaya ngumuso ako lalo para ituro ang turon.

Walang pasabing hinalikan ako nito sa labi na ikina-maang ko. Pinalo ko ang braso ko at sinamaan siya ng tingin.

“Bakit mo ginawa ’yon?” inis pero pabulong kong saad. Paano kung may makakita? Edi nakakahiya! Baka mamaya may nagpicture tapos i-post sa social media!

Kumunot ang noo ni Jake at naguguluhang tumingin sa akin, “You asked for it. You even pouted your lips.” napasinghap naman ako at napabuga ng hangin.

“Tinuturo ko ’yung turon!” namumula kong saad. Kunot noong tiningnan ni Jake ang nginunguso ko kanina at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako dahil nakita ko ang pagpula ng tainga niya pero mabilis din itong nawala. Tumikhim naman ito at walang emosyong tiningnan ako.

“You want that?” mabilis naman akong tumango. Kinuha nito ang wallet sa bulsa ng slacks nito at kumuha ng bente. Edi wow, sana all may money. May black card nga eh.

Samantalang ’yung mga pinaghirapan ko, nasa bag ko tapos hindi ko man lang alam kung nasaan.

“Here. We need to hurry since the Mafia have a problem and we need to fix it now.” pagmamadali nito. Nangunot naman ang noo ko at hindi tinanggap ang perang inaabot nito.

“What happened?” I curiously asked. He sighed and looked around.

“Hindi dumating ang ka-transact namin sa China. We ordered a tons of guns but we received nothing. Hindi sila tumupad sa usapan.” dismayadong saad nito. Tumango naman ako at tinulak sa kaniya pabalik ang pera.

“Let's go.” his forehead creased.

“No, you want turon and buy that.” umiling naman ako at hinila na lang siya para wala ng dada. Nakita ko namang sinenyasan niya ang tauhan nya at hindi ko alam ang ibig nitong sabihin. Nakarating na kami sa highway at nakita kong nakaparada ang kotse nito sa kabilang kalsada pero nang makita kami ng driver ay agad nitong minaneho ang sasakyan papunta sa harapan namin.

Pinag-buksan kami ng pinto ng tauhan niya kaya nilagay ni Jake ang kamay niya sa ulo ko para i-guide papasok at iwas untog. Lihim naman akong napangiti sa gesture nyang ’yon. Nang nakapasok na ako sa loob ng kotse ay lumoob na din ito.

Nangunot naman ang noo ko nang hindi pa din kami umaandar kahit na sinarado na ang pinto.

Binuksan ni Jake ang bintana sa tabi nya at kinuha ang inabot ng tauhan niya mula sa labas. Pagkatapos ay inabot ito ni Jake sa akin bago senyasan ang driver na mag-maneho. Napangiti naman ako nang maamoy ang turon. Agad ko naman itong nilantakan at nakalimutang magpasalamat kay Jake.

Nakakailang kagat na ako ay napansin ko ang mainit na titig ni Jake sa akin kaya tumingin ako sa kanya at nahuli itong pinapanood ako na para bang ako ang paborito nitong pagmasdan.

“Sarap?” ngiting tanong nito.

Hindi ako agad nakapag-responde dahil sa tono nito. Parang doble ang meaning na pinapahiwatig nito. Ngumiti naman ako sa kanya ng pabalik at kumagat sa turon habang nakatingin pa din sa kaniya. Dumilim naman ang mukha nito habang nakapokus sa akin ang paningin niya kung paano ko isubo ang turon. Gumalaw ang panga nito.

Mafia's Doctor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon